507 Hablutin niyo siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang magawa si Song Jing.

Iniisip man ito ni Song Jing, ngunit dinala sila ni Ye Wan Wan dahil siya ay walang depensa at isa lang siyang mahina na babae. Anong inaasahan nila? Lilipad papaalis si Ye Wan Wan sa sitwasyong iyon?

Habang inoobserbahan nila Liu Ying at Song Jing si Ye Wan Wan sa hindi kalayuan, si Ye Wan Wan naman ay binalot na ng grupo ng mga tao.

Sanay na ang ilan sa ganitong uri ng sitwasyon kaya hindi nila sinubukang mangialam. Nagtago na lamang sila ng malayo sa gulo.

Teritoryo kasi ito ni Chen Shi Jie kaya walang sumusubok na umalma.

Aroganteng dumada ang blondie, "Babe, 'wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Sumunod ka na lang at sumama ka kay young master Chen ng ilang araw, tiyak na sasaya ka! Pero kung hindi…"

"Ah-Gui, wag kang masyadong mapilit kay ganda!" Tinignan ni Chen Shi Jie si Ye Wan Wan nang hindi kumukurap, sobra siyang naaakit sa babae.

Nabighani rin siya nang makita niya ang babaeng katabi ni Ye Wan Wan na si Jiang Yan Ran. Hindi niya masyadong pinansin si Jiang Yan Ran nung una dahil malayo sila pero ngayon na malapitan na niyang nakita ang babae, napagtanto niya na maganda rin pala ang babaeng nakasuot ng pula.

Kung makuha ko silang dalawa… hehe...

Swerte na ang araw 'kong ito...

Malanding lumapit sa kanila si Chen Shi Jie habang may hawak siyang isang glass ng whiskey sa kabilang kamay niya. "Okay din ang magandang ito. Samahan niya ako, kayong dalawa na maganda, ano? Gustong-gusto ko pa naman ng threesomes…"

Ang mga kasamahan ni Chen Shi Jie ay nagsihalak-hakan nang marining nila 'yon.

"Hahahahaha…"

"Masaya ang gabi natin mamaya young master Chen!"

"Bakit hindi niyo pinapasalamatan si young master Chen?! Mamayang gabi, kayong magkapatid ay may tsansang makasama ni young master Chen sa kama!"

Humakbang patalikod at pri-no-tektahan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran nang marining niya ang dugyot at krudong komento ng mga tao sa kanila.

Napatingin siya sa kanyang likuran dahil ayaw niyang makigulo sa mga taong ito.

Malapit lang sa kanila sila Liu Ying at Song Jing.

Pero nung lumingon si Ye Wan Wan at tumingin sa kanila, nakita niya ang mapangasar na mga mata ni Liu Ying at si Song Jing naman ay pasadyang umiwas sa kanyang tingin kahit nakita na niya si Ye Wan Wan. Yumuko siya at hindi siya umimik.

Hindi gumalaw ang dalawa kahit alam na nilang nagkakagulo na sila Ye Wan Wan, wala pa rin silang intensyon na tumulong sa kanila.

Hindi na kailangang manghula pa ni Ye Wan Wan dahil alam niyang sinasadya ito ni Liu Ying na gawin sa kanya.

Nang makita ito ni Ye Wan Wan, bigla siyang bumulong na puno ng galit. Tsk, masyado kong minaliit ang abilidad ni Qi. Ruo Xi na nangunguha ng puso ng mga tao.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni young master Chen? Dalhin niyo ang dalawa dito! Gustong magsaya ni master mamayang gabi! Bilisan niyo!"

"Opo!"

Pagkatapos nilang marinig ang utos ni blondie, may dalawang malaking lalaki ang biglang humakbang paabante at hinablot si Jiang Yan Ran at Ye Wan Wan gamit ang malaki ang malakas nilang mga kamay.

At pagkatapos, dahan-dahang lumapit su Chen Shi Jie kay Ye Wan Wan...

Nakita ni Ye Wan Wan na papalapit na si Chen Shi Jie. Sinipa niya sa may tiyan at siniko niya si Chen Shi Jie para makawala sa pagkakahablot ng lalaki si Jiang Yan Ran.

Hindi inasahan ni Chen Shi Hie na mangyayari ito; hindi niya inasahana na susubukan siyang labanan ni Ye Wan Wan. Hinaplos niya ang kanyang tiyan at binalot ng sakit ang tipsy niyang mga mata. "Wow, ang hot nun! Magaling ka! Gusto ko yan…"

Biglang lumabas ang dalawang tauhan ni Chen Shi Jie nang nakita nilang nanlaban si Ye Wan Wan - sinapak niya pa nga si Chen Shi Jie.

Kinailangang protektahan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran habang hinaharap niya ang apat na lalaki sa oras din na iyon at halos nalumbay siya nang magawa niya iyon.

Kinasusuklam niya noon na mag-aral na lumabas at pumatay kahit na may kakayahan man siyang makipaglaban gamit ang iba't ibang uri ng martial arts. Tinatamad siya sa tuwing nag-ha -hire ang tatay niya ng isang propesyonal para turuan siyang makipaglaban.

Madali lang sa kanya kung haharap siya sa mga ordinaryong tao pero, ang mga ito ay mga batak na inensayong mga bodyguards na may kakayahan din na makipaglaban. Ang bawat isa sa kanila ay kayang pumatay ng sampung tao, paano pa kaya siya na isang hamak na babae lang?

avataravatar
Next chapter