699 Habang buhay na nakakulong sa piling mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tawagan mo si Dong Zai at sabihin mo na pabalikin dito ang kotse. Umuwi ka at magpahinga ka na lang."

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang kamay ni Si Ye Han. Tumalikod siya at sabay silang pumasok sa loob ng apartment building.

"Eh, saglit… saglit…"

Sa likod niya ay tulirong nakatayo si Gong Xu sa ilalim ng malamig na gabi….

Pahinga… pahinga mo pwet ko!

Paano naman ako makakatulog ngayong gabi?

Bro, iiwan mo akong mag-isa dito sa labas?

Sa pagkakataon na iyon, naniwala na si Gong Xu na gusto ni Ye-ge ng lalaki...

Ito ay ang pagpapatunay na "hoes before bros"...

Ano ba itong kakaibang at nakakaumay na sakit sa kanyang tiyan?

"Ding." Bumukas ang elevator at hinila niya sa loob si Si Ye Han.

Tahimik silang nakatayo sa elevator. Walang nagtangkang magsalita.

Ang mga mata ni Si Ye Han ay nakadikit lamang kay Ye Wan Wan sa buong oras na nasa loob sila ng elevator.

Matapos ang ilang saglit, nakarating na sila at sabay silang lumabas ng elevator.

Tinanggal ni Ye Wan Wan sa pagkakahawak ang kamay niya kay Si Ye Han dahil kinuha niya ang susi at binuksan niya ang pintuan.

Sumunod sa likod niya si Si Ye Han nang pumasok sila sa looban.

"Click." Bumukas ang pintuan at ito ay sumara muli...

"Suotin mo yung tsinelas..." yumuko si Ye Wan Wan at kinuha niya ang pares ng tsinelas sa loob ng aparador ng mga sapatos para kay Si Ye Han.

Pagkatayo niya, naramdaman niya ang mahigpit na kapit na pumapalibot sa kanyang baywang. Sumugod ang mainit na hininga ng lalaki at inatake ang buong diwa ni Ye Wan Wan. Ang mga ngipin niya ay hinaplos ang matamis na labi ni Ye Wan Wan at agresibo nitong binuksan ang kanyang panga, unti-unting ninanakaw ang maamo at pagkabanayad ng babae...

"Hoy…" nasaktan si Ye Wan Wan. Kumunot ang mga kilay niya at humakbang siya paurong.

Ngunit ang biglang ilag ni Ye Wan Wan at lubhang naka-akit ng malakas na agresibong damdamin...

Inipit ang kanyang katawan sa malamig na pader na nasa likod niya. Sa harap niya ay ang kumukulong dibdib ng lalaki na bayolenteng umaangat at bumabagsak; ang pakiramdam ng buong katawan niya at parang kinain ng apoy ay niyebe ng dalawang araw...

Ang medyo magaspang niyang kamay ay lumakbay sa baywang ng babae at unti-unti itong umangat mula sa malambot at malakas niyang baywang...

Upang hindi malaman ng tao na babae si Ye Wan Wan, nakabalot ang kanyang dibdib ng isang piraso ng tela kaya huminto ang daliri ni Si Ye Han...

Lalong naguluhan si Si Ye Han dahil dito kaya gumamit siya ng malakas na pwersa habang gumalaw ang kanyang mga kamay...

Walang magawa si Ye Wan Wan. Tinagilid niya ang kanyang ulo upang maiwasan niya ang halik ni Si Ye Han, hinaplos ng kanyang mga daliri ang likod ng kamay ni Si Ye Han. "Galit ka pa rin? Isinantabi ko ang imahe ko at pinaalam ko artistang hawak ko na isa akong bakla para sayo!"

Tumingin sa baba si Si Ye Han at tinitigan niyang maigi si Yd Wan Wan. Parang vortex sa ilalim ng dagat ang itim niyang mga mata - mapanganib ngunit nakakamangha...

Si Ye Han: "Hindi mo siya pwedeng tingnan."

Uh, hindi ba't, hindi ito makatwiran? Paano ko siya hindi titingnan? Tatakpan ko ba ang mga mata ko sa tuwing makikita ko siya?

Ngunit natutunan ni Ye Wan Wan na maging mabait sa pagkakataon na ito at kahit hindi makatwiran ang hiling ni Si Ye Han, walang tigil siyang tumangi sa kanya. "Opo, hindi ko siya titingnan, hinding-hindi. Tao man siya o hindi, lagi mong tatandaan na lumilipas sila tulad ng mga ulap, okay? At tsaka, anong makikita sa lalaking iyon? Ang sakit ng mga mata ko kapag nakikita ko siya!"

Si Gong Xu ay naiinis na naghihintay sa kanyang drayber sa baba nang bigla siyang bumahing ng malakas...

Hinigpitan ni Si Ye Han ang hawak niya kay Ye Wan Wan at sumagot siya ng walang pakiramdam, "Huwag mong kakalimutan ang parusa mo kapag nilabag mo ang kasunduan natin."

Narinig ni Ye Wan Wan ang nakakakaba at malamig na boses ni Si Ye han. Matatakot sana siya ngunit lumambot ang kanyang puso at bigla siyang natawa. Pilit siyang ngumiti at sinabi, "En? Anong mangyayari? Habang buhay akong nakakulong sayo? Parang gusto kong labagin ang kasunduan natin kung iyan ang parusa."

avataravatar
Next chapter