697 Gagamitin ko ang ultimate move

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inunat ni Gong Xu ang kanyang ulo at sumilip siya sa direksyon ni Ye Wan Wan. Doon niya nakita ang nilalang na nakatago sa kadiliman.

Eh? Bakit… pamilyar ang taong ito sa akin?

Nasilayan lamang ni Gong Xu ang mukha ng lalaking ito noong gabi na pumunta sila sa bar, ngunit tumatak ang lalaking ito sa isipan niya kaya hindi niya magawang kalimutan ang mukha ng lalaking ito.

Iyon ba ang kaibigan ni Ye-ge na sinundo siya noong gabi na iyon?

Noong gabing iyon, muntikan niyang maisipan ng mali ang relasyon ni Ye Wan Wan sa lalaking ito.

Bakit nasa apartment pa ni Ye-ge ang lalaking ito nang malalim na ang gabi?

Uh, at bakit ako tinititigan ng lalaking ito… na may nakakasindak na mga mata...

Naramdaman ni Gong Xu na may mali, ngunit makapal ang mukha niya at masaya siya noong gabing iyon kaya hindi niya ito masyadong inisip at naglakad siya patungo kay Ye Wan Wan. Nagsalita siya ng may respeto at maayos sa dalawa, "Walang problema, Ye-ge. Okay lang na may bisita ka - hindi rin naman siya magtatagal 'di ba? Okay lang sa akin!"

Anong okay lang sayo? Utot mo!

Ye Wanwan: "…"

Sa pagkakataon na ito, namumuo sa damdamin ni Ye Wan Wan na sakalin ang mokong na ito!

Maingat niyang tiningnan si Si Ye Han… at nang makita niya ang mukha ng lalaki…tila kumalabog ang puso niya sa sobrang takot...

Tiningan ni Si Ye Han si Ye Wan Wan at sumunod su Gong Xu. Nagsalita siya ng malalim at gasgas ang tono ng kanyang boses, "Bisita?"

Alam ni Ye Wan Wan na puno ng galit si Si Ye Han nang marinig niya ang tono ng boses at ekspresyon ni Si Ye Han.

Sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan kaya sinuportahan ng kanyang kamay ang ulo niya at umalma siya sa kanyang isipan. Baby, bakit ka nagmamaktol ngayon? Malinaw kong pinaalam sa kanya na dahil sa disguise ko, limitado ang nagibg sagot ko - wala nang nakatagong ibig sabihin sa salitang iyon!

At kung iisipin ng maigi ni Si Ye Han, malalaman niya na hindi siya iiwan ni Ye Wan Wan para magtatanan sila ni Gong Xu, tama ba? At tsaka, hindi dapat siya napanghihinaan ng loob dahil sa iniisip niya na lolokohin siya na Ye Wan Wan.

Leche, siguro dahil binanggit ni Si Xia na "nakaka-akit ng mga tao ang mga wildflower" at sinabi niya na lalandiin ako ng isang baguhan na artista sa entertainment industry...

Lumapit si Ye Wan Wan kay Si Ye Han at bumulong siya ng sila lang ang nakakarinig. "Si Ye Han, ilang beses ko nang pinaliwanag sayo - si Luo Chen man o si Gong Xu, sila lang ay ang hawak kong mga artista at sinalba ko ang buhay ni Gong Xu sa nangyaring press conference ngayong araw. Sinabi niya iyon dahil lalaki ako sa paningin niya. Walang ibig sabihin ang mga salitang sinambit niya. Walang kwenta kung magseselos ka sa maliit na bagay. Pwede bang huwag nang matigas ang ulo mo?!"

"Tsk, matigas ang ulo… sige lang…"

Dahan dahan na nagsalita si Si Ye Han kaya nanginig ang katawan ni Ye Wan Wan sa sobrang takot.

Gustong sampalin ni Ye Wan Wan ang sarili niya. Bakit ko sinabi 'yon?! Kapag kinakabahan ako, andami kong nasasabing mali.

Alam niya na hindi siya pwedeng magpaliwanag sa taong kaharap niya. Ito ang parehas na kaisipan sa tuwing nagagalit ang isang girlfriend, hindi dapat kayo nakikipagtalaktakan sa kanya!

Pinagsama-samang galit, nababalisa at naiinis na si Ye Wan Wan. Puno siya ng galit sa kanyang kalamnan kaya niluwagan niya ang tie sa kanyang leeg dahil naiirita na siya. Pagkatapos, tiningnan niya ng masama ang may pakana ng gulo na ito. "GONG XU, HALIKA DITO!"

"Ah? Ako? A-ano yun, Ye-ge…" tinuro ni Gong Xu ang sarili niya at kaawa-awa at dahan-dahan siyang pumunta kay Ye Wan Wan.

Bakit nakakatakot ang itsura ni Ye-ge? May ginawa ba akong masama?

Tinapon ni Ye Wan Wan ang tie niya sa lapag at mabilis niyang sinugod ang great devil na sasabog na sa sobrang galit.

"Tingnan mo ito ng maigi—"

Tinagilid ni Ye Wan Wan ang ulo niya upang senyasan si Gong Xu at inunat niya ang maputi at maselan niyang kamay. Hinablot niya ang kwelyo ni Si Ye Han, yumuko siya at pilit niyang hinalikan ang manipis at malamig na labi ni lalaki...

avataravatar
Next chapter