1171 Ginawang mahiwaga ang taong bulok

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

[Dalawang beses ko nang pinanood ang A Life and Death Struggle! Ang ganda ng pelikulang ito at ang husay ng performance nila Luo Chen at Gong Xu. Sayang kasi hindi ito masyadong pinalabas at maraming mga bashers sa internet. Ngayon, pwede ko nang ipagmalaki ang na maganda nga ang pelikula!]

[Tama, tama ang netizen na nag-komento sa taas ko! Gayunpaman, bakit kaya nalulungkot ako na hindi ko makikita si Luo Chen at Gong Xu sa kanilang livestream na kumakain sila ng t*e…]

Nalaman rin nila Fei Yang at Yao Jia Wen, na naghihintay sa labas, ang mga naging resulta.

Naging sabik silang dalawa kaya agad nilang tinulungan ang mga assistants at bodyguards na ihatid si Ye Wan Wan at ang iba sa loob ng minibus.

Malaki ang minibus kaya kasya ang lahat sa loob.

Namula ang mukha ni Fei Yang sa sobrang pagkasabik. "P*ta, ang husay mo, Gong Xu! Okay lang naman si Luo Chen, pero ikaw ang nakapanalo ng Best Actor! Nagkakagulo na ang buong entertainment industry!"

"Hmph! Gusto mo akong makita na kumakain ng t*e? Neknek mo!" Nagmayabang si Gong Xu at halos tumagos sa langit ang ulo niya dahil sa sobra niyang kayabangan.

Manghang-mangha si Fei Yang nang tiningnan niya si Ye Wan Wan. "Director Ye, ginawa mong mahiwaga ang isang taong nabubulok! Lumuluhod ako sa iyong paanan!"

Mabilis na nainis si Gong Xu. "Hoy hoy hoy, isipin mong maigi ang mga pinagsasabi mo! Sino ang tinatawag mong nabubulok?! Hindi mo ba nakita kung ano ang sabi ng internet? Ako ay isang perlas na natabunan ng dumi! Hindi ka ba nag-aral?"

Inirapan ni Fei Yang si Gong Xu at hindi niya ito pinansin. Sabik niyang tiningnan ang babae sa tabi ni Ye Wan Wan. "Ye Bai, ang talas ng mga mata mo! Saan mo nakuha si Yan Ran? Bakit hindi ko man lang napansin?!"

"Hindi mo alam na sumabog ang mga chats sa manager group chat natin noong na-anunsyo na ang mga nanalo! Halos lahat ng mga kilalang managers ay gusto siyang kunin! Kahit ako ay naakit na kunin siya dahil alam ko na ang agency natin ay wala pang babaeng artsita!"

"Pero noong sinabi niya ang kanyang acceptance speech at sinabi niya doon na ikaw ang manager niya! Nagulat talaga ako!"

Pinakinggan muna ni Ye Wan Wan ang mga paghanga ni Fei Yang bago niya pinaliwanag ang sarili niya nang nakangiti, "Hindi maganda ang sitwasyon ng kumpanya natin noong una at pinagtutulungan pa tayo ng parehong Worldwide at Emperor Sky. Natatakot ako na baka masira ang imahe ni Yan Ran, kaya hindi ko muna siya opisyal na kinuha."

Tumango si Fei Yang. "Ah, okay!"

Kabadong pinakilala ni Jiang Yan Ranang sarili niya. "Hello, sa inyong lahat. Ako si Jiang Yan Ran. Sana makapagtrabaho tayo ng maayos at matiwasay!"

"Hello, hello! Huwag kang mag-alala, mabait naman ang lahat ng nandito. Huwag kang mag-alala!" Sabik na sinabi ni Fei Yang.

"Hello, ako ang assistant ni Director Ye, ako si Yao Jia Wen."

"Hello!" Tumango si Luo Chen.

Natuwa si Han Xian Yu. "Ikaw pala si Yan Ran na madalas na binabanggit ni Ye Bai. Hello. Welcome sa Age of Immortals!"

Namula si Jiang Yan Ran. "Hello, senior! Ma… matagal na akong fan mo…"

Kahit na nangabilang bakod siya noon...

Humarap si Jiang Yan Ran kay Gong Xu. "Hello, kuya Gong Xu!"

Nakaupo si Ye Wan Wan sa pagitan nila Jiang Yan Ran at Gong Xu.

Kulay berde na si Gong Xu. Seryoso ang kanyang naging itsura at hindi siya sumagot noong binati siya ni Jiang Yan Ran.

Tiningnan ng masama ni Ye Wan Wan si Gong Xu nang makita niya ang ginawa nito.

Tinitigan niya ako! Para lang pansinin ko ang kabit niya!

Mabilis na naramdaman ni Gong Xu ang pagkasira ng kanyang puso. Inirapan niya si Jiang Yan Ran habang iritable niyang sinabi. "Mabuti at alam mo ba mataas ako. Bago ka lang dito, kaya dapat alam mo ang mga patakaran…"

Sasabihin na sana ni Gong Xu na soya ang tunay na asawa ni Ye Wan Wan, pero umentra si Ye Wan Wan, "Mas nauna siya sayo."

"Ano? Mas nauna sa akin? Imposible!" Kusang tinitigan ni Gong Xu si Jiang Yan Ran at napatanong siya, "Kailan mo pa sinusundan si Brother Ye? Paano ka nauna sa akin?! Bakit hindi ko alam ito?"

avataravatar
Next chapter