1011 Higit pa sa paniniwala

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"En." tumango si Si Ye Han bago kinuha ang ice cream at milk tea ni Ye Wan Wan na iniinon niya at sinabi, "subukan mo yung damit." 

"Isa pang kagat! May isang kagat pa ito!" Hindi pa din nasiyahan si Ye Wan Wan hanggang sa kinain niya ang natitirang huling ice cream mula sa kamay ni Si Ye Han. 

"Chairman Si!"

"Good afternoon, Chairman Si!"

Nagulat si Guan Xiaohe at ang iba pa bago nila kaagad binati ng isa pang beses.

"Maaari ko bang maitanong… paano ang itatawag ko sayo, Miss?" maingat na tinanong ni Guan Xiaohe. 

"Hello, Ye ang apelyido ko!" sagot ni Ye Wan Wan. 

Guan Xiaohe: "Kamusta, Miss Ye!" 

Sinuri ni Ye Wan Wan ang stylist na nasa kanyang harapan. "Ikaw si… Guan Xiaohe, Teacher Guan?" 

Daling sumagot si Guan Xiaohe, "Oo, ako ang stylist mo ngayon, Guan Xioahe. Kilala mo ako, Miss Ye?" 

"Oo naman. Ikaw at si Mr. Zuo ay napaka-sikat sa industriya." sabi ni Ye Wan Wan. 

Kahit halos 30 na si Guan Xiaohe, nakagawa na siya ng make-up at styling sa napakaraming sikat na A-lister at may mahusay na karanasan. Higit pa dito, ang store manager ng shop na ito, ay si Zuo Shangjing, ay kilala sa buong mundo, at pati si Ye Mu Fan ay ginagalang siya. 

Kasalukuyang itinalaga ni Zou Shangjing si Xie Zhezhi bilang personal stylist. 

Hindi inaasahan ni Ye Wan Wan ang ilang kaswal na pagbanggit ng SPE Stylist Club sa harap ni Si Ye Han upang matulungan niya si Ye Wan Wan na mag-book ng appoinment sa stylist dito. 

Tanging… *hay*... hindi niya tinulungan na magpa-reserve si Zuo Shangjing tulad ng inaashan...

Ng makita ni Guan Xiaohe at Zuo Shangjing ang kabaitan at pagkamagalang ni Ye Wan Wan, umani sila ng paborableng impresyon kay Ye Wan Wan.

Matapos ang unting pag-uusap ni Guan Xiaohe at Zuo Shangjing, pumunta si Ye Wan Wan sa fitting upang magpalit sa kanyang gown.

Lubusang pinaghandaan ni Si Ye Han ang gown, at hindi na nagawa ni Ye Wan Wan ang makapagsukat.

Sa una nag-aalala siya na baka hindi magkasya, pero ng matapos niyang itong isukat, napagtanto niyang sakto lang ito. 

Walang kwarto para sa panglalait ang pagpili ni Si Ye Han.

Gayunpaman, ang istilo ng kanyang gown ay bahagyang nakakagulat para sa kanya. Kahit na medyo kaunti ang desenyo, hindi naman ito naka-apekto sa ganda nito. Ang mga makikinang na mga kwintas a nakatanim, na nagbibigay ng ilusyon ngunit eleganteng kwalidad sa ilalim ng liwanag. Samantala, ang maliit na detalyo na nakalagay dito ay, parang roses na nakaburda sa lay leeg, ay nagpapanaliti ng nakakaakit at magandang karakter sa kanyang edad.

Sa labas ng fitting room, biglang may naalala so Guan Xiaohe at sinabing, "um, ang zipper sa gown ni Miss Ye ay maaring mangailangan ng tulong… 

Habang sinasabi niya palang iyon, narinig ang boses ni Ye Wan Wan mula sa kwarto. "Ah-Jiu, tulungan mo ako sa may zipper ko…"

Natural na tumayo si Si Ye Han mula sa sofa at pumunta upang tulungan ang kanyang girlfriend sa kanyang zipper. 

Sa labas ng pintuan, ang mukha ni Guan Xiaohe ay nababalot ng pagkahanga habang siya ay nakatingin sa lalaki na kahanga-hanga pati na din gwapo na parang isang diyos. 

Bagamat si Si Ye Han ay hindi isang tao na maaari nilang makasalamuha sa kanilang lebel, mayroong napakadaming usap-usapan ang tungkol sa kanya sa Imperial City.

Ang pinaka-karaniwang usap-usapan patungkol sa kanya ay ang hindi siya lumalapit sa mga babae at uhaw sa dugo at malupit. Sabi-sabi din ng mga ilang tao hindi siya nagpapakita sa publiko dahil sa siya ay masyadong pangit.

Hindi inakala ni Guan Xiaohe na ganito ang kanyang itsura sa totoong buhay...

Maaaring siya ay malamig at kakaiba, ngunit malinaw na pinapaboran niya ang kanyang girlfriend! At saka, siya ay napaka-gwapo!!!

Makalipas ang ilang sandali, natapos na din sa wakas si Ye Wan Wan magpalit at umupo sa harap ng dressing table upang siya ay ayusan.

Para sa pinakamahalagang bahagi, si Guan Xiaohe ang kumikilos habang si Zuo Shangjing ay nakatayo sa tabi upang tignan sila at magbigay ng mungkahi. 

"Miss Ye, masyadong maganda ang iyong balat! Halos ang kailangan ko lang gawin. Maglalagay lang ako ng kaunting foundation sayo at para magkaroon ka ng warm-toned make-up upang bumagay sa iyong gown… tignan mo kung nagustuhan mo!" 

avataravatar
Next chapter