1167 Ginulat ang lahat ng mga manonood

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maririnig ang malakas na bulungan sa ilalim ng entablado dahil sa sinabi ni Jiang Yan Ran.

May pasasalamatan kaya na kilalang persona sa industriya si Jiang Yan Ran?

Nahulaan na nila ito! May master siguro sa likod ng isang baguhan dahil nanalo ng Best Actress ang baguhan na ito!

Hindi madaling pagsubok ang audition na dinaanan niya kay Director Peng...

Halos kalahating taon ang ginugol ni Director Peng para lang makahanap siya ng female lead; natatakot ang lahat sa ugali niyang strikto.

Maraming mga kilalang artista ang nabigo sa audition nila para sa role na Jasmine, pero nakuha ito ng isang baguhan na si Jiang Yan Ran. Sinong maniniwala na walang nagturo at nag-gabay kay Jiang Yan Ran para makuha niya lahat ng ito?

Interesadong tiningnan ng lahat si Jiang Yan Ran, gusto nilang ma-diskubre kung sino ang sumusuporta kay Jiang Yan Ran.

"Sila ang… matalik kong kaibigan. Sila rin ang nakatulong at nagsilbing guro sa akin."

"Binigyan nila ako ng dalawag buhay. Niligtas nila ako mula da kumunoy ng buhay noong una, at binigay naman nila ang pangarap ko ngayon…"

"Parati kong nararamdaman na mas swerte ako sa iba. Basta't kasama ko sila, maraming hadlang ang naiwasan ko. Sinabi nila sa akin na mas bagay akong magibg artista kaysa magtago sa isang normal na trabaho. Tinuro nila da akin ang lahat ng teknik sa acting at tinuruan nila akong mag-concentrate sa aking pag-aaral at sa pagpapatibay ng aking pundasyon."

"Sa pagkakataon na ito, sila rin ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para mag-audition sa pelikula ni Director Peng na Jasmine. Sinabi nila sa akin na bagay ang role na ito sa akin at binigyan nila ako ng pusong handang gumawa ng bagong pangyayari sa aking buhay."

"Nagpuyat sila para aralin ang screenplay. Sinamahan nila akong mag-ensayo at papunta sa audition, at sinagot lahat ng katanungan ko…"

Mas lalong naging malumanay ang itsura ni Ye Wan Wan habang pinapakinggan niya si Jiang Yan Ran.

Hindi na nakapagtimpi ang host kaya tinanong na niya ang nasa utak ng lahat: "Mukhang importante sa buhay mo ang taong binabanggit mo, Yan Ran? Sila rin ba ang pumili ng pelikula ni Director Peng para sayo?"

"Tama. Wala ako dito kung hidni dahil sa kanila."

"Maaari ko bang malaman kung sino anh binabanggit mo?"

Kumikislap ang mga mata ni Jiang Yan Ran habang nakatingin siya kay Ye Wan Wan. "Hindi ko binanggit noong una ang pangalan nila dahil parang hindi ako karapat-dapat na sabihin ito. Pero ngayon, pwede na…"

"Pwede na akong tumaho sa entabladong ito habang hawak ang parangal na ito at sabihin sa lahat na…"

Sa mga mata ng lahat, nanginginig na nagsalita si Jiang Yan Ran, "Sila ang manager ko na si Ye Bai!"

Ang manager ko na si Ye Bai...

Ye Bai—

Malakas na narinig ang boses ni Jiang Yan Ran sa mga speakers!

Sa may entablado, emosyonal na umiiyak ang magandang babae sa entablado habang tinitingnan niya ang mga manonood.

Huminto ng saglit ang cameraman at mabilis niyang hinarap ang camera sa kina-uupuan ni Ye Bai.

Ilang segundong nanahimik ang buong ceremony hall.

Biglang tumayo ang lahat ng artista at bisita na nandoon dahil sa sobrang gulat hanggang sa mawalan na sioa ng pakialam sa kanilang imahe. Lumingon silang lahat para tingnan ang row na nasa likuran nila...

Ye Bai?

May manager na pala si Jiang Yan Ran? At si Ye Bai pala ang manager niya?!

Ang dating vice president ng Dazzling Media, at ang Talent Recruitment Director ngayon ng Age of Immortals, na si Ye Bai?!

Yung manager ng dalawang aktor na umakyat sa entablado kanina para tanggapin ang Best Actor Award, si Ye Bai?

avataravatar
Next chapter