362 Gwapo kahit nagagalit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagka-alis ng boss, humarap si Namless Nie sa dayuhan at mukhang may iniisip siya. "Gaano karaming bricks ang nailipat mo ngayong araw?"

Nanginig ng kaunti ang mga masel ng dayuhan habang taas-noo siyang sumagit, "Konti lang, konti lang, siguro mga 5,000 piraso."

Agad natuwa si Nameless Nie pagkatapos marinig ito, "Ibig-sabihin malaki ang kinita mo ngayong araw…"

"Medyo sinwerte ako ngayong araw kapitan," natuwa ang dayuhan habang dinadampi niya ang kanyang bulsa.

Biglang lumakas ang loob ni Nameless Nie at sinabi, "Boss, pahingi akong sampung bowl pa ng dumplings, isang plato ng red braised pork, isang plato ng braised na isda at braised pork ribs!"

Ye Wan Wan: "..."

Akala ko matakaw na ako pero ang lalaking ito…sobrang lakas niya bang kumain ng dumpling?

Habang naghihintay, maya dalawang tao ang naglakad papunta sa stall.

"Andito na kami kapitan~"

Mas nakakasuklam pa sa mukha ng normal na babae ang itsura ng lalaki sa harap na nakasuot ng panlalaki. Kung hindi siya titingnan ng maigi, mukha talaga siyang napakagandang babae.

Yung isang lalaki naman ay may maitim na mahabang buhok at may dala-dalang stretcher sa kanyang likod; ang buong katawan niya ay mukhang sampung-taong-na-gleysyer ng walang bakas ng makataong emosyon na makikita sa kanyang mga mata.

Bago magsalita si Nameless Nie, ang nakaka-akit na mala-yelong lalaki ay inilapag ang kanyang stretcher, umaakto siya na parang walang tao sa kanyang paligid kaya tamad siyang humiga sa lapag.

"Tumayo ka diyan."

Nang makita niya ito, pinisil ni Nameless Nie ang pagitan ng kanyang kilay na para bang sumakit ang kanyang ulo.

Gayunpaman, ang gwapong yelo na lalaki ay hindi gumagalaw na para bang komportable siya sa pagkakahiga niya doon.

"Tamad ka ba talaga? Sana mamatay ka sa sobrang katamaran mo!" galit na sinabi ni Nameless Neil sa lalaking hindi nakikinig.

"Tumayo ka ngayon din!" Naiinis na sumigaw si Nameless Nie.

Masama ang loob ng yelong lalaki kaya dahan-dahan siyang tumayo nang makita niyang nagagalit na si Nameless Nie, lumipat siya mula sa pagkaka-upo ay bigla siyang napatayo.

"Gusto ng tatay (ako) mo na tumayo ka at hindi umupo na parang paralisado!" Halos mapatid ang litid ni Nameless Nie nang sumigaw siya.

Nanahimik ng matagal ang lalaking yelo pero hindi niya pinakinggan, ni-isang beses, si Nameless Nie. Kinuha niya ang stretcher at tumayo siya.

"Aiya, ang galing ni kapitan. Ang gwapo niya kahit nagagalit pa siya. Ilang araw ko nang hindi nakikita si kap at namimiss ko na talaga siya ay, namiss mo rin ba ako~" ang nakakasuklam na lalaki na katabi ng yelong lalaki ay hinaplos ang katawan ni Nameless Nie habang yakap niya ito.

"Umalis ka dito," naiiritang sinabi ni Nameless Nie.

"Ang landi mo Kapitan…" sumunod ang bata at umupo siya ng maayos. Humarap siya sa mahabang buhok na lalaking yelo at kumindat. "Hubby~ hindi ka naman mag-se-selos 'di ba?"

Ang magandang yelong lalaki ay napatingin ng patagilid sa kanya at hindi na siya nag-abalang sumagot.

Nagkunwaring nasaktan ang mangkukulam na lalaki nang makita niyang nanahimik ang lalaking yelo. "Hubby, magsalita ka. Buong araw ka nang manhid at masakit sa puso ko na ganyan ka~"

"Hubby, magsalita ka~ gusto ko nang marinig ang boses mo… ang boses na nagpapa-nginig ng damdamin ng lahat ng tao…"

Habang pinapanood ang eksenang ito, si Ye Wan Wan na nakaupo sa malapit na isang gilid, ay nagulat sa nakita niya at nalaglag ang braised meat galing sa bunganga niya: "..."

Punyeta… kakaiba ang relasyon ng magjowa...

Nilalandi ng mangkukulam na lalaki si Nameless Nie pero tinawag niya yung ibang lalaki na hubby?

"Sabihin mo lang sakin Hubby ha…" nagpumilit ang mangkukulam na lalaki.

Pagkatapos, biglang nagsalita ang yelong lalaki tulad ng kahilingan ng mangkukulam na lalaki. "Alis."

Puno ng galit ang mata ng mangkukulam na lalaki nang bigla niyang tinignan ang gwapong yelo na lalaki. "Maghiwalay na tayo! Ayoko nang ipagpatuloy ito!"

"Pinakadakilang diyos…"

Sa isang saglit, may batang deboto ng Taoist ang nagpakita sa stall.

Ang deboto ng Taoist ang nakasuot ng Taoist robe. Meron siyang nakasabit na bandereta at may kapayapaan ang kanyang mga mata, ramdam ang ugali ng imortal na taong malayo sa bulgaridad.

Tila nabigla ng sobra si Ye Wan Wan; masyado nang nakakabigla para sa kanya ang kanyang mga nakikita. Bakit biglang dumating ang isang deboto ng Taoist?

Anong klaseng mga tao ito, huh???

avataravatar
Next chapter