583 Hawak kamay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ah-jiu, sobrang sakit ng wrist ko, parang napunit ko ata ang laman nito…"

Nagsimulang umangal si Ye Wan Wan.

Kahit medyo matagal na rin siyang nagsasanay at mas flexible siya ngayon kaysa noon, hindi madaling sumakit ang kanyang katawan pagkatapos niyang mag-unat; ang katawan niya pa rin ay makupad at hindi pa rin siya makapag-perform tulad ng inaasahan niya. Sa kada-oras na makikipaglaban siya, hindi niya nararamdaman na malaya siya at hindi niya kayang ipakita ang gusto niyang gawin.

Parang… kaya ko pang mag-perform ng mas maayos..

Naligalig ang mga taong nagtatago nang makita nila ang eksenang ito.

Mas nakakatakot ang cute at kalmadong kilos ni Ye Wan Wan kaysa bayolenteng galaw niya.

Nag-aalala sila na baka hindi siya kayanin ni 9th master na mahina at may sakit, pero walang basehan ang takot nilang ito.

Si Ye Wan Wan ay masunurin sa harap ni 9th master na parang isang munting kuting.

...

Gabi na at nasa isang masiglang kalye sila, sa bawat gilid ay may mga tindero' t tindera na nagyayayang bilhin ang mga produkto nila. Puno ng mga aktibidades ang lugar na iyon.

Kakaiba man ang kalyeng ito sa kanila, hindi ito naapektuhan ang kanilang tungkulin at mayroon pa ngang ilang mga turista na kasama sa mga dumadaan na tao.

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang braso ni Si Ye Han at sinabi, "Ang mga pagkaing binebenta sa kalyeng ito ay masarap at mura pa. At saka, mayroon silang mga snacks na galing sa iba't ibang bansa. Madalas kaming pumupunta noon dito ng mga magulang at kuya ko! Ay, at saka, tumaba ako sa kakakain ko dito; kahit ang kuya ko ay tumaba ng sampung kilo kasi sinasamahan niya akong kumain dito…"

Sinadya ni Si He Han na pakinggan si Ye Wan Wan. Makikita sa kanyang mukha… na malinaw sa dibinong great devil na hindi niya alam na may ganitong lugar pala sa loob ng Imperial City...

Gayunpaman, hindi niya rin naman alam na ang cotton candy ay...

"Boss! Pabili nga pong candied haw! Gusto ko yun… opo, yung malaki!"

"Osige, basta't hawakan mo ito ng maigi!"

"Salamat!"

Hawak ni Ye Wan Wan ang stick ng candied haw at nagtanong siya sa dibinong great devil na katabi niya, "Alam mo ba kung ano ito?"

Tiningnan si Si Ye Han si Ye Wan Wan na parang ang pinapakita ng tingin niya ay "sa tingin mo ba ay bobo ako?"

Nagtanong muli si Ye Wan Wan, "Edi nakakain ka na nito noon?"

Si Ye Han: "..."

Ha, sabi na eh!

Nilagay ni Ye Wan Wan ang candied haw malapit sa bunganga ni Si Ye Han. "Dali, kagat ka! Masarap ito!"

Tiningnan ni Si Ye Han ang makinang na puting mga bola na mukhang gawa ito sa goma at napakunot siya. Linayo niya ang kanyang tingin at parang ayaw niya itong tikman.

"Ayaw mo nito? Ano palang gusto mong kainin? Bibilhin natin!" Hindi na siya pinilit ni Ye Wan Wan dahil nakita niya na ayaw itong kainin ni Si Ye Han, masayang kinagat ni Ye Wan Wan ang candy. Tumaba ang kanyang mga pisngi habang mahusay niyang nginunguya ng dahan-dahan ang candy, tulas siya ng isang squirrel.

"Doon, sa tingin ko merong…" magsasalita pa sana si Ye Wan Wan ngunit biglang lumapit ang lalaki, yumuko siya at kinain niya ang kalahati ng bola ng candied haw.

Kumurap si Ye Wan Wan. "Akala ko ayaw mo nito…"

Blanko ang itsura ni Si Ye Han nang nginuya niya ang candy. Kumalat ang matamis at maasim na lasa sa kanyang bunganga at kaya niyang kainin ito dahil akala niya kanina na mahirap itong kainin...

"Hehe, masarap 'di ba? Tara! May papatikim ako sayo na mas masarap!" Masayang nauna si Ye Wan Wan bilang gabay ni Si Ye Han sa patutunguhan nila.

Pilit na naipit si Ye Wan Wan sa harapan dahil masyadong marami ang tao.

Sumimangot si Si Ye Han. Napabilis ang lakad nila dahil sa mahaba niyang mga binti, sinusubukan niyang sumunod kay Ye Wan Wan. Mukhang naiinis na siya. "'Wag kang tatalikod."

"Edi… tara! Gawin na lang natin!" binuksan ni Ye Wan Wan ang malapad na palad ni Si Ye Han at nag-hawak kamay sila.

Yumuko si Si Ye Han at tiningnan niya ang kamay nilang dalawa. "En."

avataravatar
Next chapter