904 Hawak ang buong pagkatao niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa dining table, tiningnan ni Tang Long si Si Ming Li at Si Yi Qian at magalang niyang sinabi, "May mga kaalaman kami sa sitwasyon ng misyon na ito."

"Brother Tang Long, tinutukoy mo ba ang mga mersenaryo na nagpo-protekta sa babaeng iyon?" Nagtanong Si Yi Qian.

"Oo." Tumango si Tang Long at naglabas siya ng dokumento, nagsuot siya ng kulay gintong salamin at binuksan niya ang dokumento. "Ganito iyon - ang target natin ay pinapalibutan ng limang professionally trained na nagpo-protekta sa kanya. Ang lider ay nagngangalang Old demon Jiang at may apat siyang miyembro - tatlong lalaki at isang babae: Song Qiang, Tang Bin, Heidi at Jiao Jiao. Sa lahat, si Jiao Jiao ang pinakamahusay sa kanilang lahat at marami na siyang pinatay na mga tao. Siya ay mabagsik at masahol, nasa kamay niya ang dugo ng daan-daang tao at siya ay napakalupit."

Nang marinig nila iyon, sinuri ni Si Ming Li at Si Yi Qian at deskripsyon ni Jiao Jiao sa dokumento sabay humarap sila sa maamong mukha ni Tang Long.

Kahit ang lalaking ito ay sinasabi nang mabagsik ang kalalabanin nila...

Bata pa lamang siya pero isa na siyang A-rank mercenary at tumaas ang ranggo niya noong naging kapitan siya ng Noise of Dragons mercenary group. Napakahusay ng reputasyon niya at meron rin na golden reputation sa pagiging miyembro ng Noise of Dragons mercenary group.

Hindi dapat akalain ng isang tao na nakabase ang abilidad ni Tang Long sa itsura niyang pino at mabait na ugaling pinapakita niya ngayon, dahil siya ay walang awa kapag sa labanan.

Gayunpaman, narinig lamang ni Si Ming Li ang kwento-kwento tungkol kay Tang Long sa ibang tao. Hindi siya sigurado kung totoo ba o tsismis lamang ang mga natamong tagumpay noon ni Tang Long.

"Ang mga taong ito ay nabibilang sa Kirin mercenary army at habang nasa army sila, tumanggap sila ng pitong S-rank na mga misyon at napagtagumapayan nila ang dalawa sa mga misyon na iyon. Noon, habang tumutulong sila sa pag-transport ng goods - may nagsabi na pinagtaksilan nila ang kanilang employer - sila ay tunay na mabangis at nakakatakot. Hindi magiging madali ang misyon na ito."

"Edi…" nangangamba pa si Si Ming Li at hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Tang Long.

"Mr. Si, kailangan ng 30% pag-angat ng bayad mo sa akin. Kung sasang-ayon si Mr. Si, mabilis kong gagampanan ang misyon na ito. Pero kung ayaw ni Mr. Si, gagawin namin ito na parang misyon lamang para sa isang kaibigan." Sinara ni Tang Long ang dokumento at ngumiti.

Sumimangot si Si Ming Li sa sinabi ni Tang Long. Napagkasunduan na nila ang kabayaran noon pa man, ngunit walang pakialam si Tang Long sa mga patakaran at nanghingi pa siya ng mas mataas na kabayaran para sa serbisyo niya!

"Haha… sige, brother Tang Long, prangka ka pala talaga. Sige, pagkatapos niyong harapin ang misyon, tataasan ko ng 30% ang kabayaran ko sayo!" Walang magagawa si Si Ming Li kahit na ayaw niyang itaas ang kabayaran niya.

"Sige, dahil sumang-ayon na si Mr. Si, paki-pirmahan na lamang ang kontrata." Nilabas ni Tang Long ang kontrata.

Kumibo ang gilid ng mga labi ni Si Ming Li nang makita niyang inihanda na pala ang kontrata para sa kanya. Mukhang hawak na ni Tang Long ang buong pagkatao ko, hinanda na niya pala noon pa man ang kontrata na ito...

Dumilim ang itsura ni Si Ming Li, tumayo siya at pinirmahan niya ang kontrata.

"Mr. Si, pasensya na. Pinapahalagahan ko talaga ang kontrata. Hindi pwedeng pagbasehan ng kasunduan natin ang berbal na komunikasyon kung ikukumpara sa pinirmahan na dokumento na kongkreto ang basehan ng kasunduan." Tinago ni Tang Long ang kontrata at medyo natawa siya.

Walang kinalaman sa legalidad ang ganitong kontrata, pero nagkasundo ang trade union na kapag hindi nagampanan ng isang pangkat ang kanilang tungkulin na may kontratang pinirmahan, ang mercenary trade union ang tutulong upang ayusin ang sitwasyon.

"Paalam."

Sa pagkakataon na iyon, inayos ni Tang Long ang pantaas niya at tumaho siya upang umalis nang kasama ang kanyang mga tauhan

"Brother Tang Long, huwag niyong papatayin ang babae!" Pinaalalahanan siya ni Si Ming Li.

"Sige Mr. Si, naiintindihan ko." Si Tang Long ang nanguna sa kanila. Hindi man lang siya tumalikod at agad silang umalis ng restaurant.

Little house of Rose:

"Master, master, may inimbento akong bagong dish. Kainin mo ito - ang Phoenix Tale Fire Prawn. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ito makakain ng ordinaryong tao!"

Hawak ng matabang chef ang isang kawali ng pulang matataba na mga hipon at naglakad siya patungo kay Ye Wan Wan. Tinanggal niya ang kanyang apron at nilapag niya ang mga hipon sa dining table.

avataravatar
Next chapter