567 Gusto kitang hamunin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagsama-sama ang indibidwal na Dark Teams tulad ng samahan ng Dark Team 1.

Ngunit hindi magsasama ang buong Dark Team, imposibleng mangyari iyon.

"Kapag nagsama ang buong Dark Team, sila ay… tanggal na sila ng magpakailanman sa Si family!" binalot ng kasakiman ang mga mata ni Xu Yi.

Malinaw ang sinasabi ni Xu Yi tungkol sa pagpigil at balanse ng mga guwardiya - may naghihintay na bombang handang sumabog kapag nasira ang balanse na ito.

Sa ngayon, pumalakpak silang lahat nang umakyat si Liu Ying sa entablado. Pagkakataon na ng lider ng Dark Team 4 para humarap sa hamon, pagkatapos ng laban kanina.

Galit na nakatingin ang lumang lider ng Dark Team 4 kay Liu Ying na nakataas ang mga kamao niya, handa na siyang makipaglaban.

Marami pang ibang lider na pwede niyang hamunin pero bakit ako pa ang kakalabanin niya?!

"Tsk tsk… napakahusay ng lakas ni Liu Ying. Napapabilib niya ako…" tiningnan ng masama ng lider ng Dark Team 4 at pilit siyang ngumiti nang nakita niyang nakatingin si Liu Ying sa kanya.

"Si kapitan Liu Ying na ang lider ng Dark Team 4; may karapatan na siya para hamunin ng laban ang punong kapitan na si Eleven!" Pinaliwanag ng isang tao na nasa baba ng ring.

Humarap si Liu Ying kay Eleven nang marinig niya iyon.

"Saglit lang." Pinigilan ni Yuan Sheng si Liu Ying.

"Ano?" Tiningnan ni Liu Ying si Yuan Sheng.

"Hinahamon ko si Liu Ying." walang pakialam na sumagot si Yuan Sheng.

"Anong sinabi mo?" Lumiit ang mga mata ni Liu Ying.

"Sabi ko, hinahamon kita, Liu Ying." Nangutya si Yuan Sheng.

Hindi inasahan ni Liu Ying na ang taong pinagkakatiwalaan niya ay hahamunin siya...

"Liu Ying, ilang panahon na akong sinasanay ni Miss Ruo Xi at naniniwala ako na kaya kitang patumbahin gamit ang kakayahan ko. Hindi ba kita pwedeng hamunin at kunin ang posisyon mo? Oo nga pala, kagustuham rin ito ni Miss Ruo Xi," walang pakiramdam na sinabi ni Yuan Sheng.

"Kagustuhan ni Miss Ruo Xi?"

Sumimangot si Liu Ying. "Yuan Sheng, may pakpak ka nga ngunit tumigas na ito dahil sa kagustuhan mong ito. Sa tingin mo ay maniniwala ako na kagustuhan ni Miss Ruo Xi na hamunin mo ako?"

"Tsk… hindi ito importante. Ganito lumakad ang patakaran ng Dark Teams - ang pinaka malakas ang pinaka makapangyarihan," sabi ni Yuan Sheng.

"Nakikipagkalarakan ka kay kamatayan!"

Tinitigan siya ng masama ni Liu Ying at mabilis siyang umatake. Ang kamao niya ay naging bukas na palad at ginamit niya itong kutsilyo at tinutok niya ito kay Yuan Sheng.

"Yan lang ba ang kaya mo?" Mas mabilis ang reaksyon ni Yuan Sheng - mabilis na lumiko ang kanyang katawan at hinarangan niya ang kamay ni Liu Ying, bigla niyang sinuntok sa tiyan si Liu Ying.

Nag-iba ang itsura ni Liu Ying at humakbang siya paurong.

"Ako naman!" Ngumisi si Yuan Sheng at pinagsusuntok niya si Liu Ying sa bawat hakbang na nilalakad niya.

Napakabilis ni Yuan Shen at ang lakas niya ay ang perpektong kombinasyon. Kakaiba ang bilis ng kanyang footwork at sa kalahating minuto, unti-unting umuurong si Liu Ying sa kanya.

Napakahusay ng lakas ni Yuan Sheng...

Nabigla si Liu Ying.

"Sapat na ito para ipakita ko sayo, Liu Ying, na mas malakas ako sayo… kaya ako ang hahamon kay Eleven para sa posisyon ng punong kapitan!" iritableng tiningnan ni Yuan Sheng si Liu Ying.

Pagkatapos ng daan-daang beses na atake ni Yuan Sheng, ang magulong isip ni Liu Ying ay bumalot sa kanya kaya pinakita niya ang lahat ng kanyang kahinaan. Nakahanap ng tamang pagkakataon si Yuan Sheng sa itulak palabas ng rin si Liu Ying, gamit ang isang palad.

"Imposible!" Pumikit si Liu Ying dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Tinalo niya ako… tinalo ako ni Yuan Sheng… paano nangyari iyon…?!

"Liu Ying, matagal mo nang minamanmanan ang posisyon ng punong kapitan ngunit, panahon na ng pagbabago. Hindi kailangan ng Dark Teams ng Si family ang tulad mong uugod-ugod na, naiintindihan mo?" Tinitigan ng masama ni Yuan Sheng si Liu Ying.

"Ikaw!" Kinaskas ni Liu Ying ang kanyang ngipin at halos ngumiwi siya sa sobrang galit.

Parang alagang aso lamang si Yuan Sheng na laging nasa gilid ko, hindi ko pa nga nakakalaban si Eleven pero natalo na ako sa kanya. P***... 

avataravatar
Next chapter