903 Ginalit niya ang taong hindi dapat ginagalit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinagabihan sa isang villa sa suburbs.

Binabalot ng dilim ang mukha ni Si Ming Li. Tiningnan niya si Si Yi Qian na nakaupo sa tabi niya at kanyang sinabi, "May mga mersenaryo nang tumanggap sa misyon."

Tumawa si Si Yi Qian nang marinig niya iyon, "Pa, huwag ka nang magalit sa nangyaring insidente noon - aksidente lang iyon."

"Hng!"

Ngumisi si Si Ming Li at humarap siya sa confidant na nasa tabi niya, "Suriin mo ng maayos ang plano sa pagkakataon na ito, okay? Huwag mo na gagawin ang pagkakamali mo noon. Hindi mo man lang alam na may kasamang mga mersenaryo pala ang babaeng iyon!"

"Maingat kong sinuri ang plano natin!" Makikita ang pawis na namumuo sa noo ng confidant, "Kinuha ni Ye Wan Wan sa ibang bansa ang mga mersenaryo na kasama niya, ngunit hindi pa rin namin naintindihan kung bakit niya ginawang kaakibat bilang security guards ang mga mersenaryong iyon."

Humarap si Si Ming Li kay Si Yi Qian at sinabi, "Ano sa tingin mo - may kinalaman ba ang mga mersenaryo na iyon kay Si Ye Han?"

"Pa, ano ang ibig mong sabihin… nag-hire ng mga mersenaryo si Si Ye Han para protektahan yung babaeng iyon?" Nag-isip muna si Si Yi Qian bago siya sumagot.

"Tumpak!" Napakunot si Si Ming Li. "Kung totoo iyon, sapat na iyon bilang pruweba na kinakalaban na tayo si Si Ye Han noon pa man. Sa tingin mo ba ay nadiskubre na niya ang plano natin na kasama si Mr. Eric?"

Ngumiti lamang si Si Yi Qian at umiling siya nang makita niyang nag-aalala na si Si Ming Li. "Pa, imposible iyon. Hindi hahayaan ni Mr. Eric na mapansin ni Si Ye Han ang ginagawa niya. At tsaka, hindi magpapadala ng mga mersenaryo si Si Ye Han upang protektahan si Ye Wan Wan - tinali niya siguro ito sa kanya ang babaeng iyon kapag nalaman niya ito!"

Hindi pa rin kampante ang puso ni Si Ming Li sa sinabi ni Si Yi Qian. Wala silang kailangang alalahanin pa sa abilidad at pamamaraan ni Mr. Eric, ngunit nakakatakot rin ang pamamaraan ni Si Ye Han.

"Pa, hindi pwedeng masyado kang mag-alala. Kahit malaman man ni Si Ye Han ang plano natin, kalalabanin niya lamang tayo. Mahirap man alamin kung sinong mananalo sa laban natin kay Si Ye Han na kasama si Mr. Eric, pero sa tingin ko ay tayo ang mananalo." Tumawa si Si Yi Qian.

Naging malumanay na si Si Ming Li nang mabanggit ang pangalan ni Eric. Hindi niya naisip noong pinagdudahan niya ang kakayahan at abilidad ng taong ito...

At tsaka, hindi malalaman ni Si Ye Han na nabubuhay sa mundong ito si Mr. Eric.

"Hng, Si Ye Han, ginalit mo ang isang tao na hindi dapat ginagalit. Magsisimula pa lamang ngayon ang laban. Dahan-dahan nating ilalaro ito…" kumislap ang mga mata ni Si Ming Li.

Habang nag-uusap silang dalawa, humarap sa may pintuan ang confidant at kanyang sinabi, "Nandito na sila."

Pumasok ang ilang lalaki na nakasuot ng itim.

Magulo ang buhok ng nangunguna sa kanila at mapapansin sa kanyang mukha na nasa edad 27 o 28 na taong gulang na siya. Napaka-elegante ng itsura niya at nakakatakot ang mukha niya, hindi siya katulad ng ibang mersenaryo.

"Hello, ako si Si Ming Li."

Humakbang paharap si Si Ming Li upang batiin ang lalaki.

"Mr. Si, sa misyon na ito, may inutos sa amin si Mr. Eric at malinaw sa aking pagkakaintindi ang mga inutos niya. Ipapakilala ko ang aking sarili, ako si Tang Long, kapitan ng Noise Dragons mercenary group."

Inunat ni Tang Long ang kanan niyang kamay at kinamayan niya si Si Ming Li.

"Haha, si kapitan Tang Long pala ito. Nabanggit ka na sa akin noon, isang karangalan na makilala ka. Bata pa pala si Kapitan Tang Long, pero nasa mataas ka na na ranggo. Napakahusay… dali, pumasok kayo sa loob. Naghanda ako ng kaunting salu-salo dahil alam ko na matutulog kayong lahat dito. Kahilingan ko na bibigyan ako ng karangalan ni Kapitan Tang Long at ng mga kapatid niya sa misyon na ito!" Ngumiti si Si Ming Li.

avataravatar
Next chapter