534 Hangga’t ikaw ay nakikita ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para sa bodyguard na nasa likuran, nasa pagkalito ang itsura niya nang pinapanuod niyang kung napaano si Ye Wan Wan, na halos malapit ng makumpleto ang unang kilometro, at umarte na para bang isang spoiled na babae.

Hindi man sabihin ni Eleven , ngunit kahit na si Great White, na nasa likuran ni Si Ye Han, ay tumaas rin ang kilay bilang pagpapahiwatig ng hindi nito pagsang-ayon.

Alam ni Ye Wan Wan na hindi pa siya kahit kailan nakakatakbo ng isang kilometro, ngunit sa sandaling siya malapit na umangal kaya siya ay kaagad na nagsalita, "hindi hindi, tatakbo pa din ako. Sa kasamaang palad mabagal lang ang takbo ko!"

Sumimangot si Si Ye Han.

Ipinakita ni Ye Wan Wan ang kanyang best puppy eyes, "baby sumakay kana din sa sasakyan! Sa paraan na iyo, pwede kitang tignan at tumakbo ng may maraming lakas!"

Ipinakita ni Si Ye Han ang kanyang seryosong mukha. "Sigurado ka ayos ka lang?"

"Ayos lang ako, ayos lang ako. Kaya ko pang magpatuloy ng medyo matagal; sa kadahilanan, na makita kita…"

Nang marinig ang kanyang sinabi, ang lagay ni Si Ye Han ay naging malumanay.

Sa sinabi na iyon, pumunta na rin si Si Ye Han sa may sasakyan. Mabagal na minaneho ang sasakyan habang sumusunod si Ye Wan Wan sa likod.

Ang bodyguard ay nasa isang ganap na kalituahan bilang siya ay walang kakayahang kausapin ang murderous devil woman mula noong gabi hanggang sa mahinang babae sa harapan niya na hindi man lamang makumpleto ang isang kilometro.

"Oy Kap'n, sigurado ka ba na sila ay iisang tao?" hindi na napigilan ng bodyguard at mahinang nagtanong kay Eleven.

Tamang magsasalita palang sana si Eleven, at bahagyang naiba ang kanyang tingin. "Binagalan mo ang sasakyan?" 

Itinango ng bodyguard ang kanyang ulo, "hindi, bakit?"

Napabulong si Eleven sa kanyang sarili, "kung hindi mo binagalan, ibig-sabihin… bumibilis si Miss Wan Wan…"

Ang bodyguard, na nagmamaneho, ay nagulat ng ilang sandali saka tumingin sa kanyang rearview mirror. "Wow, totoo nga! Nahahabol na niya ang aking sasakyan… ah….naabutan na niya tayo…"

Habang sila ay nag-uusap, tumakbo sa harapan ng sasakyan si Ye Wan Wan.

Sinigawan ni Ye Wan Wan ang mga tao sa loob ng sasakyan habang tumatakbo: "Eh? Wag mo bagalan!

Kailangan ko makita ang iyong master sa harap ko - kung hindi, hindi ako makakatakbo!"

"Uh… ako bahala!" namula ng kaunti ang bodyguard at kaagad na binilisan.

Sandali, hindi tayo bumabagal, okay?

Tang*na! May mali… bakit pabilis siya ng pabilis?

Base sa kanilang na obserbahan, na abot na ni Ye Wan Wan ang kanyang limitasyon at sa ganitong kalagayan, hindi na makakatakbo ng mabilis pa ang isang tao, kaya bakit siya nakakatakbo ng mabilis?

"Maaaring ganito mag kumilos ang kanyang katawan kapag na-aabot niya ang kanyang limitasyon?"

Minsan kapag ang isang tao ay naabot ang kanyang limitasyon, mayroong panahon na ang kanilang hakbang ay gumagaan ngunit ito ay nangyari lang sa maikling panahon, katulad lang ng liwanag ng palubog na araw.

Halos magkaparehas lang ang teorya na nasa isip ni Eleven at ng bodyguard ngunit paunti-unti, ang kanilang itsura ay nagsimula ng nagbabago…

Sa isang iglap, nakatakbo si Ye Wan Wan ng 3 kilometro ng hindi humihinto.

Tumingin sa malayo si Eleven at pasigaw na sana ng "tigil," ngunit nasa malayo na si Ye Wan Wan.

"9th master…?" lumingon si Eleven kay Si Ye Han upang magtanong ng bilin.

Sa bandang huli, ang mata ng kanyang master ay nakatuon lang sa tumatakbong babae sa likod ng sasakyan at tila walang kahit anong intensyong patigilin ito.

Kaya naman, nanatling tahimik si Eleven at nanuod.

Na sopresa si Ye Wan Wan, napagtanto niya hindi siya bumabagsak at mas gumagaan at bumibilis ang kanyang hakbang. Hindi niya maiwasang tumingin ng gulat kay Si Ye Han. "ah, baby, nakakatulong talaga ito! Napansin na hanggat ikaw ay nakikita ko, hindi ako mapapagod! Kahanga-hanga!"

Naka-upo si Si Ye Han sa loob ng sasakyan at ang kanyang noo ay naka sandal sa kanyang kamay. Tumingin siya sa kanyang masiglang maliit na mukha at isang banayad na ngiti ang dumaan sa kanyang mukha.

Ang napipilitang pakainin ng pagkain ng asa na si Eleven at ang bodyguard: "..."

avataravatar
Next chapter