548 Gusto kong magtrabaho sa ‘yo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa malaking screen, pinakita na ang mga kandidato para sa Best Newcomer award.

Li Yi, "Elixir of Love"...

Jiang Sen Yi, "A Hundred and One Nights"...

Zhao Ming Zhe, "Spring Feast"...

Gong Xu, "Love Will Never Come"...

...

Sugarcoated ang mga sinabi ng host. Sinabi niya kung gaano sila nakakamangha at kung gaano kalupit ang kumpitesyon, pero ang totoo ay madaming mga korporasyon ng produksyon ang naglabas ng mga bago, kaya nagresulta ito na pang-karaniwang pag-aarte sa mga bago. Parang namimili lang sa grupo ng mga mahihina.

Kahit na si Gong Xu na kandidato din, ay nahalata kung gaano kaawa-awa ang award na 'to.

Artista ng Zhou Wen Bin noon si Zhao Ming Zhe at dahil sa koneksyon ng isang isponsor, kumuha siya ng sikat na direktor sa mataas na presyo para lang maisapelikula ang isang masining na pelikula para lang makakuha ng award.

"Ang Best Newcomer Award goes to —— ang lead actor of 'Spring Feast,' Zhao Ming Zhe! Congratulations!"

Inanunsyo na din sa wakas ng host ang panalo.

Agad namang nagsipalakpakan ang lahat.

Ngumiti si Qiao Ke Xin. "Aiya, congrats Little Fortune teller ge ge, may isa ka nang tama!"

Marahang umubo si Ye Wan Wan. *cough* "Hindi naman ganun kadali yung hulaan…"

Sa hilera sa harap nila, nakita nila Han Xian Yu, Ye Yiyi at ng iba pa na mayroon sa Worldwide ang nakatanggap ng award pero wala sila masyadong reaksyon - Best Newcomer award lang naman ito. Kaya wala silang pake dito.

Malakas na nangutya si Qi Mei Lin para marinig ng mga tao sa likod niya: "Best Newcomer award lang naman, anong meron para magsaya? Sino bang hindi nakaka-alam na kakila-kilabot ang Best Newcomer award ngayon? Maski ang pangalan ni Gong Xu ay nandon din!"

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan nang marinig ang pangalan ni Gong Xu.

Halos lahat ay sinabing "Maski ang pangalan ni Gong Xu ay nandon din" para panliitan ang award, kaya malinaw naman kung gaano kapusyaw ang reputasyon ng lalaki.

Kaya naman, hindi na pinapunta ni Ye Wan Wan si Gong Xu sa Award. Kung hindi, may isang gulo na naman siyang kailangang ayusin.

Kahit na pinagkakatuwaan si Gong Xu kahit wala siya, hindi naman ganoon kalaki ang epekto nito.

Ngayon na hawak niya na ang basag-ulero na lalaking 'to, magiging mahaba at mahirap ang dadaanan para malinisan ang pangalan nito, kaya kailangan dahan-dahan lang ang lahat...

Naintindihan ni Han Xian Yu ang nararamdaman ni Ye Wan Wan, kaya naman tinapik niya ang mga balikat nito. "Nakikiramay ako…"

Tumigil sandali si Han Xian Yu bago magsalita, "Pero nagulat talaga ako nang kinuha mo si Gong Xu!"

Kahit na hindi pa naisasapubliko ang paglipat ni Gong Xu kay Ye Bai, alam naman ito ni Han Xian Yu na galing sa Worldwide. Nagulat siya nung malaman niya.

Hindi niya alam kung babatiin niya si Ye Bai o kakaawaan.

Mapait na ngumiti si Ye Wan Wan. *cough* "Sikat na A-lister pa din naman si Gong Xu, at alam mo naman na wala akong masyadong artista na nakakatrabaho ko ngayon! Kaya pwede ko siyang dahan-dahanin na ayusin!"

Alam ni Han Xian Yu na hindi madali ang pag-aayos kay Gong Xu. Ngumiti siya. "Sa totoo lang, gusto kitang makatrabaho…"

Gulat na tinignan ni Ye Wan Wan si Han Xian Yu. Mukhang hindi ito ang unang beses na sinabi ni Han Xian Yu, kaya ngumiti din siya. "Baka! Ikaw ang money tree ng Worldwide - bakit ka naman makikipagtrabaho sa 'kin…"

Nagpokus si Han Xian Yu sa binata. "Edi kailangan mong magtrabaho maigi at subukan mo 'kong kunin sa 'yo balang araw!"

Alam ni Ye Wan Wan na nagbibiro lang ito, kaya naman tumango siya. "Sige sige, magsisikap ako para kay Little Angel Xian Yu! Ang tungkulin ko ay makatrabaho si Little Angel Xian Yu!"

Tumitig si Han Xian Yu sa mga ngiti ng binata. "Hah, aasahan ko 'yan."

avataravatar
Next chapter