1219 Gawin ang kahit anong hinahangad niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Timingnan siya ng maigi ni Si Ye Han. "Matagal mo nang pinapangarap? Yung… kapag naging matagumpay at makaangyarihan ka na, ikakandado mo na lang ako at hindi mo ako hahayaan na pumunta sa kahit saan, kahit na makita ang mga magulang ko? May ipapadala kang mga tao para sundan at manmanan ako at ikakandado mo…"

"Tama na! Tama na!" Sumigaw ng malakas si Ye Wan Wan dahil nagulat siya. "Bakit… bakit ang talas ng memorya mo?!"

Inakala niya na nakalimutan na ito ni Si Ye Han...

Natandaan ni Ye Wan Wan noong nakakulong pa siya sa bahay ni Si Ye Han, kaya nag-away silang dalawa noon. Sinabi niya na malaya si Si Ye Han na pakasalan ang kung sinong gusto niyang pakasalan...

At ang sagot ni Si Ye Han sa kanya ay: "Hindi ko kailangang maging malaya."

Kaya si Ye Wan Wan na pinagkaitan ni Si Ye Han ng kalayaan, ay galit na sinabi ang mga sinabi kanina ni Si Ye Han. Sinabi niya rin na ikukulong niya si Si Ye Han sa kama at gagawin niya ang kahit anong gusto niya sa lalaki…

Ang sagot naman ni Si Ye Han ay: "Aasahan ko 'yan."

Kung iisipin natin ngayon ang nakaraan, basta't lagi siyang susunod at papakinggan, o parati siyang nasa tabi ni Si Ye Han, parating ibibigay ni Si Ye Han ang kahit anong gusto ni Ye Wan Wan...

"Ikaw lang ang pwedeng mam-bully sa akin. Hindi ba ako pwedeng lumaban?" Nagreklamo si Ye Wan Wan.

Noon, plano niyang kumuha ng daan-daang gwapong lalaki upang gumawa ng harem kapag nakuha na niya ang kanyang kalayaan kay Si Ye Han...

Gayunpaman, iniwan niya ang lahat ng iyon para kay Si Ye Han...

Syempre hindi niya susubukang sabihin ang mga bagay na tulad nito kay Si Ye Han.

Hinawakan ni Si Ye Han ang kanyang kamay at pinatong niya ito sa kanyang puso. "Huwag kang mag-alala. Kahit na makapangyarihan ka man o hindi, hindi ako aalis sa tabi mo."

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang malakas na pagtibok at init sa kanyang puso. Tumaas ang kilay niya at kanyang sinabi, "Ang aga aga, inaakit mo ako? Sinasabi ko sayo na hindi ako isang gentleman…"

Nang sabihin iyon ni Ye Wan Wan, naramdaman niya na may vibrate sa gilid ng kanyang kama.

Kukunin na sana ni Ye Wan Wan ang phone ngunit naunahan siya ni Si Ye Han at kinuha nito ang phone. Tiningnan niya ang screen nito. "Tumawag ang kumpanya."

Dineretso niya ang kanyang kwelyo at sinabi. "Aalis na rin ako."

Tumango si Ye Wan Wan. "Ah, sige pala. Naayos naman na ang mga tungkulin ko, pero tutulungan kita sa mga gagawin mo para maayos natin ito ng maigi. Kapag naramdaman mo na masama ang pakiramdam mo, sasabihin mo sa akin…"

"Okay."

"Kailangan mo rin akong tawagan kapag bad mood ka."

"Okay."

Kahit na nag-aalala si Ye Wan Wan sa Si family, bigla niyang natandaan sa unang buhay niya na nagsimula ang kaguluhan sa Si family noong nagkaroon ng malalng sakit si Si Ye Han. Ngunit ngayon, walang sino man sa Si family ang susubok na bastusin o gumawa ng kahangalan lalo na't alam nila ang pamamaraan ni Si Ye Han.

Para naman kay Si Ming Li, napilitan siyang umalis ng bansa para hindi na siya makagawa ng malaking kaguluhan.

Kamakailan lang, nag-iba ang ugali ng mga clan members ng Si family kay Ye Wan Wan. Sa buhay niya ngayon, wala siyang naging problema sa Si family kumpara sa naranasan niya sa kanila sa una niyang buhay. Pinapakita nito na ang kapalaran niya ang nagbabago at napupunta na sa ibang direksyon...

Naging panatag na ang puso ni Ye Wan Wan nang maisip niya iyon.

Tapos na si Si Ye Han sa pag-ayos ng kanyang tie. "Magiging abala ako sa mga darating na panahon, kaya hindi agad ako makakabalik. Tawagan mo ako kapag may nangyari."

Tumango si Ye Wan Wan. "Sige!"

Masyado na niyang inabala si Si Ye Han sa pag-aalaga niya kay Tang Tang. Hindi magiging madali kay Si Ye Han na manatili sa bahay ni Ye Wan Wan habang siya ay nagta-trabaho.

Hinatid ni Ye Wan Wan si Si Ye Han sa harap ng pintuan. "May pupuntahan akong business trip ng dalawang araw, kaya mapupuntahan pa rin kita. Hindi ka pwedeng magpuyat! Kainin mo rin ang mga pagkain mo sa tamang oras!"

"Sige."

"Sige, sige, hindi na kita aabalagin pa. Mauna ka na pala!" Hinalikan ni Ye Wan Wan ang gilid ng labi ni Si Ye Han bago siya kumaway at mamaalam kay Si Ye Han.

Humikab si Ye Wan Wan at pumasok siya sa loob ng bahay pagkatapos niyang panoorin si Si Ye Han na pumasok sa kotse na naka-park sa may pintuan.

Dalawang hakbang pa lamang ang nilakad niya nang bigla siyang mapahinto dahil naramdaman niya ang mainit na yakap na nanggaling sa kanyang likuran...

avataravatar
Next chapter