235 Gagawin ang lahat ng gusto niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumamig ang paligid ng buong kotse nang nagkomento si Si Xia.

Gayunpaman, makikita ang na umaalab na sa galit si Ye Wan Wan.

At si Si Ye Han ay nakaupo lamang habang walang kibo sa kanyang mukha.

Mahigpit na hinablot ni Ye Wan Wan ang cake box at nanlilisik ang kanyang mata patungo kay Si Xia, "Sabihin mo ulit iyon, Si Xia!"

Napahinto siya sa nanlilisik na mata ni Ye Wan Wan pero sumagot pa siya ng pabalang, "SIGE! Wala akong sinabing mali! Ang 9th aunt ko ay panigurasdong si Qin Ruo Xi! Sino ka ba sa tingin mo?!"

*Riiiiip* Pinunit ni Ye Wan Wan ang cake box at mabilis siyang tumalon para sapakin si Si Xia sa harapan.

"Ang lakas ng loob mong labanan ako Ye Wan Wan! F***... 'wag yung mukha ko… ah… tumigil ka…"

Paiyak na si Xu Yi nang makita niya nag-aaway ang dalawang pasaway. "Young master Si Xia, Miss Ye, tumigil kayo sa kakaaway! Delikado yung ginagawa niyo!"

"Bakit mo ako binubugbog? Hindi pa rin mababago ang katotohanan na si Qin Ruo Xi ang 9th aunt ko!"

"Sige! Paulit ulit mo pang sabihin!" Kinalmot siya ni Ye Wan Wan, "Hindi ko hahayaan na maging Mrs. Si si Qin Ruo Xi, kahit pa ipakain ko ang aking utak sa mga aso!!!"

Walang magawa si Xu Yi dahil hindi pa rin sila tumitigil na mag-away.

Ilang saglit lang, naramdaman ni Ye Wan Wan na may humawak sa kanyang balakang.

At habang sinisigaw niya ang "kahit pa ipakain ko ang aking utak sa mga aso", pinakandong ni Si Ye Han si Ye Wan Wan sa kanya.

Sapilitan siyang ibinaba at pinatigil ni Si Ye Han, pagkatapos ay may malalim na boses na parang cello ang tunog, binalot ang kanyang pandinig, "Pakabait ka at 'wag mong insultuhin ang sarili mo. Hindi ka isang aso."

Hindi ko naman iniinsulto ang sarili ko eh!

'Wag kong tawaging aso ang sarili ko?

Nagulat si Ye Wan Wan nang malaman ang ibig sabihin ng sinabi ni Si Ye Han...

Naging malumanay ang kanyang puso nang malaman niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Si Ye Han. Tumango siya at sinabi kay Si Ye Han, "Hindi mo pwedeng pakasalan si Qin Ruo Xi!"

Sa buhay ni Ye Wan Wan noon, ibinaliw siya ng babaeng iyon at pinatay niya… pinatay niya si Great White dahil dito!

Hindi mapigilan na maging emosyonal ni Ye Wan Wan dahil sa sinabi ng brat na si Si Xia. Nagtatampo niyang hinawakan ang kanyang noo, "'Wag mong isipin ang sinabi ko, malaya kang pumili kung sino ang gusto mong pakasalan…"

Nandilim ang mga mata ni Si Ye Han at makalipas ang matagal na katahimikan, sumagot siya, "Hindi kailangan maging malaya…"

Nagulat si Ye Wan Wan sa sagot niya, "Gusto mong sinusubaybayan ka? Kapag inalam ko ang ginawa mo araw araw at bungangaan rin kita ng buong araw--hindi ba maiinis ka?"

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang buhaghag na buhok ni Ye Wan Wan dahil sa away kanina, "Hindi ako maiinis."

Hindi kumbinsido si Ye Wan Wan, kaya binuksan niya ang kanyang labi at nagtanong muli, "Paano kung… naging mayaman at makapangyarihan na ako? Tapos, kinulong kita at hindi kita pinaalis kahit saan, bawal mong makita ang mga magulang mo, nag-uutos ako ng mga tao na sundan ang bawat galaw mo at kina kandado kita sa kama, gagawin mo ang lahat ng gusto ko?"

Natawa si Si Ye Han sa narinig niya.

Halata naman, sa likod ng mga sinasabi ni Ye Wan Wan ay ang mga tinatago niyang reklamo kay Si Ye Han.

Sumimangot si Ye Wan Wan, "Bakit ka tumatawa?! Ang yabang mo pang tumawa!"

Tiningnan ni Si Ye Han ang maliit na mukha ni Ye Wan Wan na namumula sa sobrang galit. Ibinaba niya ang kanyang ulo sabay hinalikan ang babae sa kanyang labi, "Aasahan kong mangyari iyon."

Pagkarinig ni Ye Wan Wan sa sinabi niya, nanlaki ang mga mata ng babae, "...!!!"

At sa dalawa naman nilang kasama sa kotse...

Xu Yi: *cough cough* Pwede ko bang sabihin sa kanila na may ibang tao pa sa kotse...

Si Xia: "GUS. TO. KO. NANG. BUMABA!!"

avataravatar
Next chapter