1108 Gwapo ba ang boyfriend ko?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakangiti hanggang tenga si Professor Li Yan. "Hay, bata, halos isang daang taon na ang Imperial Media, pero tatlong tao pa lamang ang nakakalaktaw sa graduation ng madalian lamang. Kumalat na ang balitang ito sa buong eskwelahan; bakit hindi ko ito malalaman?"

"Kagabi, nabanggit ko ito noong nagha-hapunan kami ng lolo mo, kasama rin ang iba naming mga kaibigan. Wala namang sinabi si lolo mo, pero makikita na na-e-enganyo siya sa usapan namin tungkol sayo!"

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung iiyak o matatawa ba siya noong narinig niya iyon. Gayunpaman, nagpapasalamat siya kay Professor Li dahil ilang beses siyang binanggit nito sa harap ng kanyang lolo. Nakatulong ito upang maging maganda ang imahe niya sa kanyang lolo.

"Ay, Wan Wan, wala ka naman na sigurong gagawin ngayon dahil natapos mo na ang mga exams mo, 'di ba?" Biglang napatanong si Professor Li habang kinakausap niya ang babae.

Kinabahan si Ye Wan Wan nang marinig niya ang katanungan na ito at biglang nag-iba ang pakiramdam niya.

Mukhang masigla si Professor Li nang nagtanong muli siya, "Kailan ka bakante, Wan Wan? Iimbitahan ko ang loli at lola mo, at ang pamilya nating dalawa ay magsasalo-salo. Kababalik lang rin ng mokong kong anak!"

Ye Wanwan: "…"

Bakit hindi pa rin ito kinakalimutan ni Professor Li…

Anong pagsasalo ang sinasabi mo… dadalo lang kami sa isang matchmaking gala...

Hindi na niya kaya ito, kailangan niya nang ipaliwanag ang nasa isipan niya.

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo at nahihita niyang sinabi, "Pasensya na, Professor Li, naging abala ako sa aking pag-aaral at sa pagsusulat ng thesis ko, kaya nawalan ako ng bakanteng oras nitong mga nakaraang araw. Ngayon na may free time na ako, nag-plano ako na magbakasyon kasama ang boyfriend ko, kaya mawawalan ako ng free time nitong mga darating na araw…"

Nagulat si Professor Li. "May boyfriend ka, Wan Wan?"

Tumango si Ye Wan Wan. "Meron po."

Sumakit bigla ang damdamin ni Professor Li, para bang pinitas ng ibang tao ang bulaklak na para sa kanya. Bigla niyang naramdaman na parang may mali habang iniisip niya ito ng maigi. "Hindi maaari… Bata, hindi ka ba nagsisinungaling sa akin?! Kinausap ko ang lolo mo at wala naman siyang nabanggit na may boyfriend ka na pala!"

Agad na nagpaliwanag si Ye Wan Wan. "Um, Professor Li, alam mo ang sitwasyon ng pamilya ko. Hindi kami masyadong nagkikita ni lolo at lola, kaya hindi nila alam na may boyfriend na ako!"

"Hindi ka ba nagsisinungaling sa akin?"

"Syempre, hindi! Bakit ako magsisinungaling sayo?"

"Wan Wan, alam ko naman na kayong mga kabataan ay tutol sa matchmaking at arranged marriage, pero ito ang sasabihin ko sayo. Hindi ako nagmamayabang kapag sinabi ko sayo na ang anak ko ay gwapo at bagay talaga kayong dalawa!" Naisip ni Professor Li na excuse lamang ni Ye Wan Wan na "may boyfriend" raw siya, kaya agad niya itong sinabihan.

Umubo si Ye Wan Wan. "Um, ganito po kaso 'yon… Professor Li, hindi importante sa akin ang itsura. Mas importante sa akin ang nararamdaman ng isang tao…"

Nabwisit si Professor Li. "Ano? Hindi mo ako pinapaniwalaan? May ipapakita ako sayong litrato niya!"

Upang tumigil na si Professor Li sa kaka-asa niya, winagayway na lamang ni Ye Wan Wan ang kanyang kamay at sinabi, "Hindi na po! Wala akong pakialam sa itsura ng tao! Mas gusto kong mas pangit dahil mas ramdam ko na ligtas ako…"

Ginagawa ni Ye Wan Wan ang lahat para hikayatin na manahimik si Li Yan, ngunit bigla siyang nakarinig ng mga papalapit na hakbang sa isang tao na naglalakad sa mga nahulog na dahon.

Kusang napatingin sa likuran si Ye Wan Wan at nagulat siya bago lumaki ang kanyang mga mata.

May suot na kulay bluish gray na suit si Si Ye Han at may hawak siyang bouqurt ng kulay apoy na mga rosas habang naglalakad ito papunta sa kanya...

Sa katangi-tanging okasyon na ito, hindi itim ang suot ni Si Ye Han at may hawak pa nga ito na bouquet kaya mas lalong nakahahalina sa mata ang itsura niya.

Muntikan nang mabulag sa pagkamangha si Ye Wan Wan dahil sa ka-gwapuhan ni Si Ye Han. Tuliro siya habang tinitingnan niya ito. "Ah… Ah-Jiu… bakit… bakit nandito ka?!"

avataravatar
Next chapter