503 Gawin mo ulit para makita ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nanahimik si Ye Wan Wan.

Bakit niya gagawin iyon kung walang tinatagong kahit ano si Jiang Yan Ran sa kanya?

Pero inisip niya pa rin na baka may hindi pagkakaunawaan lang sa isyung ito. Sa buhay ko noon, sobra ang pagmamahal ni Chu Feng para kay Jiang Yan Ran kaya paano niya magagawa ang ganito?

Nakakabingi ang tugtog sa panig ni Jiang Yan Ran kaya sumimangot si Ye Wan Wan. "Nasaan ka ba ngayon?"

"Sa Scarlet Bar…" tunog lasing si Jiang Yan Ran.

Napakunot sa inis si Ye Wan Wan nang marinig niyang nasa bar si Jiang Yan Ran at parang lasing na ang kanyang kaibigan. Hindi ligtas na mag-isa lang si Jiang Yan Ran sa bar ng ganyang ang kondisyon niya.

"Sige, papunta na ako diyan."

Binaba ni Ye Wan Wan ang tawag pagkatapos niyang magsalita.

Bago pa siya magsalita, pinangunahan na siya ng boses ni Si Ye Han. "Si Xu Yi na lang ang maghahatid sayo."

Tumango si Ye Wan Wan at hinalikan niya ang pisngi ni Si Ye Han. "Sige, Uuwi rin ako agad pagkatapos kong i-check kung anong nangyari kay Yan Ran."

Hindi siya sigurado kung bakit natural na nakipag-usap na lang sa kanya si Si Ye Han pero alam niya na hindi na siya natatakot kung magagalit si Si Ye Han kapag kinita at nakipag-usap siya sa kanyang mga kaibigan.

Ang lahat ng pagbabagong ito ay nangyari lang sa ilang buwan na lumipas...

Nagmadaling bumaba ng hagdan si Ye Wan Wan.

Nang makababa na siya, nakita niyang nakikipag-usap si Xu Yi sa isang alalay sa may salas.

Tatawagin na sana siya ni Ye Wan Wan nang biglang nagtago at nagmadali papunta sa kusina si Xu Yi.

Nagtaka si Ye Wan Wan sa inakto ni Xu Yi at sumimangot siya nang pinatigil niya si Xu Yi: "Housekeeper Xu!"

Nanigas ang likuran ni Xu Yi. Wala siyang magawa kundi dahan-dahan na tumalikod at yumuko, umaasa siya na maitatago niya ang sugat niya sa mukha. "Miss Wan Wan, anong maitutulong ko sa iyo?"

"Anong nangyari sa mukha mo?" desedidong tinanong ni Ye Wan Wan.

"Wala, dumeretso lang ako sa nakasarang pintuan…" sagot ni Xu Yi.

Humalikipkip si Ye Wan Wan at bigla siyang tumawa. "Nagkaganyan ang mukha mo dahil naglakad ka sa nakasarang pintuan? Hindi mo na lang ulitin ang nangyari sayo para makita ko ang kung paano ka nagkaganyan?"

Sa oras na iyon, namamaga ang kalahati ng mukha ni Xu Yi. May black-eyes siya na nakapalibot sa kanyang mata kaya hindi niya ito masyadong mabuksan.

*ehem* "Kasi…" walang masabi si Xu Yi.

"Si Liu Ying ba ang gumawa niyan sayo?" tanong ni Ye Wan Wan.

Mabilis na sumagot si Xu Yi, "Wala ito, Miss Wan Wan… oo nga pala, anong maitutulong ko sayo?"

Sinubukan ni Xu Yi na baguhin ang usapan nila.

Naging masama ang ekspresyon sa mukha ni Ye Wan Wan. "Wala, tawagin mo si Liu Ying at sabihin mo na siya ang magmamaneho sa akin papunta sa isang lugar."

Mabilis na sumagot si Xu Yi, "Saan mo ba gustong pumunta, Miss Wan Wan? Ako na ang magmamaneho para sayo!"

"Paano ka magmamaneho na ganyan nang namamaga ang mukha mo? Tawagin mo siya!" May bakas ng galit sa tono ng boses ni Ye Wan Wan.

Walang magawa si Xu Yi nang makita niyang nagagalit na si Ye Wan Wan kundi mag-utos ng tao para tawagin si Liu Ying.

Nakatayo sa harapan niya ay isang payat na babae na biglang nagalit kaya nakaramdam siya ng takot kahit isang batang babae lang ang kausap niya.

May awrang pumapalibot sa kanya na pamilyar sa pinaparamdam ni Si Ye Han sa mga tao...

Mabilis na nakarating si Liu Ying, bigla siyang nainis nang makita niya si Ye Wan Wan. "Anong problema?"

Tinitigan siya ng masama ni Ye Wan Wan. "Ihanda mo ang kotse at imaneho mo ako papuntang Scarlet Bar."

"Ano?" Nanigas ang mukha ni Liu Ying nang marinig niya ang dominanteng pag-utos sa kanya ni Ye Wan Wan.

May galit pa sa mukha ni Liu Yig kanina ngunit tumayo na si Ye Wan Wan at hindi na niya binigyan ng tsansa na tumutol pa si Liu Ying. Tiningnan niya ang oras sa kanyang phone at sinabi. "Pakibilisan, nagmamadali ako."

"Ikaw…" Napa-kamao si Liu Ying, tiningnan niya si Xu Yi at kinaskas niya ang kanyang ngipin sa sobrang galit, wala siyang magawa kundi sumunod na lamang kay Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter