926 Halos matunaw ang puso ng taong makikita siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa bahay ng Ye family:

Sa may bakuran, umaga na at umiinom ng tsaa si Liang Mei Xuan. Binaba niya ang kanyang teacup at biglang nangamba siya. "Seryoso ka ba, Yiyi? Binili ni Ye Mu Fan ang script ni Xu Lin? Baka nagkamali ka lang…"

"Huwag ka mag-alala, ma. Pinatingin ko na kung tunay ang impormasyon na ito. Hindi ako nagkakamali."

Lumiwanag ang mga mata ni Liang Mei Xuan. "Gagamitin natin ang insidenteng ito para guluhin ang lalaking iyon, tama?!"

Eleganteng hinigop ni Ye Yiyi ang kanyang tsaa, "Ninakaw ni Xu Lin ang script ng ating gold medal scriptwriter at binili pa ng Age of Immortals media ang ating script, siyempre hindi sila makakatakas sa ginawa nila. Sa pagkakaalam ko, nagsimula nang mag-film sila Ye Mu Fan at nag-invest na sila ng napakaraming halaga para doon. Kapag natalo sila sa korte, hindi nila maipagpatuloy ang filming at mapupunta lamang sa wala ang mga perang investment nila."

Naging maayos ang emosyon ni Liang Mei Xuan nang marinig niya iyon. "Noong mga nakaraang araw lamang, pinuri nila lolo at lola mo si Ye Mu Fan sa harapan ko. Sinabi nila na handa na siyang magbago!"

"Hng, bastardo. Hindi niya nga masimulan ng maayos ang maliit na kumpanya niya - ano ang dapat nating ikatuwa doon? Hay, ano kayang mararamdaman ni lolo at lola mo kapag nalaman nila na ninakaw ni Ye Mu Fan ang script ng Emperor Sky?"

Kuminang ang mga mata ni Ye Yiyi. "Hindi na siya pagkakatiwalaan pa ni lolo at lola."

Ngumisi si Liang Mei Xuan, "Hng, nagbigay pa ng mga mabubulaklak na salita ang loko na iyon at nilayo niya ang lahat sa katotohanan. Pinaniwala niya ang lolo at lola niyo na nagkamali kami ng papa mo sa paninisi namin sa kanya! Ye Yiyi, gamitin mo ng maayos ang oportunidad na ito. Tingnan natin kung paano pa siya makakatakas dito!"

Mayabang na sumagot si Ye Yiyi, "May naatasan na akong tao na atupagin ang pangyayari at may ebidensya pa ako. Sigurado ako na mananalo tayo sa korte. Ma, sinabi ko na ito noon pa man - kailangan lang natin maghintay para makahanap ng oportunidad na makaganti tayo sa kanya. Sa ugali pa naman ni Ye Mu Fan, siya mismo ang papatay sa sarili niya."

Mapagmataas na sumabad si Liang Mei Xuan, "Tama ka, Yiyi. Ang talino talaga ng anak ko! Ang bobo ng dalawang magkapatid na iyon - kahit ipagsama mo sila, hindi pa rin sila maikukumpara sayo! Hindi na natin sila kailangan pang alalahanin!"

Little Garden House:

Wala nang masabi si Ye Mu Fan dahil pinatahimik siya ng mga salita ni Ye Wan Wan.

Nagmadaling bumaba si Ye Wan Wan at nakita niya na nakaupo sa may dining table si Tang Tang, habang kumakain ng umagahan.

Nakaupo sa stool ang bata habang kumakain siya ng umagahan.

Buong gabing gising si Ye Wan Wan dahil nagaalala siya na baka hindi niya maalagaan ng maayos ang bata.

Pagkatapos niyang maghanap sa internet, marami siyang nahanap na mga reklamo ng mga magulang sa kanilang mga anak at mahirap raw alagaan ang mga bata. Nalaman niya na maraming bagay ang kailangang pagtuonan kapag nag-aalaga ng bata at mahirap pala talagang mag-alaga ng mga bata. Nagka-insomnia si Ye Wan Wan habang binabasa niya ang mga ito...

Pinaghandaan na ni Ye Wan Wan ang masamang mangyayari at handa na rin siya sa iba't ibang sitwasyon.

Gayunpaman, hindi siya umasa na hindi magkakagulo sa unang araw niyang pag-aalaga ng bata.

Nagising ng mag-isa ang batang lalaki, sinuot niya ang kanyang damit, naligo at umupo siya ng mag-isa sa dining table. Hindi siya mapili sa kanyang pagkain at kinain niya ang kahit anong pagkain na inihanda sa kanya.

Napakabait ng batang ito at halos matunaw ang puso ng taong makikita siya...

Lumapit sa kanya si Ye Wan Wan na may magulong puso at dahan-dahan niyang sinabi, "Tang Tang, okay ba ang pagkain na iyan?"

Binaba ng batang ito ang kanyang chopsticks at hinintay niyang matapos siyang ngumuya bago siya sumagot: "Okay."

avataravatar
Next chapter