684 Hahalikan kita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kasing bilis ng magnanakaw na lumapit si Gong Xu sa lalaking natutulog sa sofa...

Kailangan ko talaga siyang...

Kailangan kong gawin ito… nang matapos na...

Ngunit biglang bumukas ang mga mata ni Ye Wan Wan nang lumapit si Gong Xu.

Kaya mabilis na tumayo ng diretso si Gong Xu. "Ye… Ye-ge!"

Ibinaba ni Ye Wan Wan ang dokumentong hawak niya at tiningnan niya ang katabi niyang sofa. "Maupo ka, Gong Xu."

Hindi kumikibo si Gong Xu at nanatili siyang nakatayo sa iisang pwesto. "Ye-ge, ito ang kahilingan ko kaya kailangan mong sumang-ayon sa desisyon ko!"

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan. "Ano iyon?"

Seryosong sumagot si Gong Xu, "Pwede ba kitang halikan?!"

Si Dong Zai na nasa gilid niya: "...!!!"

Damn! Tama ba ang narinig ko?

Bingi na yata ako!

Kumislap ang nakakasindak na ilaw sa mga mata ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang hiling ni Gong Xu. Pilit niyang nginitian si Gong Xu at dahan dahan niyang sinabi, "Gusto mo bang mamatay?"

Naramdaman ni Gong Xu na parang pinana ang puso niya ni Kupido. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang dibdib at umangal siya. "Aray! 'wag ka namang ganyan Ye-ge! Huwag mo akong tingnan ng masama! Huwag mo kong kausapin ng ganyan!"

Sobra ka sa akin, Ye-ge!

"Ye-ge, magkamukha kayo ni Little Candied Plum; kapag nakikita kita, napapagkamalan kita na si Little Candied Plum. Hindi ko alam kung nagiging bakla na ako…"

B-b-b-bakla?

Sa araw na ito, nalaman ko ang isang pasabog na balita!

Wala bang modo ang artista na ito?

Bumulong si Gong Xu, "Buti na lang at hinalikan ko si Tang Xing Huo kagabi at halos sumuka ako sa pandidiri, dahil dito… alam ko na hindi ako bakla! Pero kapag nakikita kita Ye-ge, kumakalabog ang puso ko na parang isang batang usa! Parang tanga 'di ba? Hayaan mo akong halikan ka at kapag nandiri ako, hindi na kita guguluhin kahit kailanman!"

Ye Wanwan: "…"

Bigla akong naawa sa kalagayan ni Tang Xing Huo...

Sinubukang makipagkasundo ni Gong Xu kay Ye Wan Wan, "Edi… bakit hindi ako pinapayagan ni Ye-ge na makipagkita kay Little Candies Plum! Titigilan ko na ang ganitong pag-iisip kapag nakita ko na si Little Candied Plum!"

Magsasalita na sana si Ye Wan Wan ngunit na-istorbo siya dahil may kumatok sa pintuan. "Director Ye, Xu-ge, magsisimula na ang meeting."

Ye Wan Wan: "Sige. Pupunta na rin kami diyan."

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Gong Xu. "Gusto mong sumangayon ako sa hiling mo?"

Lumiwanag ang mga mata ni Gong Xu at paulit-ulit siyang tumango.

Tumayo si Ye Wan Wan at dineretso niya ang kanyang lapel sabay tiningnan niya ng patagilid si Gong Xu. "Sige, basta't kakayanin ng dalawang binti mo."

Yung hindi ako matatakot na mabali ang mga binti ko...

Kinilabutan Gong Xu at nanginig ang tuhod niya. "..."

Sa loob ng conference room:

Naroroon ang lahat ng nakatataas na tauhan ng Dazzling Media.

Nasa gitna ang general manager na si Yang Jin Yuan. Nakaupo sa kaliwa niya ay si Ye Wan Wan at katabi niya si Gong Xu.

Kalmado ang ekspresyon ni Yang Jin Yuan. "Anong ginagawa ng PR department? Hindi pa rin nila kontrolado at inaayos ang sitwasyon na ito. Sa halip, ito ay lalong lumalala!"

Nagagalit ang direktor ng PR department. Tiningnan niya si Gong Xu na nakaupo habang naka de kwatro na parang isang dakilang master. "Mr. Yang, ginawa namin ang lahat ng aming makakaya para kontrolin ang sitwasyon at i-delete ang mga kasalukuyang mga posts tungkol dito. Ginawa na namin ang lahat, ngunit… parating nakikipag away si Gong Xu sa mga netizens kagabi… kaya… mahirap itong ayusin…"

Mas nakakasira ang mahinang kasamahan kaysa sa malakas na kalaban.

Trinabaho namin ang pagsasaayos ng sitwasyon hanggang sa naging kontrolado na namin ito, ngunit dahil sa isang simpleng komento ni Gong Xu, marami na naman siyang inimbitang mga kaguluhan - nababaliw na kami dahil ang gulo niya, okay?

avataravatar
Next chapter