945 Ganyan na siya umpisa pa lang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling ito, para bang may daan-daan at libo-libong mga maliliit na tigre ang tumatakbo sa isip ni Nameless Nie at sa iba...

Nang makita ang kakaibang mga itsura nila, balisang lumapit si Ye Wan Wan, "Hoy kayo, anong reaksyon iyan? Nagkamali ba ako?

Peligroso pa din ang lima at hindi makalma. "..."

"Magsalita kayo!" natataranta na si Ye Wan Wan.

Sinulyapan ni Nameless Nie ang bata sa may sala at sa sobrang moe nito ay agad siyang napahawak sa kanyang dibdiba. Maya-maya, inangat niya ang kanyang ulo at nahirapang magsalita: "Famous Ye, ano ang ginawa mo sa maliit na demonyo namin, huh? Bakit ganyan ka?"

Napakurap si Ye Wan Wan at mukhang inosente. "Huh? Wala akong ginawa - ganyan na siya umpisa pa lang!"

Nameless Nie: "…"

Binalewala ni Ye Wan Wan ang kakaibang reaksyon ng lima at naginhawaan nang maumpirma niya na tama ang nakuha niyang bata. Nakahinga ng maluwag si Ye Wan Wan. "Edi, hindi maling bata ang nakuha ko, tama? Gumagawa kayo ng gulo sa wala. Halos mamatay na ako sa takot!"

Nameless Nie: "..." Sino ba ang muntik ng mamatay sa takot, huh?

"Pumasok muna kayo at umupo saglit." sabi ni Ye Wan Wan

Mabilis na sumagot si Nameless Nie, "Hindi hindi hindi, hindi na kailangan iyan. Gusto lang namin makasigurado na hindi maling bata ang nakuha mo!"

Hindi maka-imik si Ye Wan Wan. "Nandito na din naman na kayo! Kung hindi niyo siya babatiin, tito ka ba niya talaga, huh?"

Sa sandaling iyon, maingat na inangat ni Spray of Flowers ang kanyang braso, "Teka, siya ba talaga 'yan?"

Nahirinan ang deboto. "Tingin ko… kailangan nating makasigurado. Tama, captain?"

Dayuhan na laryo: "Tingin ko din!"

Iceberg man: "…"

Nahihirapan silang magdesisyon nang makarinig sila ng mga yapak. Swish - nahila pabukas ang bintana.

Nakita nila na papalapit si Nie Tangxiao. Hindi man lang nila alam na nakita sila nito.

"AH— SH*T!"

Ang biglang paglitaw ng maliit na demonyo ay naging dahilan para umalis ang mga kaluluwa nila sa kanilang katawan habang tumalon sila tatlong sukat ng tula. "Swish!" Nagtago silang lahat sa likod ni Ye Wan Wan.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang mga taong nakatago sa likod nila at hindi namalayang kumibot ang kanyang labi. "..."

Pinasadahan ng tingin ni Nie Tangxiao ang mga taong nasa likod ni Ye Wan Wan at natuon ang tingin niya kay Ye Wan Wan. Inangat niya ang kanyang ulo at lumapit, saka nagsalita sa cute at inosenteng boses: "Mommy!"

Nang makita ni Ye Wan Wan na suot ni Tangtang ang pajamas na binili niya, nagliwanag ang mukha niya - sobrang kaibig-ibig siya! Hindi niya mapigilang lumupasay at yakapin ang maliit na bata. "Oh baby, sobrang cute mo talaga!"

Tinignan ng lima si Ye Wan Wan na talagang naglakas loob na yakapin ang maliit na demonyo. "..."

Kumunot ang labi ng bata at kabadong nagtanong, "Mommy, nagustuhan moba?"

Paano naman hindi magugustuhan ni Ye Wan Wan? Humiling siya na sana siya na lang ang nagpa-anak sa batang ito!

"Syempre gusto ni mommy; mas mahal naman ni mommy si Tangtang!" ginulo ni Ye Wan Wan ang buhok ng bata at hinalikan ito sa malambot at cute na pisngi.

Natigilan ang batang lalaki. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at kita ang pagkinang ng kanyang mga mata. "Mas mahal din ni Tangtang si mommy!"

Ang lima na halos mabaliw na ang kanilang isipan: "..."

"Ah, oo nga pala, Tangtang. Nandito 'yung tito at iba para bisitahin ka!" naalala na din ni Ye Wan Wan ang nalimutang limang tao.

Sa ngayon, mas gulat pa kaysa kanina ang mga itsura nila Nameless Nie at iba...

Nang makita na parang tanga na tuliro si Nameless Nie, pasikreto niyang sinipa ang binti nito at binantaan sa mababang boses, "Hoy, magsalita ka!"

avataravatar
Next chapter