937 Gumawa ng malinis na lawisan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na may kakayahan siyang pang-telepatiko o magandang memorya, imposible na eksakto niya itong magagawa ulit...

Isa na lang ang ibig sabihin nito - nagsinungaling si Xu Lin sa kanya at matagal nang kumpleto ang script. Naunahan na din siya nito at inilathala online.

Siya… nahulog siya sa patibong ni Xu Lin!

Natahimik sandali ang mga reporter, at may hiyawang naganap.

Gumawa siya ng gulo at talagang nagkamali siya?

Hindi ninakaw ng Age of Immortals ang script - kung hindi ang Emperor Sky Entertainmet?

Mabilis na pinalibutan ng mga reporter si Tan Zhenxin.

Reporter: "Teacher Tan, may guston po ba kayong sabihin tungkol sa ebidensyang nilaan ni Mr. Ye?"

Tan Zhenxin: "I… nagkamali ako ng alala… ang totoo, matagal ko nang natapos sulatin ang script!"

Reporter: "Pero hindi ba sinabi mo na natapos mo ito tatlong buwan nang nakalipas at napatunayan pa ito ni Miss Ye Yiyi ito sa 'yo?"

Reporter: "Ninakaw mo ba ito mula kay Xu Lin at nagsinungaling sa amin?"

Kahit na mga mga pulang paketeng suhol na ang media mula kay Ye Yiyi, ginawa na nila ang makakaya at kung mayroong pasabog na balita, hindi nila ito papakawalan.

Ang hindi inaasahang kakaibang pangyayari ay mas pasabog pa kaysa sa orihinal na balita. At saka, halata na naghanda din si Ye Wan Wan dito.

HIndi makapagsalita si Tan Zhenxin at sinusubukang paikutin ang sitwasyon. Sa kasamaang-pala, naghanda na si Ye Mu Fan ng bitag at nilantad ang lahat sa eksena.

May ibang mga reporter na pinalubutan si Ye Hongwei at ang ibang nakatataas.

Reporter: "Chairman Ye, ano po ang masasabi niyo sa mapaglabag na insidente sa Emperor Sky?"

Reporter: "Chairman Ye, ang insidenteng ito po ba ay nagpapahiwatig sa pagkukulang sa pamamahala ng Emperor Sky?"

Reporter: "Chairman Ye, madami na pong nangyaring isyu sa loob ng Emperor Sky - hindi ito ang unang beses na may nangyaring ganito. May gusto po ba kayo sabihin ukol dito?"

Pinanood ni Ye Hong Wei ang kaguluhan sa harap niya at mas nangasim pa ang mukha niya.

Talagang may nangyaring nakakahiya sa isang importanteng pagdiriwang tulad ng ika-20 anibersaryo ng Emperor Sky Entertainment.

Mabilis na tinawag ni Ye Yiyi ang mga gwardya para ilayo ang media mula sa kanila. "Pasensya na, isyu ito sa loob ng kumpanya namin. Pakiusap, umalis muna kayo; magkakaroon kami ng panayam kapag may mga detalye na kami sa pangyayari!"

Nagalit si Ye Hong Wei na namula na ang buong mukha niya. "Shao An, anong nangyayari dito?!"

Sabik na nag-aantay noon si Ye Shao An na maging saksi ng magandang palabas mula kay Ye Mu Fan; hindi niya inasahan na mangyayari ito at nagising na lamang ang diwa nang tinawag siya ng matanda. "May… may mali dito…"

Ye Hong Wei: "Mali? Bakit hindi mo sabihin sa amin kung anong mali dito?"

Nahirinan si Ye Shao An at sumagot, "Papa, ito… hindi dapat natin ito inaalala sa ganitong okasyon. Paalisin na lang natin ang mga reporter at kontrolin muna ang sitwasyon. Pag-usapan natin ito mamaya!"

Mabilis na sumingit si Liang Mei Xuan, "Tutal si Ye Mu Fan ang may ebidensya, bakit hindi niya nilinaw ito kanina? Sinasadya niya ito! Wala siyang pakialam sa espesyal na okasyon ngayon at pinilit na pasamain ang mga bagay. Masaya na ba siya?"

Isang pares ng mga yapak ang nanggaling sa likod nila, lumapit si Ye Wan Wan sa dalawang matanda. Nagsalita siya na parang nasa mahirap siyang sitwasyon. "Lolo, lola, pilit na nakikiusap si ge-ge kanila na ayusin ito ng pribado. Si tito, tita at Yiyi-jie ang hindi sumang-ayon dito. Madaming mga reporter ang nandoon ngayon lang at pinipilit na magbigay ng paliwanag si ge-ge - bakit hindi inisip ni tita ang okasyon ngayon, huh?"

avataravatar
Next chapter