481 Gusto kong maglaro at kailangan kasama ka

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kuminang ang mata ni Ye Wan Wan. "Mukhang maganda!"

Malamyang tinignan ni Si Xia ang entablado. "Boring!"

Hindi na pinansin ni Ye Wan Wan si Si Xia. Lumingon siya sa waitress at nagtanong, "Anong premyo?"

Tumugon naman ang waitress, "Makakatanggap ng laptop ang pares na makakakuha ng pinakamataas na puntos at kung may tabla man, may face-off po. Kadalasan po wala pong nakakaperfect sa larong 'to kahit na kilalang-kilala po ng pares ang isa't isa. Ang pinakamataas na puntos po sa restaurant namin ay walong puntos, kaya may patakaran po kami - kung may pares na nakakuha ng perfect score, makakakuha po sila ng grand prize!"

"Ano yung grand prize?" agad na tanong ni Ye Wan Wan.

Waitress: "$30,000 in cash!"

Talagang namimigay sila ng pera...

Magaling ako dito!

Nasabik si Ye Wan Wan nang marinig iyon at gustong subukan.

Gayunpaman, mabilis na naglaho ang inisip niya. Hindi mahilig si Si Ye Han na ipakita ang mukha niya sa publiko. Katanggap-tanggap naman yung pagpapatupi ng mga maliliit na bituin sa kanya, masaya pa, pero kung hihilahin siya sa entablado para maglaro ng pambatang laro ay sumosobra na sa limit nito.

"Miss, pwede niyo po kayo pumunta don at subukan ang swerte niyo!" pag-udyak ng waitress.

"Salamat, pero ayos lang, hindi ako ganon kaswerte." ngiti pa ni Ye Wan Wan.

Biglang nagtanong si Si Xia na naiinip na, "Hey, kailangan ba namin maging magkasintahan para maglaro?"

Sabi ng waitress, "May planong pong mga espesyal na gawain yung restaurant namin para sa mga magkasintahan ngayon, pero dahil sa nahuli na po kayo ng dating, natapos na po yung mga palaro sa mga magkasintahan. Para na po sa lahat yung programa sa restaurant, kaya pwede po kayong sumali basta may pares kayo. Kahit na magkasintahan kayo, kaibigan, o kamag-anak, bukas po 'to para sa lahat!"

Kumiling ang ulo ni Si Xi at tumingin kay Ye Wan Wan. "9th aunt…"

"Ano?" nagkaron ng masamang kutob si Ye Wan Wan dito.

"Gusto kong maglaro at kailangan mong sumama sa 'kin!" maigting na sabi ni Si Xia.

Hindi makaimik si Ye Wan Wan. "Hindi ba sabi mo na boring?"

Napataas ang mga kilay ni Si Xia, "Ngayon hindi na boring, gusto kong makuha yung $30,000. Hindi ako masyadong nakakagastos kama-kailan lang."

"..." Sinong maniniwala sa kalokohang 'yon!

Kumitid ang mga mata ni Si Xia. "Ikaw yung nagyaya sa 'kin dito - papabayaan mo na lang ba ako ng ganto? Bilang nakakatanda, hindi mo ba pwedeng ibigay sa 'kin ang maliit na bagay na 'to?"

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan - pinamukha ni Si Xia na talaga gusto talagang ni Ye Wan Wan na kasama siya.

"Ayon… gusto mo din kaya maglaro!" bulong ni Si Xia.

Agad naman na tinanggihan ito ni Ye Wan Wan, "Sinong nagsabi? Ayoko ngang maglaro eh!"

"Sigurado ka? $30,000 'yon!"

Hindi niya nga pinalampas 'yung $30 ngayon lang - bakit naman hindi siya madadala ng $30,000?

Alam ni Si Xia na hindi maglalaro ng ganito si Si Ye Han kasama si Ye Wan Wan, kaya naman sadya siyang nagpupumilit.

Halata na alam ni Ye Wan Wan ang intensyon nito, kaya tinignan niya ito ng masama. "Sabi kong hindi ako maglalaro!"

Uminom si Si Ye Han sa kanyang tsaa at mukhang hindi naman siya hindi masaya. Inilapag niya ang tasa at sabi kay Ye Wan Wan, "Maglaro ka."

Nang marinig 'yon ni Ye Wan Wan, nagulat siya sabay kurap at tumingin kay Si Ye Han.

Uh… mukhang maganda ang mood ni Si Ye Han ngayon huh? Talagang pinapayagan niya ko na maglaro nito kasama si Si Xia?

Agad naman na sabi ni Si Xia, "Pwede na tayong pumunta, 'di ba? Pumayag na si 9th uncle!"

Bago pa makasagot si Ye Wan Wan, mabilis na lumingon si Si Xia sa waitress at sabing, "Ilista niyo na po kami!"

Nang magising ang diwa ni Ye Wan Wan, nalista na sila ng waitress at sabay nito, kakatapos lang maglaro ng naunang pares, kaya naman, sila na ang susunod na maglalaro...

avataravatar
Next chapter