885 Gusto mo talaga siyang samahan master?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ay, mali, master, masyadong masahol ang whipping technique! Hindi propesyonal yan!"

"Mali, mali, mali ang anggulo mo…"

"Oy oy oy, ako na lang ang magtuturo sayo! May espesyal na method ako para hindi ka na magpakahirap diyan…"

Konti na lang at magwawala na si Duan Li Zhao nang tinapon niya ang whip sa lapag. "Dalim halika dito! Ikaw na lang! Ikaw na ang mag interrogate sa kanya, okay?!"

Sa footage, sabik na sumigaw ang babaeng nakangiti, "Sige!"

Pagkatapos nilang mapanood ang buong footage...

Si Yehan: "…"

Xu Yi: "..." Parang may mali noong pinalabas ko ang video...

Nakatayo sa isang gilid si Duan Li Zhao habang ang itsura niya ay parang agrabyado. Ang mukha niya ay muntikan nang maging yelo. "9th master… bakit naman ako magsisinungaling sayo… Hindi naman natakot doon si Miss Ye…"

Hindi inasahan ni Xu Yi na ang katotohanan ay magkaiba sa naisip niya. Kahit si Si Ye Han ay tahimik habang nakatingin siya sa babae na nasa footage. Patuloy niyang pinapanood ang kumikinang na mga mata ni Ye Wan Wan...

Ang cute niya talaga...

Sa oras na iyon, biglang nag-ring ang phone ni Duan Li Zhao...

Hindi malinaw ang sinabi ng tumawag sa kanya pero hindi mapaliwanag ang itsura ni Duan Li Zhao...

"Ano iyon?" tinanong siya ni Xu Yi."

Nabilaukan si Duan Li Zhao bago siya sumagot, "Yung… yung lalaki na iyon ay pumayag na umamin…"

Xu Yi: "Yung espiya na nagnakaw ng mga trades natin?"

Duan Li Zhao: "Oo, yung… lalaki na nasa footage… tatlong buwan siyang nakakulong at ilang mga methods ang ginamit ko pero… hindi pa rin siya umamin…"

Xu Yi: "Pero bakit bigla siyang umamin?"

Habang nagsasalita si Xu Yi, bigla niyang pinanood ang footage. Bigla siyang may nahulaan...

Duan Li Zhao: "Sinabi niya na aamin siya pero… may isa siyang kondisyon."

Xu Yi: "Ano?"

Duan Li Zhao: "Huwag daw siyang dadalhin kay Miss Ye…"

Xu Yi: "…"

Walang masabi si Xu Yi...

Isang beses pa lamang pumunta si Miss Wan Wan sa dark chamber at hindi siya natraumatize, tinakot niya pa ang isang espiya hanggang sa pumayag ito na umamin sa kanila!

"9th master…" tiningnan ni Duan Li Zhao ang lalaki na nasa sofa.

Kumaway si Si Ye Han bilang pagpapahintulot sa kanya na pwede na siyang umalis.

Panatag na nakahinga si Duan Li Zhao at mabilis siyang umalis ng matanggap niya ang kanyang amnestya. Tinago na rin ni Xu Yi ang laptop na nasa coffee table.

May sasabihin sana ni Xu Yi kay Si Ye Han ngunit napahinto siya dahil may narinig siyang mga hakbang na nanggaling sa taas. Tapos nang maligo si Ye Wan Wan kaya pababa na siya ng hagdan.

Hindi nakasuot ng pormal na damit si Ye Wan Wan dahil nasa bahay lamang sila, ang suot niya isang fluffy pink na bunny pajamas. Mukha siyang inosente at hindi makabasag pinggan, hindi siya maikukumpara sa babaeng nasa video dahil sa itsura niya ngayon.

"Ah-Jiu!"

"Naligo ka?"

"En en, tapos na ako, yakapin mo ako!"

Natapos na siya sa kanyang body check-up, uminom na rin siya ng ginger soup at naligo na rin - pwede na siyang makatanggap ng yakap, 'di ba?

Walang hinihingi sa kanya si Si Ye Han sa pagkakataon na ito kaya bukal sa loob niyang niyakap ang babaeng ito.

Biglang humikab si Ye Wan Wan nang maamoy niya ang pamilyar na amoy...

Simula noong sumuka ng dugo at nagka-coma si Ye Wan Wan, hindi na agad siya nakakatulog.

Napakunot si Si Ye Han. "Matulog ka na."

Ngumawa si Ye Wan Wan, "Kailangan mo akong samahan. Ayokong matulog ng mag-isa… natatakot ako. Ah-jiu, hindi mo alam kung gaano kadilim at katakot-takot ang dark chamber. Magkakaroon ako ng psychological shadow kung matagal bago ako magising…"

Xu Yi: "…"

Tiningnan siya ni Si Ye Han at hinalikan nito ang kanyang noo. "Sige, sasamahan na lang kita."

Xu Yi: "…"

Gusto mo talagang samahan siya master, huh….

avataravatar
Next chapter