1166 Gusto kong pasalamatan ang isang espesyal na tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumagot si Xiang Jie, "Sige, Chairman Chu, naiintindihan ko! Gagawin ko ang lahat para gawin ang inutos mo sa akin!"

Nag-aalalang nagsalita si Chu Hong Guang, "Kailangan mong taasan ang presyong binibigay ng Emperor Sky sa kanya! Gawin mo ito pagkatapos ng award ceremony!"

"Opo…"

Kasakiman ang nasa utak ni Chu Hong Guang nang marinig niya ang pinag uusapan nila Chu Hong Guang at Xiang Jie, "Tito, ayaw mo bang ako na lang ang mag-atupag nito? Gagawin ko ang abot ng makakaya ko!"

Sumigaw ng mahina si Chu Hong Guang, "Manahimik ka! Umalis ka na ng kumpanya kung mangingialam ka pa sa mga ganitong bagay! Walang kwenta kang basura ka!"

Nalungkot si Cai Yong Sheng. "Paano… paano ako naging basura… nanalo nga ako ng Best Novice eh…"

"Ang lakas ng loob mong banggitin yan?!" Muntikan nang mamatay sa sobrang galit si Chu Hong Guang.

Nanatiling tahimik si Xiang Jie at sinubukan niya ang lahat para hindi siya masyadong mapagitnaan sa away nilang dalawa.

Gayunpaman, naaawa pa rin siya kay Chu Hong Guang. Si Chu Hong Guang kasi ang kumuha kay Ye Bai bilang manager noon.

Kahit na ginawa niya iyon para ma-kontrol niya si Zhou Wen Bin, hindi niya inasahan ang talento at abilidad ni Ye Bai bilang isang pinuno sa Dazzling Media at hinatid niya ito sa matataas na oportunidad.

Importante sa kumpanya ang nga talentadong indibidwal, paano pa kaya ang isang henyong talento na si Ye Bai.

Pinanood niya lamang ang kanyang pamangkin na walang awang tinanggal si Ye Bai sa kumpanya niya, at ngayon, pinapanood niya si Ye Bai na inikot ang kanyang kapalaran at hinatid niya ngayon sa harap ng lahat ang dalawang Best Actor habang pinapahirapan siya ng parehong Emperor Sky Entertainment at Worldwide Entertainment...

Mapupunta sana sa Worldwide ang lahat ng parangal na ito kung hindi sana nila pinaalis noon si Ye Bai...

Ahem, mababaliw rin ako sa sobrang galit kung ako si Chu Hong Guang...

Sa ilalim ng entablado, mainit ang mga tingin ng mga guests, artista at agency sa babae sa taas.

Maraming mga agencies ang handang makipaglaban para lang makuha siya...

May suot na pulang gown si Jiang Yan Ran, na pinili ni Ye Wan Wan para sa kanya. Siya ay tulad ng nakasarang bulaklak, unti-unti namumukadkad upang makita ang kanyang kagandahan.

"Iniimbitahan namin ngayon ang bagong Best Actress para bigyan tayo ng acceptance speech! Miss Jiang Yan Ran, panahon na para makapagsalita ka!" Masugid na inabot ng host ang mikropono kay Jiang Yan Ran.

"Salamat." Ito ang unang beses na naranasan ni Jiang Yan Ran ang pagkakataon na ito, kaya hindi niya naiwasang kabahan. Nanginginig ang kamay niya habang hawak niya ang mikropono.

Sa ilalim ng entablado, hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang mga manonood. Bagkos, ang kanyang mga mata ay nakatingin lamang sa babaeng nasa entablado.

Natunaw ang puso ni Ye Wan Wan sa babaeng matingkad na pag-kinang sa entablado nang matandaan niya ang kapalaran ni Jiang Yan Ran noon sa una niyang buhay. 

Tinulungan niya ang ibang tao at natulungan niya rin ang sarili niya.

Namula ang mga mata ni Jiang Yan Ran habang nakatingin siya kay Ye Wan Wan.

Yumuko si Jiang Yan Ran upang mag-bow ng malalim. Huminga siya ng malalim bago siya tumingin sa harap at magsalita sa mikropono. 

"Unang-una sa lahat, salamat sa evaluation committee at organizers dahil binigyan niyo ako ng ganitong oportunidad. Kailangan ko rin pasalamatan si Director Peng sa tiwala dahil binigay niya sa akin ang role naito. Salamat sa lahat ng mga kasama ko sa cast at crew, at sa mahusay niyong pagtrabaho nitong mga nakaraang buwan…"

Malakas na palakpakan ang narinig sa ilalim ng entablado.

Pinili ni Jiang Yan Ran na pasalamatan muna ang lahat.

Huminto ng sandali si Jiang Yan Ran bago siya magpatuloy, "Sobra akong nagpapasalamat sa isang espesyal na tao."

Madalas na tsismis at pinag-uusapan ng mga tao ang mga espesyal na mention ng artistang nasa entablado.

Kaya hinintay ng lahat ang sumunod na sinabi ni Jiang Yan Ran dahil interesado at nasasabik sila dito.

Kumikinang ang pasasalamat sa mga mata ni Jiang Yan Ran. "Kung hindi dahil sa kanya, wala kayong Jiang Yan Ran nakatayo sa harapan niyo."

avataravatar
Next chapter