649 Galit na 9th master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang lahat mula sa drama series na ito, mula sa artista hanggang sa production team, sumabog sa katanyagan. Nagtala ito ng hindi mabilang na records at dumating upang kumatawan bilang isang Asia's teen idol dramas. Matapos 'yon, isinalin din ito at bawat bansa ay ikinalat sa kani-kanilang bersyon.

Gayon pa man, ang screenwriter para sa series na ito, na si Xu Lin, ay naka tagpo ng isang pagtatapos na trahedya.

Ang pinagdaanan ni Xu Lin ay may pagkakatulad kay Ye Mu Fan - siya ay disipolo ng Emperor Sky's gold medal producer, na si Tan Zhen Xin.

Sa katunayan, ang malikhain at tanyag na mga script na ito na tinatawag ng producer ng gold medal ay galing lahat sa kamay ng kanyang disipolo, na si Xu Lin.

Sa grupo ng screenwriter, hindi bihira para sa mga master na pagsamantalahan ang relasyon nila sa kanilang master-apprentice o kumuha ng mga bago at hindi kilalang screenwriters upang mag-ghostwrite para sa kanila kasama ang mapagpanggap na pageensayo o pagtuturo nila.

Pagkatapos ng dalawa sa kanyang drama ay talagang mahusay na tumanggap, natural na hindi nasisiyahan si Xu Lin sa pagiging isang ghostwriter ngayon. Nagpadala siya ng kahilingan para sa karapatan ng pag-akda at sa panahon na 'yon, si Tan Zhen Xin at Emperor Sky Entertainment ay sumang-ayon dito, ngunit ng nagawa ang ikatlong drama series, hindi siya binigyan ng kahit anong karangalan. Binigay lamang nila sa kaniya ang $30,000 bilang kabayaran…

Hindi na hinayaan ni Xu Lin na magpaupo-upo na lang at maapi, kaya napagpasyahan niya na lumabas sa kanyang sarili at humanap ng ibang kumpanya upang magtrabaho para sa kanyang bagong series.

Bilang si Xu Lin ang lubos na gumagalang at nagtitiwala kay Tan Zhen Xin noon, ipinadala niya ang bagong script sa kanya bago ang kanyang pag-alis.

Malinaw na minaliit ni Xu Lin kung gaano kawalang hiya ni Tan Zhen Xin at ang Emperor Sky.

Inayos na ni Tan Zhen Xin ang script ng maaga at nirehistro na ito. Alam na alam ng Emperor Sky na ito ay likha ni Xu Lin, ngunit alang-alang sa reputasyon nitong gold medal screenwriter, na si Tan Zhen Xin, pinili nila na isama siya at kuhanan ang series na ito ng mabilis hangga't maaari.

Sa oras na 'yon, nakakahalatian na ni Xu Lin ang kanyang bagong series ng siya ay pabagsakin ni Tan Zhen Xin at Emperor Sky; inakusahan nila siya ng copyright infringement at pagnanakaw sa kanyang taga turo.

Nang irehistro niya ang kanyang script matapos kay Tan Zhen Xin, wala ng kahit ano pang dahilan si Xu Lin. ang maaari na lang niyang gawin ay ang pasanin ang kahihiyan at sapilitang paalisin. Nakita niya kung paano ang mga taong 'yon, na nakawin ang kanyang likha sa kanya, umangat sa kasikatan at nagtatag ng isang matibay na reputasyon sa kanilang sarili….

Sa araw na manalo ang series na ito ng Hundred Flowers award, pinatay ni Xu Lin ang kanyang sarili sa bahay sa pamamagitan ng nasusunog na uling.

Ang script na binigay ni Ye Wan Wan kay Gong Xu ay eksaktong script na sumabog sa kasikatan sa buong China; sinulat niya ito ng buo base sa kanyang naalala.

Sa buhay na ito, ayon sa kanyang pagtatatya, hindi pa natapos ni Xu Lin ang pagsusulat nitong series. Nag-search siya online at ang script na ito ay hindi pa din na irerehistro.

Sinulat niya ang script base sa kanyang memorya at nirehistro ito bago pa ang iba.

Tulad ng kasabihan, "palihim na sinusubaybayan ng mantis ang kuliglig, walang kaalam-alam sa likod ng oriole…"

Hindi lang sa siya ay magtatagumpay sa Emperor Sky, ngunit kukunin niya din si Xu Lin sa ilalim ng kanyang pakpak…

Nang marinig ni Si Ye Han ang kanyang sinabi, binaligtad niya ang business plan na sinulat ni Ye Wan Wan at tila hindi nasiyahan.

Matapos ang ilang sandali, inangat niya ang kanyang ulo at tumingin kay Ye Wan Wan. " kukuha ng sponsors?"

Kumurap si Ye Wan Wan. "Tama! Paano ako kukuha ng isang series ng walang sponsors? Napag-isipan ko na 'yon, at mayroong ilang mga boss mula sa iba-ibang kumpanya na gustong mamuhunan sa teen idol drama series, kaya sa pagkakataon na magkaroon ng ilang sponsors ay maganda na…"

Nagdilim ang mukha ni Si Ye Han ng magsalita si Ye Wan Wan. matapos ang ilang sandali, sumagot ito, " Iyon lang 'yon?"

Sa wakas na pagtanto din ni Ye Wan Wan ang isang bagay. Bakit ang kanyang ugali ay medyo kakaiba?

Ayos lang naman siya kanina…

"Uh, ano 'yon? Mukhang hindi ka masaya tungkol dito." sinubukan alamin ni Ye Wan Wan.

Inilagay ni Si Ye Han ang business plan sa ibaba at tumingin ng diretso kay Ye Wan Wan. "bakit hindi mo ako tanungin?"

Nagulat si Ye Wan Wan nang mapagtanto niya na ang sinabi ni Si Ye Han. "ha? Tanungin… tanungin ikaw?"

Nang makita na tila hindi dumaan ang ideya na ito sa isipan ni Ye Wan Wan, ang mukha ni Si Ye Han ay kaagad na nagdilim. "Ano?"

Bakit hindi niya ako tinanong?

Isa akong higante ng ginto dito, nguni't nais pa niyang pumunta sa ibang tao para sa sponsorships?

avataravatar
Next chapter