621 Ganap na bobo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling ito, narinig nila ang mga mabibilis na yapak mula sa pintuan. Narito na din si Ye Mu Fan.

Nang pumasok si Ye Mu Fan, nakita niya ang nanay niyang nakaupo sa sahig na namamaga ang mga mata at tuluyang namutla ang mukha ng tatay niya at nagdudugo mula sa noo niya...

Nang matanggap niya ang mga tawag mula sa lumang bahay, hinanda na agad ni Ye Mu Fan ang sarili sa malalang mangyayari, pero nang makita ang eksenang ito sa harap niya, punong-puno siya ng galit.

"Papa! Mama! Anong nangyari?" mabilis na lumapit si Ye Mu Fan.

Nang makita ni Ye Shao Ting ang anak, puno ng galit at pighati ang mukha niya, "Nakakahiya! Paano… paano ka naging ganito?! Ano bang itinuro ko sa 'yo?!"

Malumbay na pinikit ni Liang Wan Jun ang mga mata. "Mu Fan… sumobra ka na talaga… alam mo ba na ilegal ang ginawa mo?"

Nang makita ang mga dismayadong itsura ng mga magulang niya, naramdaman niyang parang pinunit ang puso niya ng matulis na kuko. Hinawakan niya ang sumasakit niya ulo. "Papa, mama, anong ginawa kong mali? Walang akong ginawang mali! Bakit kailangan niyo akong pagbintangan?!"

Umiling si Liang Mei Xuan. "Hanggang ngayon, wala ka pa ding hiya. Pasalamat ka na lang at umalis na ang lolo't lola mo sa kwarto. Kung hindi, kapag narinig nila ang sinabi mo, baka ikamatay na nila iyon!"

Galit si Ye Shao Ting. "Ikaw… hindi ka pa din nagsisisi, huh?!"

Tinuwid ni Ye Mu Fan ang leeg niya. "Pinoprotektahan ko lang ang babaeng mahal ko. Wala akong ginagawang mali!"

Tumaas ang blood pressure ni Ye Shao Ting. Nag-umpisa na siyang mahilo at may masakit sa kanyang puso. "Ikaw… ikaw talaga…"

"Papa..." lumabas si Ye Wan Wan at agad na lumapit. Hawak niya ang nanginginig na si Ye Shao Ting sa kanyang mga braso at pina-inom ng gamot sa puso. Matapos no'n, mabilis siyang naglabas ng tuwalya para linisan ang sugat ni Ye Shao Ting.

"Wan Wan, andito ka…" matapos makita ang anak niyang babae, bahagyang umamo ang itsura ni Ye Shao Ting.

Nang makita ang sugat ng tatay niya, lumingon siya kay Ye Mu Fan, na hindi nag-iisip na siya ang mali, sa puntong ito, inangat niya ang kanyang kamay, at sinampal si Ye Mu Fan. "YE MU FAN, GANAP KA NG BOBO!"

Sa una, umaasa siya ng kaunti na magsisisi siya pag nakita na sinangkot niya ang magulang nila dito, pero sinong mag-aakala...

"Ikaw…" hinawakan ni Ye Mu Fan ang nasampal niyang pisngi at sumabog sa galit. "YE WAN WAN, TALAGANG SINAMPAL MO AKO! Sino ka para kutyain ako! Hindi mo naiintindihan si Shen Meng Qi! Walang ako pagsisisi sa ginawa mo! Aakuin ko ang lahat bunga nito!"

Pumiksi si Ye Wan Wan, "Tsk, aakuin mo lahat? Tingin mo kapag nakulong ka at pagsinira mo ang buhay mo ikaw lang ang madadamay? Anong mangyayari kay papa?! Sinong mag-aalaga kay mama?!"

Si Liang Mei Xuan, na natutuwa sa gilid at pinapanood ang magandang palabas ay biglang tumawa. "Ay, imbes na mag-away dito, bakit hindi niyo gamitin ang oras niyo para gumawa ng pera, maghanap ng abogado at subukang makakuha ng magaan na sentensiya, huh?"

Tutol na sumulyap si Ye Wan Wan kay Liang Mei Xuan at pinigilan ang kumukulong galit sa loob.

Hindi ngayon ang oras para asikasuhin si Liang Mei Xuan.

"Papa, mama, mauna na po kayo. Mag-usap na lang tayo bukas." pagpilit ni Ye Wan Wan sa mga magulang niya at hinablot ang pulso ni Ye Mu Fan. "SUMUNOD KA SA AKIN! Ipapakita ko sa 'yo na ang walang humpay mong katapatan sa babaeng 'yon ay tao o demonyo!"

"Ye Wan Wan, anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!"

Sinubukang kumawala ni Ye Mu Fan sa mga hawak ni Ye Wan Wan pero hindi inasahang may lakas siya, para bang mga metal ang mga payat nitong daliri na humihila sa kanya papalabas.

avataravatar
Next chapter