568 Hahayaan kita na unang umatakel let you attack first

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Siya na nangakong makukuha muli ang posisyon ng punong kapitan, ay natalo sa isa sa mga tauhan niya sa harap ng maraming tao.

Naramdaman ni Liu Ying na parang may mabagsik na halimaw ang sumusugod sa damdamin niya dahil nag-halo halo ang lahat ng emosyon hanggang sa mawarak ang isipan niya...

Sa hindi kalayuan, nagulat din si Ye Wan Wan sa natunghayan niya.

Natalo niya si… Liu Ying.

Sa buhay ni Ye Wan Wan noon, hindi niya natatandaan kung sino ang Yuan Sheng na ito dahil wala siyang karangalang natamo noon pero sa kasalukuyang buhay ni Ye Wan Wan, tinalo ng lalaking ito si Liu Ying...

"Gusto kong hamunin si Eleven!"

Narinig ang malakas na boses ni Yuan Sheng sa buong lugar.

"Sige!" Tinanggap ni Eleven ang hamon. Tumayo siya mula sa upuan ng punong kapitan at naglakad siya patungo sa ring.

"Ggg-galingan… galingan mo… ttt-talunin… talunin… talunin mo siya… hanggang… sa kamatayan!" Sinuportahan ni Bulol si Eleven habang nasa upuan siya ng lider.

"Galingan mo, Kapitan!"

"Ipakita mo sa lalaking ito kung sino ang magaling!"

"Tsk, ano ang kakayahan niya para maging kapitan? Tauhan lang at alagang aso sa tabi ni Liu Ying si Eleven… ngunit kinagat niya ang mga kamay ng nag-alaga sa kanya."

"Tama! Hindi natin alam kung bebenta siya bilang punong kapitan habang nasa misyon tayo."

Nag-uusap usap sa ngayon ang mga miyembro ng Dark Team 1.

Maliban sa mga miyembro ng Dark Team 1, binibigay ng iba ang mga suporta nila kay Yuan Sheng at sinusubukan nilang sumipsip sa kanya. Nakita ng lahat nv manonood ang pagakatalo ni Liu Ying kay Yian Sheng, paano pa kaya si Eleven?

Pinakita ng kompetisyon na ito ang mga taong may madilim na intensyon...

"Dali na. Gusto kong makita kung nakakatakot ba talaga ang punong kapitan na ito." umungol si Yuan Sheng at niyaya niya si Eleven gamit ang kanyang daliri.

"Bilang punong kapitan, hahayaan kita na maunang umatake," sabi ni Eleven.

"Ahh? Ako ang unang aatake?" ngumiti si Yuan Sheng. Hindi importe si Eleven sa paningin ni Yuan Sheng.

"Suntukin mo ako kung matapang ka talaga!" Natutunan ito ni Eleven kay Bulol.

"Tsk… madali para sa iyo yun, 'di ba?" inasar siya ni Yuan Sheng at humakbang si Yuan Sheng paabante ng ilang metro hanggang sa makapunta agad siya sa gilid ni Eleven.

"Mamatay ka!"

Ilang kombinasyon ng suntok ang inatake ni Yuan Sheng kay Eleven.

Ngunit nakatayo pa rin sa iisang pwesto si Eleven at hindi siya gumalaw. Ginawa niyang pangsangga ang kanyang palad at iwinasiwas niya ito sa ere.

Umatake sila sa isa't isa gamit ang kanilang mga palad at kamao. Ilang atake lang ni Yuan Sheng ang tagumpay na tumama ngunit hindi pa rin niya nalalamangan si Eleven.

"Ano…"

Napa-urong si Yuan Sheng. Kumunot siya at nagtataka niyang tiningnan si Eleven.

Pamilyar sa kanya ang lakas ni Eleven - madalas ay hindi niya nahaharangan ang tatlong atake na galing kay Yuan Sheng. Ngunit ngayon, walang hirap na tinapos ni Eleven ang mga atake niya.

Parang isang malinis na gusali si Eleven dahil wala siyang sugat sa kanyang katawan; para siyang isang hedgehog na binabalot ng tusok tusok, kaya walang may kayang umatake sa kanya.

"Ano? Dali, sapakin mo ako!" Sumigaw si Eleven.

Gayunpaman, napakunot si Yuan Sheng na para bang may napagtanto siya. Hindi siya naunang umatake at sinabi, "Ikaw muna ang umatake."

"Mauna ka, kung hindi ka duwag." Niyaya siya ni Eleven.

"Bakit hindi ka maka-atake punong kapitan?!"

Sampung minuto na nanatili at nagtalo ang dalawa kung sino ang unang aatake.

"Dali, laban…"

"P***! Naglalaban ba kayo?! Anong ginagawa niyong dalawa - date?"

"Punyeta… inaantok na ako, maglaban na kayo, parang-awa niyo na…"

Walang masabi ang halos lahat ng bodyguards. Hindi nila alam kung amo ang pinag-gagawa nila Eleven at Yuan Sheng.

Sa hindi kalayuan, napa-ubo si Ye Wan Wan at tinakpan niya ang kanyang mukha. Bakit hindi ko kayang maunang umatake at bakit tinuruan ko lang si Eleven kung paano mag counterattack… nakita na ni Yuan Sheng ang trick ni Eleven.

Matapos ang ilang oras, nagsalita na si Xu Yi, "Yuan Sheng, ikaw ang nanghamon. Kapag wala pa ring panalo pagkatapos ng kalahating oras, talo ka na."

avataravatar
Next chapter