1176 Gusto niya bang akitin si Ye Bai?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gumana ang matatamis na salita ni Ye Mu Fan kay Ye Hong Wei. Maraming mga tao ang pumunta sa kanya at pinuri rin nila si Ye Mu Fan at sinabi ang kanilang pagmamangha sa kanyang apo, kaya masaya siya ngayong gabi.

Malaking pasakit sa kanya ang pagkakamali ng kanyang anak at ang pagiging burara ng kanyang apo.

Lumingon si Ye Hong Wei para tingnan ang katabi ni Ye Mu Fan na si Ye Wan Wan. "Siya ang Director ng Talent Recruitment Department sa kumpanya mo, ikaw si Ye Bai?"

Ilang segundo niyang tinitigan si Ye Wan Wan at nagtaka siya, naisip niya siguro na parang pamilyar ito sa kanya, pero hindi niya ito masyadong pinansin.

Napa-ubo si Ye Mu Fan at pasikreto niyang pinuri ang kanyang kapatid dahil mahusay itong mag-disguise at umarte. Kahit ang sarili niyang lolo ay hindi siya namukaan.

"Tama, Lolo!" Agad na pinakilala ni Ye Mu Fan ang kanyang lolo, "Ye Bai, ito si lolo ko, ang chairman ng board sa Emperor Sky Entertainment."

Sinundan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan at binati niya ang kanilang lolo. "Chairman Ye, hello po."

Tumango si Ye Hong Wei na may kamanghaan sa kanyang mga mata. "Malaki ang potensyal ng umaangat na henerasyon ngayon. Bata pa si Mr. Ye pero marami ka nang mga achievements. Karapat-dapat kang irespeto."

Biglang nilabas ni Ye Wan Wan ang pamumuri sa kanyang mga bibig. "Masyado kayong mabait, Chairman Ye. Si Miss Yiyi talaga ang matalino at pinakamahusay na tao dito."

Tiningnan ni Ye Hong Wei ang kanyang apo na nasa tabi niya at makikita ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.

Disente naman si Ye Yiyi, pero may mga paraan pa rin siya para makahabol sa lalaki na nasa harapan niya.

Umasa si Ye Yiyi sa Emperor Sky Entertainment at tumayo siya sa likod ng kanyang status bilang eldest miss ng Ye family para makuha ang posisyon na direktor. Iba sa kanya si Ye Bai...

"Director Ye, masyado kang mapagkumbaba. Ano si Ye Yiyi kumpara sayo? Ang meron ka lang ay ang sarili mo, at umangat kahit walang-wala ka. Ang estratehiya mo at ang matalas mong pag-iisip ay hindi makakatulad sa isang normal na tao."

Bumuntong hininga si Ye Hong Wei, "Kung sana may kakayahan na ganyan ang mga apo ko, pwede na akong kumalma!"

Masahol ang itsura ni Ye Shao An nang marinig niya iyon. Bakit pinuri ng kanyang ama ang isang mokong na bigla na lang sumulpot at pinahiya pa si Ye Yiyi?

Tinago ni Ye Yiyi ang galit na namumuo sa puso niya at nakangiti niyang sinabi, "Tama si Lolo, marami pa akong kailangang matutunan kay Director Ye. Gusto ko lang malaman kung pwede ba kaming makapag-usap ni Director Ye sa hinaharap?"

Ngumiti si Ye Wan Wan at sinabi, "Masyado na iyon! Sinwerte lang ako!"

Natuwa si Ye Hong Wei dahil hindi mayabang at masakit magsalita si Ye Bai. "Ang laki ng tinulong mo kay Mu Fan, Director Ye! Hayaan mong bigyan kita ng inumin bilang pasasalamat ko sayo."

Mabilis na umentra si Ye Mu Fan, "Um, hindi siya pwedeng uminom dahil allergic siya sa alak. May buhay na muntikan nang mawala noong uminom siya noon."

Muntikan na kaming mamatay, iyon anh ibig sabihin ko...

Sumagot si Ye Hong Wei, "Ah, ganoon ba…"

Mabilis na inutusan ni Ye Mu Fan ang waiter na magdala ng isang baso ng tsaa.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang kinabahan na si Ye Mu Fan at wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang tsaa. "Pasensya na, tsaa na lamang ang iinomin ko."

Sinenyasan ni Ye Yiyi si Ye Shao An bago siya naglakad papalapit sa kanila. Sinadya niyang tingnan si Ye Wan Wan at malumanay niya itong kinausap, "Director Ye, sumasaludo talaga ako sayo! Nakakatakot ka talaga, matagal ko nang gustong makahingi ng instructions na galing sayo. Mag-usap kaya tayo sa isang gilid?"

Bigilang tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan. Ano kaya ang gusto nito ni Ye Yiyi? Gusti niya kaya akong akitin?

Sa papanaw ni Ye Yiyi, si Ye Bai ay nasa posisyon niya ngayon dahil sa tulong ni Ye Mu Fan. Matatalo niya si Ye Mu Fan kung makukuha niya si Ye Bai.

Mukhang iyon nga ang gagawin nipa Ye Yiyi at Ye Shao An...

avataravatar
Next chapter