1009 Handang pangatawanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi problema para kay Ye Wan Wan na tawagin siyang little darling ni Si Ye Han. Malakas pa nga ang loob niya noong inudyok si Si Ye Han, "Dali, dali…"

Lumiyab ang apoy na nanggaling sa mga mata ni Si Ye Han nang makita niya ang kwelang mukha ni Ye Wan Wan. Tumingin siya sa maputi ang banayad na leeg ni Ye Wan Wan at unti-unti siyang lumapit habang nakatingin sa baba. "Hindi na kailangan iyon… pero…"

Habang sinasabi niya iyon, dahan-dahan niyang hinalikan ang gilid ng leeg ni Ye Wan Wan. Ang mainit niyang mga labi ay sumisipsip sa kanyang magandang balat...

Pero handa siyang gawin ang kahilingan na ito...

Ilayo niyo ang inyong tingin sa kalaswaan na ito!

Sa harap nila, mabilis na sinara ni Xu Yi ang divider na nasa gitna upang maiwasan niya ay sobra-sobrang pagkain...

Dahan-dahan na nagmaneho palayo ang itim na kotse mula sa eskwelahan.

Hindi alam ni Ye Wan Wan na matagal na palang huminto sa may kalsada ng Imperial Media University si Han Xian Yu at nakatingin siya sa direksyon ng umalis na kotse. Ang itsura niya ay mukhang mabagsik.

"Xian Yu, ano iyon?" Nagtataka na tinanong ni Fei Yang, ang manager ni Han Xian Yu.

Paalis na sana si Han Xian Yu nang matapos ang kanilang shooting, ngunit bigla siyang huminto nang makita niya ang kotseng nagmaneho palayo ng eskwelahan.

Nag-iiba ang ekspresyon sa mukha ni Han Xian Yu sa sandaling ito.

Nakita niya ang boyfriend ni Ye Bai na may sinundong estudyanteng babae at magkasama silang pumasok sa loob ng kotse...

Wala naman silang malaswang ginawa sa isa't isa, nakita niya lamang na binuksan ni Si Ye Han ang pintuan ng kotse para sa babae.

Baka magkaibigan sila o magkamag-anak…?

Habang iniisip iyon ni Han Xian Yu, paalis na sana siya pero biglang bumigat ang loob niya, kaya ang sinabi niya na lang, "Brother Yang, pakisundan naman yung itim na kotse na nagmamaneho palayo."

"Huh? Bakit ko susundan ang kotse na iyon?" Hindi siya naintindihan ni Fei Yang.

"Huwag ka na magtanong, gawin mo na lang kaagad!"

"Ah, sige, sige…"

Kialalang-kilala ni Fei Yang si Han Xian Yu at alam niya na hindi siya ang tipo ng tao na nagpapadalos-dalos lang, kaya baka may rason kung bakit iyon sinabi ni Han Xian Yu. Mabilis niyang sinunod ang utos ni Xian Yu at sinimulan niya ang makina ng kanyang kotse para sundan ang kotse sa harapan nila.

Sa pinaka-engrandeng shopping center ng mga mamahaling bagay sa Imperial City.

Sinundan sila ni Han Xian Yu hanggang sa makarating sila sa underground parking lot ng Parkson Plaza. Maraming kotse doon kaya hindi mapapansin ng ibang tao na sinusundan niya ang kotseng itim.

"Uy, Xian Yu, sino ang nasa loob ng kotse na nasa harapan natin? Sino ba ang sinusundan natin? Bakit natin sila sinusundan?" Nabigla si Fei Yang dahil hindi niya naiintindihan si Han Xian Yu kung bakit umaakto ito na parang paparazzi.

Hindi sumagot si Han Xian Yu. Ang buong atensyon niya ay nasa kotse na nasa harapan nila.

Nakita niyang lumabas ang dalawang tao sa loob ng kotse. Sa pagkakataon na ito, niyakap ng babae ang braso ng lalaki at naging malinaw ang relasyon ng dalawang ito.

Mabilis na naglakad sa loob ng elevator ang dalawa at sumakay sila sa loob papunta ng shopping center.

Naramdaman na ni Han Xian Yu na parang may mali nang makita niya si Si Ye Han na may kasamang babae sa may teatro noong nakaraan. Gayunpaman, sinabi ni Ye Bai noon na kakilala lamang ni Si Ye Han ang babaeng iyon noon pa man, kaya wala na siyang sinabi pa.

Ano pala itong nangyayari ngayon?

Hindi kaya nilalandi lamang ng lalaking ito si Ye Bai pero may sikreto silang relasyon ng babaeng ito?

Gustong-gusto siya ni Ye Bai at handa nitong talikuran ang pressure ng kung anong normal sa siyudad...

Mas lalong nagalit si Han Xian Yu kapag lalo niya itong iniisip. Hindi na siya nag-alangan kaya kinuha niya ang maskara at sunglasses sa tabi niya. Binuksan niya ang pintuan at sinundan niya ang mga ito.

Kailangan kompirmahin kung totoo ito. Mainam sana kung maling pagkakaintindihan ito, pero paano kung hindi...

Takot na takot si Fei Yang sa inaakto ni Fei Yang. "Uy, Xian Yu! Anong ginagawa mo?! Nababaliw ka na ba?"

Public figure si Han Xian Yu. Magiging magulo kapag nagpakita siya sa pampublikong lugar si Han Xian Yu...

"Okay lang ako, brother Yang!" Ang normal nang rasyonal na ugali ni Han Xian Yu ay walang pakialam sa abiso sa kanya ni Fei Yang.

avataravatar
Next chapter