209 Girlfriend ni Si Ye Han

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naghahalo ang emosyon ni Ye Wan Wan pagkakuha niya sa gloves.

Hindi ako natutuwa...

Akala ko maaakit ko siyang hawakan ang kamay ko para hindi mabigat sa pakiramdam ang paligid, para rin hindi na siya magalit!

Pero sa sitwasyon ngayon, galit ba talaga siya o hindi?

Hindi lang mababa ang EQ niya; paralisado rin ang mukha ng boyfriend kong ito. Ang hirap naman magkajowa ng tulad niya kasi hindi ko mahulaan kung ano ang nasa niya...

Nang mag-buntong hininga si Ye Wan Wan dahil nanghinayang siya, nakatitig ang mga tao sa dalawang pinagbiyak na pusong nakatayo sa may pintuan at hindi sila makapagsalita sa sobrang pagkagulat.

"Ah...Anong nakikita ko… si Ye Wan Wan… may boyfriend…"

"SOBRANG gwapo niya pa ahhhhh!"

"Hindi siya o.a. Nang sinabi niya na mas gwapo ang kanyang boyfriend kaysa kay Si Xia! Sapat na ang maganda niyang mukha!"

Habang nakikinig sa diskusyon sa na nakapaligid sa kanya, halos hindi makagalaw si Cheng Xue at nasa iisang posisyon lang ang kanyang katawan; abnormal na namumutla ang kanyang mukha na para bang sobrang nakakatakot ang nakita niya.

Si... Si Ye Han...

Ang legendary master ng Si family na pumapatay ng hindi kumukurap!

Tandang-tanda niya ang itsura ni Si Ye Han kahit na isang beses palang niyang nakita sa malayo si Si Ye Han at dahil kasama niya noon si Si Xia

Ang lalaking ito, isang beses mo palang siyang makilala at hindi mo na siya makakalimutan kailan man.

Pero, paano nangyari iyon!

Paano naging boyfriend ni Ye Wan Wan si Si Ye Han?!

Kung ganito nga ang problema, bakit naman iiwan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han para landiin si Si Xia?

Maaari… Maaari ba na noong una palang, maalaga na si Si Xia kay Ye Wan Wan dahil dito?

Dahil si Ye Wan Wan ang girlfriend ni Si Ya Han!

Ay, diyosko! Yari ako kapag nalaman ni Si Ye Han ang pinaggagawa ko kay Ye Wan Wan...

Mabilis na nangibabaw ang takot sa mukha ni Cheng Xue nang maisip niya ang mangyayari sa kanya.

At sa oras ding iyon, natandaan niya ang babala ni Si Xia sa kanya noon, "Manahimik ka kung ayaw mong mamatay"...

Habang natutuliglig ang isip ng lahat, may boses na biglang nagsalita sa likod ni Si Ye Han.

"Si... Mr Si..."

Ang nakita nila ay si Shen Meng Qi na may suot na bestidang pink, nahihiyang nagsabi ng "hi" kay Si Ye Han.

Nagsiangatan ang tsismis ng lahat nang makita nila si Shen Meng Qi--- kilala din ni Shen Meng Qi ang lalaking ito?

At nang makita ni Si Ye Han na si Shen Meng Qi pala ang nagsalita, walang emosyon si Si Ye Han at tiningnan niya na parang walang buhay si Shen Meng Qi.

Hindi maganda ang pagtingin i Xu Yi kay Shen Meng Qi. Kaya nung nakita niyang lumapit ng walang imbita ang dalaga, mabilis siyang humarang para hindi makalapit si Shen Meng Qi.

Nahiya si Shen Meng Qi nang makita niya na walang reaksyon si Si Ye Han nung nakita siya, kinagat niya ang kanyang labi at natandaan na ganoon talaga si Si Ye Han sa lahat, kaya hindi na siya masyadong nag-alala.

Hindi na nakalapit si Sheng Meng Qi kay Si Ye Han kaya lumapit na lang siya kay Ye Wan Wan. Malambing at mabait siyang nakipag-usap sa dalawa, "Pumunta ka ba dito para bigyan ng coat si Ye Wan Wan? Ang ganda ng coat na ito at pati na rin ang gloves; may nakalagay pang maliit na tigre dito…"

Hindi pinansin ni Si Ye Han ang pinagsasabi ni Shen Meng Qi at hindi rin sumagot si Ye Wan Wan sa pagdaldal niya; parang nagpe-perform tuloy siya ng monologue.

Naging awkward ang ekspresyon ni Shen Meng Qi at makikita ang umuusbong na lungkot sa kanyang mata.

At bigla na lang lumipat ang mata niya kay Si Xia; para bang lumabas ang kanyang makasalanang budhi kaya hindi siya nag-atubiling sinabi kay Si Ye Han, "Mr Si, wag mong masamain ang meron kay Ye Wan Wan at Si Xia! Nakita lang naman ni Si Xia na nilalamig si Ye Wan Wan kaya hinubad niya ang kanyang pangtaas para kay Ye Wan Wan-- magkaibigan lang sila! Hindi makikihalubilo si Wan Wan sa mga komplikadong tao na hindi tiga dito, maniwala ka sa kanya…"

Ang kanyang komento...

Mamasamain ni Si Ye Han iyon kahit noong una palang, hindi naman na niya minamasa ang nangyari.

Mapanukso ang itsura ni Ye Wan Wan nang tahimik niyang tiningnan si Shen Meng Qi--- hindi na nakapagtimpi si Shen Meng Qi kaya sinisira niya ang relasyon namin ni Si Ye Han, sa harap pa ng pagmumukha ko.

Komplikadong tao?

Tsk, sa puntong 'yon, hindi pa rin alam ni Shen Meng Qi na magkamag-anak si Si Ye Han at Si Xia.

avataravatar
Next chapter