1194 Gwapo ang gusto ng kapatid ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pero, ang babaeng ito ay mas basura pa kay Ye Mu Fan, kaya paano siya biglang naging ibang tao?

Hindi ito makatotohanan! Hindi niya ito maintindihan kahit na yugyugin niya ang kanyang utak sa kakaisip...

Biglang pinalibutan ng mga tao si Ye Wan Wan pagkatapos siyang ipakilala ni President Chen.

"D-director Ye… ikaw talaga si Director Ye? Kaya pala parang pamilyar ka sa akin!"

"Napakahusay mo… hindi mo aakalain na disguise ito…"

"Nag crossdress ka talaga bilang lalaki. Napakahusay ng estratehiya mo…"

"Nakakamangha si Director Ye! Lampas langit ang mukha mo kahit na magpanggap ka man na lalaki o babae!"

Namangha ang lahat sa kakaibang awra at sa nakakaakit ng mukha ng lahat ng nakakita sa babaeng ito kanina, kaya hindi nila napansin ang ibang bagay kung hindi siya. Hindi nila inakala na siya rin pala si Ye Bai.

May respeto na sumagot si Ye Wan Wan, "Pasensya na sa inyong lahat. Mas madali kasi ang trabaho ko gamit ang disguise na ito. Hindi ko sinasadyang linlangin ang ilan sa inyo."

Pinakita ng lahat ang pag intindi nila. "Ah, wala iyon, okay lang. Kalayaan mo na manamit sa kung anong pamamaraan mo gusto! Hindi ito maituturing na panlilinlang!"

At tsaka, hindi ligtas para kay Ye Wan Wan na gamitin ang tunay niyang pagkatao kapag nagtrabaho siya sa industriyang ito. Kaya pala sinabihan siya ni Ye Mu Fan na gamitin niya ang panglalaking persona niya dahil nag-alala siya para kay Ye Wan Wan.

"Tama, tama!" Sumang ayon rin ang ibang nanonood.

"Kaya pala sinabi mo na mahilig ka sa lalaki at manamit ng pangbabae, maling pagkakaintindihan pala ang nangyari… Directoe Ye, haha…"

Kinausap ng lahat si Ye Wan Wan habang tinuturo at tinitingnan nila si Liang Shi Han.

Dahil lumabas na ang katotohanan, si Liang Shi Han na kanina'y gumagawa ng akusasyon kay Ye Wan Wan kahit wala naman siyang pruweba, ay nagmukhang katatawanan na lamang sa lahat.

Tumalikod si Liang Shi Han upang makahanap ng suporta kay Ye Yiyi, ngunit wala na sa likuran niya si Ye Hiyi. Kaya, mabilis siyang umalis sa mga mata ng lahat ng mga bisita.

Tumayo si Han Qing Ling sa harapan ni Ye Wan Wan, hiyang-hiya ito sa nagawa niya at pautal-utal itong nagsalita, "Ahem, Director Ye… Pasensya na kanina… ang sama ng pinakita kong ugali kanina dahil sa isang laro…"

Makikita ang saya sa mga mata ni Ye Wan Wan. "Wala iyon."

Parang kinidlatan ang puso ni Han Qing Ling nang makita niya ang ngiti ni Ye Wan Wan.

Bakit ang ganda at kaakit-akit ang kanyang itsura?!

Lalo na noong tiningnan ka niya habang sita ay nakangiti. Parang nalulunod ka sa kanyang pagmamahal.

… malakas ang appeal ni Director Ye kahit na panlalaki o pambabae ng mga damit ang suot niya!

Kahit si Han Qing Ling, na isang babae, ay naakit sa kanya. Paano pa kaya ang iba?

Ang mga malalapit at masasahol na kaibigan ni Ye Mu Fan ay hinablot siya at dinala siya sa isang gilid para kwestyunin siya.

"P*ta! Ye Mu Fan! Tinago mo talaga ito ng maigi! Hindi mo man lang sinabi sa mga matatalik mong kaibigan?"

"Tama! Ang sama mo! Pero teka, hindi iyon ang importante dito! Ang importante ay… kung si Director Ye ba ay may boyfriend na? Ano ba ang tingin mo sa akin, young master Ye?" Biglang umentra ang isang stylish na bagong artista sa usapan.

Walang pakialam sa kanila si Ye Mu Fan. "Ano naman?!"

Agad na sumabad ang baguhan, "Hindi, hindi! Tingnan mo ulit! Tingnan mo ng maigi! Ang tagal na natin na magkaibigan. Huwag ka naman manhid, okay?"

Nanatili ang manhid na reaksyon ni Ye Mu Fan at inirapan niya ang lalaki. "Sumuko ka na! Mas gusto ng kapatid ko ang gwapo!"

"Ang sama mo, Ye Mu Fan! Anong pinaparating mo?! Hindi ako pangit, okay?"

Hindi na pinansin ni Ye Mu Fan ang grupo ng mga playboys at naglakad siya patungo kay Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter