462 Higitan ang sariling kakayahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang bawat galaw at ekspresyon sa kanyang mukha ay akma sa role; kahit ang paraan niya ng pananalita at mga pauses ay akma sa kanyang karakter.

Nasa kakaiba siyang lebel ng pag-arte kung ikukumpara siya sa o.a. na performance ng mga baguhan.

[Wah! Ang galing ng Xu Ming namin! Agresibo, napakalakas, cool at ang galing! Siya ang pipiliin kong Lin Luo Chen! Sinong nagsabi na walang makaangat kay Luo Chen bilang Lin Luo Chen?]

[Bilang isang fan ng orihinal na Terrifying Dragon… maganda naman ang performance ni Xu Ming, siya ang pinakamagaling kumpara sa lahat ng nag-perform ngayong araw! Pinakita niya ang isang malupit na bersyon ni Lin Luo Chen! Pinaramdam niya sa atin ang pagkawala niya sa pagkakaalipin hanggang nagbago at naging makamundo siya!]

[Para sa akin, mas lamang si Luo Chen sa kanilang dalawa - may sapa na oras siyang maghanda at baka mandaya siya at gayahin ang performance ni Xu Ming! Hindi ba? Hindi ito makatarungan?]

[Gusto kong makita ang pag-arte niya mamaya; aawayin natin siya kapag sinubukan niyang gayahin ang Xu Ming natin!]

...

Tumango at nakuntento ang direktor at producer nang makita nila ang performance ni Xu Ming. Kahit si Song Jin Lin na buong gabing badtrip ay medyo kumalma na kahit papano.

Humarap ang assistant direcor kay Luo Chen, mukhang wala siyang pakialam at walang pake niyang pinaalalahanan si Luo Chen, "Luo Chen, pwede ka nang magsimula!"

Si Luo Chen ay patuloy na nakaupo kahit sinabihan na siya ng assistant director na magsimula, kumpara ito sa limang sengundo lang na preparasyon ni Xu Ming kanina.

Kaya sa isang saglit, namato ng mga insulto ang mga tao.

[Anong nangyayari? Matagal bago siya magpalit ng karakter? Limang segundo lang ang preparasyon ni Xu Ming!]

[Ang batayan ng propesyonal na aktor ay ang mabilis na pagpalit ng karakter. Kung hindi niya magawa ito, wala siyang tsansa na matalo si Xu Ming!]

[Ang laki ng pagkakaiba ng dalawang ito!]

[Nakay Xu Ming ang boto ng tao! Hindi ako makapaghintay na ibigay ni Xu Ming sa atin ang panibagong Lin Luo Chen!]

[Bilang isa sa mga orihinal na fans, hindi ako makapaghintay na mapanuod ang bagong Terrifying Dragon nang mapanood ko ang performance ni Xu Ming!]

...

Mahirap ngayon ang pinagdadaanan ni Luo Chen. Tumaas ang inaasahang ng mga fans na lebel ng pag-arte ni Luo Chen dahil siya ay isang orihinal na aktor kaya natural lang na maging demanding ang mga fans.

Kailangan niyang maging magaling kumpara sa ibang mga kandidato, lalo na't importante rin na higitan niya ang sarili niyang kakayahan.

Matapos ang 15 na segundo, gumalaw na si Luo Chen.

Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at tumingin siya kay Xu Ming. Walang kasakiman sa kanyang mga mata at wala rin itong sigla. Sa halip, makikita ang bakas ng kasabikan at pagnanasa sa kanyang mga mata.

Si Yun Hai noon ay isang matalik na kapatid ni Lin Luo Chen na nag-aaral sa kanyang master, ngunit ang pagkakaiba ng dalawang ito ay parang langit at lupa.

Si Yun Hai ay ang pinakamagiting na lalaki na nasa tamang daan ng buhay ng bagong henerasyon, siya rin ay isang demonyong kinasusuklaman ng mga tao.

Gayunpaman, kahit hindi sila nagbago at nanatili pa rin ang mga pangyayari, kahit sumuko na sa lahat si Lin Luo Chen… trinato niya pa rin na kapatid si Yun Hai; si Yun Hai na kasama niya sa hirap at ginhawa.

Walang ginagawa si Xu Ming nung tiningnan siya ni Luo Chen pero ngayon, biglang nagbago ang karakter ni Xu Ming sa mga mata ni Luo Chen, naging si Yun Hai si Xu Ming.

Ito ay isang solo audition at hindi inareglo ng direktor ang kahit sino para umarte bilang male lead. Kahit imahinasyon lang ni Xu Ming na ang karakter niya ay ang male lead, kinausap talaga siya ni Luo Chen na para bang siya ang totoong Yun Hai.

Yumuko si Luo Chen matapos niyang makita si Xu Ming at bigla siyang tumawa, "Ha…"

Ang kaakit-akit at parang bata na itsura ni Luo Chen ay parang matagal na siyang nabuhay. "Tamang daan? Sakim na daan? Anong tama at mali?"

Pabulong na nag buntong-hininga si Luo Chen at bigla niyang tiningnan si Xu Ming; ang maliwanag niyang mata ay nagpapakita ng isang bata na sumasakay sa mga kabayo at nakikipag-usap sa kanya sa ilalim ng malinawanag na arawan. "Napaka-babaw mo Yun Hai!"

Nang humantong sa parteng ito si Luo Chen, sinabi niya ang dalawang linya niya na sinabi ni Xu Ming; inaasahan na ng lahat ang sususnod na mangyayari pero...

Lahat ng tao, kasama ang ilang mga audience na nang-iinsulto kay Luo Chen, ay napatigil ang kanilang hininga habang tutok ang kanilang mga mata sa screen, hinihintay nila ang susunod na performance ni Luo Chen.

avataravatar
Next chapter