225 Gusto mo pa ba yung asawa mo o hindi na?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi naniniwala si Ye Wan Wan na gumamit siya ng droga kaya hindi ni masyadong tinalakay ang naging resulta. Ang mahalaga ay malaya na siya sa wakas.

Nang makaalis na siya, ang una niyang gusto gawin ay makita agad si Gu Yue Ze, pero hindi niya alam na may magulong mundo pala na nag-aantay sa kanya sa labas…

Pinaalis ang tatay niya sa kumpanya at nawala din sa kanila ang bahay at kotse. Sa isang gabi lang, nahulog si Ye Wan Wan sa biyaya, mula sa anak ng isang mayamang pamilya hanggang sa nakakahiya na "balding phoenix" na pinagtatawanan ng lahat. Ang kanyang pinakamamahal na fiance, ay naging kasintahan din ni Ye Yiyi.

Sa nakaraan niyang buhay, nang malaman niya ang mga nangyari, sinubukan niyang isilawat ang mga baho ni Ye Yiyi pero sa kasamaang palad, naging handa si Ye Yiyi at wala siyang nakuha maski isa.

Gayunpaman, nakahanap siya ng isang nakakagulat na sikreto...

Sa sobrang daming alaala na wumawasak sa kanyang isipan, nakaramdam ng sakit ng ulo si Ye Wan Wan at sumandal sa dulo ng sofa, dahan dahan siyang napunta sa isang malalim at madilim na bangungot.

Dahil sa biglang bagsak ng temperatura mula sa bagyo, nanginig ang buong katawan niya at nakaramdam ng bigat sa dibdib, na para bang natabunan ito ng tingga. Mas nagiging mahirap ng huminga.

"Roar——"

Isang mabangis, nakakatakot at mababang ungol ang umabot sa tainga ni Ye Wan Wan. Nanginig ang kanyang nakasarang mata at lusak din ang kanyang ispan, hindi makawala sa takot na nararamdaman.

Bigla na lang dahan-dahang lumapit ang puting tigre kay Ye Wan Wan, na nagtatago nung una.

Nang makita ito na nakahiga sa karpet na namumula ang pisngi at mahimulmol na paghinga, kinabahan ang tigre habang ilang beses itong pinaikutan.

"Roar——"

Isang ungol ulit, at hindi pa din siya sumasagot.

Kadalasan nasa kanya-kanyang kwarto ang mga katulong sa bahay maliban na lang kung tinawag sila--hindi sila malayang magpalibot libot sa bahay. Gayunman, mabangis na umuungol ang Great White sa sala na pumipigil sa kung sinuman na pumunta agad, kung hindi ay maaga silang mamamatay.

Matagal din umuungol at pinaikutan ng tigre si Ye Wan Wan. Sa huli, lumapit na ito sa kanya at tumabi ang mabangis at malaking katawan ito at humiga sa tabi niya, pinapalibutan siya ng maiinit niqqyang balahibo, tinakpan nito ang mga binti ni Ye Wan Wan gamit ang mahaba nitong buntot.

Samantala, isang itim na kotse ang naglakbay sa madilim at mabagyong gabi.

Tinignan ni Xu Yi si Si Ye Han sa salamin, na tinatago ang mga intensyon nito.

Akala niya hindi uuwi ang kanyang master ngayon, pero alas-otso pa lang ay umalis na siya sa handaan.

Alam niya na ang pinakabawal sa kanyang master ay ang kawalan ng kontrol.

At ngayon, mas nagiging mahirap ng intindihin si Ye Wan Wan--pareho sa kanyang mga aksyon at siya bilang tao.

Maganda na naging mabait si Ye Wan Wan pero pati si Xu Yi ay alam niyang unti-unting sinusubok nito ang limitasyon ng kanyang master.

Pag umabot na si Ye Wan Wan sa hangganan, kahit na ano pang bait na pag-arte nito, mawawalan lang ito ng silbi.

'Di nagtagal, nakaabot na sa Jin garden ang kotse.

Nakakapanibagong tahimik ang sala. Sadyang iniwan ng master si Si Lu Te sa bahay at akala niya dahil sa pagmamahal ni Ye Wan Wan sa halimaw, gagawa ito ng masasayang ingay sa buong bahay pero ngayon, maski isang galaw sa loob ng bahay ay wala.

Kinuha ni Xu Yi ang coat ni Si Ye Han at pangambang sinundan ito sa sala.

Nang makapasok ang dalawa, nakita nila ang isang tigre na nasa antigo at totem-print sa sahig na nasa tabi ng nakahigang si Ye Wan Wan, yakap-yakap niya ang paa nito ng dalawang kamay habang bumulong, "Mama…"

"Roar——" malakas na umungol muli si Si Lu Te nang marinig ang mga yapak, na nakakulong pa din sa yakap ni Ye Wan Wan habang tumatawag sa kanyang nanay.

Mga bobong tao! Sa wakas, bumalik ka na? Gusto mo pa ba ang asawa mo o hindi na?!

avataravatar
Next chapter