35 Gusto. Kong. Putulin. Ang. Kamay. Na. Iyon!!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumislap lahat ang mga mata nang mabanggit ni Liang Li Hua ang tungkol sa teatriko lalo na ang mga babae sa klase.

Para sa palabas na ito, matagal nang nagaaway ang mga babae sa klase.

Marami nang nagaway-away noon na mga babae para lang makuha ang female lead kaya hanggang ngayon wala pa ring desisyon kung sino ang gaganap.

Marami sa mga estudyante na mula sa pamilyang may mataas na pinagmulan kaya nagdulot ng kaguluhan. Marami sa kanila ang nandadaya, nagbabanta sa mga estudyante para iboto sila at may iba naman na halos makipagaway na mismo sa eskwelahan. Naipit sa teriblengg sitwasyong ngayon si Liang Li Hua, pinagpasa-pasahan. Kaya naman ipanatigil na niya muna ang desisyon para sa femal lead hanggang sa matapos ang exams.

Matapos makapagisip-isip, nagdesisyon siyang gawing bunutan ang pinakaepektibong paraan at para hindi na magaway-away pa ang mga babae.

Kaya naman nagpatuloy sa pagsalita si Liang Li Hua, "Para maging patas at siguradong ang bawat estdudyante ay may oportunidad na makasali, napagdesisyunan kong magbunutan para malaman ang mga kandidata! Walang kumontra!"

"Sang-ayon ako, teacher!"

"Ako rin po, sige, magbunutan na lang tayo!"

Sumang-ayon ang lahat ng mga estudyante sa desisyon ni Liang Li Hua.

Magkakaroon na ng pantay na oportinidad ang mga babae na may mababang tsansang makuha ang female lead. Dahil pantay-pantay naman ang lahat ngayon kaya naman sumang-ayon na ang mga estudyante.

Ang ilan sa mga babae na may malaking tsanse naman, lalo na ang class muse na si Cheng Xue na siyang laging tinutukso sa klase para maging kapareha ni Si Xia.

Nakahinga ng maluwag si Liang Li Hua sa nangyari. Inutusan niya ang class monitor na isulat ang lahat ng pangngalan ng bawat babae sa klase sa isang maliit na piraso ng papel at saka ilagay sa maliit na kahon.

"Para sa titulong ito, hayaan nating si Xia ang bumunot!", sabi ni Liang Li Hua.

Kung iba namDinalan ang gumawa, siguradong magmamaktol na naman ang mga babae.

Sumang-ayon ang lahat ng mga babae sa napagkasunduan.

Wow! Ang hunk ng school mismo ang bubunot!

Kung sinumana ang mapili...tiyak na magbabago ang buhay!

Dinala ng class monito ang maliit na kahon at saka ibinigay sa binata, "Si Xia."

Walang gana si Si Xia ng mga oras na 'yon. Sa titig ng mga estudyante sa kanya, kaswal niya lang na ipinasok ang kamay sa kahon at saka bumunot at ibinigay sa class monitor para basahin.

Kinuha ng class monitor ang papel at halos masunog siya sa matatalim na titig ng mga babae sa kanya.

"Oh, ang taong nabunot ni Si Xia ay si…" binuklat ng class monitor ang papel at marahang nagsalita.

Nang babasahin na niya ang pangngalan...

Napatulala na lang ang class monitor at nanatiling nakatayo habang nakabuka ang bibig na tila hindi makapaniwala sa nabasa.

Napansin ni Si Xia na kakaiba ang pagkatulala ng class monitor sa nabasa kaya inangat na lang niya ang kilay sa yamot.

Naramdaman niyang hindi maganda ang resulta base sa eskpresyon sa mukha ng class monitor...

Sa mga oras na ito, hindi tumingin ang class monitor sa mga mata ni Si Xia at mas lalo pang natakot sa magiging eskpresyon ng mga babae. Sa pagpilit ng lahat sa kanya na sabihin na ang pangngalan, napalunok na lamang siya at saka nagsalita, "Ang taong nabunot ay si....Ye.. Ye Wan Wan…"

"Anong sinabi mo?" inagaw ng binata ang papel mula sa class monitor.

Nakalagay nga sa papel, "Ye Wan Wan", tatlong salita na kasing klaro pa ng araw.

Nagising si Ye Wan Wan sa ingay, pinahiran ang laway sa gilid ng bibig at saka ibinukas ang mga mata sa pagtataka at walang kamalay-malay na tiningnan lang magiging katambal, "Anong meron…"

Tinitigan ni Si Xia ang nakakasindak na pagmumukha ng dalaga. Magulong buhok na tulad ng kay Sadako, kung paano siya maglaway sa pagkakatulog at halos pikit pa rin ang mga mata: "..."

Gusto ko talagang putulin ang braso na 'yan!

avataravatar
Next chapter