248 Gaano kaganda ang girlfriend mo?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos nilang nag-usap, malalim ang iniisip ni Ye Wan Wan habang pauwi siya sa Jin garden.

Hindi na nakapagtimpi si Ye Wan Wan nang tinawagan niya ang kanyang kuya. Ang tinago niyang hinanakit at pagsisi sa kanyang una at pangalawang buhay ay biglang lumabas kaya nawalan siya ng kontrol, dagdag pa ang masakit na panghuhusga sa kanya ng kanyang kuya.

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan at ginawa niya ang lahat para hindi siya lamunin ng kanyang emosyon.

Sa mga oras na iyon, biglang nag "ding" ang phone niya dahil nag pop-up ang entertainment news.

Binuksan ni Ye Wan Wan ang artikulo; nakita niya na may isang media company na nag-post ng isang pasabog na balita-- Han Xian Yu, inatake ang reporter sa sobrang galit. Nagalit sa kanya ang mga netizens at unti-unting nasisira ang siwasyon ni Han Xian Yu.

Sa ganitong uri ng iskandalo, kailangan mapatunayan ng artista na inosente siya sa lalo madaling panahon. Pangit ang magiging paningin ng publiko kapag ito ay pinatagal; hindi magbabago ang opinyon ng publiko kahit pa napatunayan ng artista na inosente siya.

Kailangan kong makipag usap sa tauhan ni Han Xian Yu para maagapan pa ang sitwasyong ito bago pa mahuli ang lahat...

Pero kailangan ko ng suitable identity bago ko ayusin ito.

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung paano niya si-simulan ang kanyang plano.

Sa totoo lang, napunta siya noon sa ganitong problema at hindi niya alam ang gagawin dahil sa kasunduan nila ni Si Ye Han kapalit ng kanyang paglaya; isa sa mga striktong rule ay: Bawal maka-akit ng ibang lalaki.

Paano niya magagawa ito?

Buti na lang at hindi ako nagdesisyon na maging artista dahil ang kasunduang ito ay magpipigil sa akin na gawin ang kahit ano.

Hindi pa rin ligtas ang mukha kong ito kahit magtrabaho ako nga palihim.

Naisip niyang gamitin ang kakaiba at mabigat na makeup pero hindi ito praktikal. Hindi kaparehas ng entertainment field ang eskwelahan niya noon--mas mahirap at makatotohanan ito at saka, dito importante ang maayos na pagmumukha.

Bago pa siya mag-alok na siya ay piliin sa trabaho, tatakbo ang mga tao sa sobrang takot dahil sa mabagsik niyang itsura.

Piniga ni Ye Wan Wan ang kanyang utak para makaisip ng solusyon sa problema, nang biglang may pamilyar na taong naglalakad patungo sa kanya at ang boses nito ay narinig sa kanyang likuran, "Tapos mo na ang exams mo?"

Mabilis na lumingon si Ye Wan Wan at nasulyapan niya ang lalaking napakasarap tingnan na nakasuot ng itim na suit, "Andito ka pala! Ang aga mo pa? Akala ko ba sinabi mong may meeting ka ngayong araw?"

"Tapos na."

"Ah!"

Ilang segundo siyang tinitigan ni Si Ye Han at bigla siyang tinanong, "Hindi ka nakasagot ng maayos?"

Nalilitong kumurap-kurap si Ye Wan Wan, "Ha? Hindi, nakasagot naman ako ng maayos. Andaming nagreklamo kasi mahirap raw yung mga tanong sa math, pero madali 'kong nasagutan ito. Bakit mo natanong kung hindi ko ito nasagutan ng maayos?"

Sumagot si Si Ye Han, "Kasi hindi ka masaya."

"Uh…" Hindi masyadong makapagsalita si Ye Wan Wan. Umuwi ako para hugasan ang mukha ko at kahit na kinailangan ko ng ilang sandali para ayusin ang nararamdaman ko, pansin niya pa rin kapag hindi ako masaya?

Medyo naubo si Ye Wan Wan, "Hindi naman sa hindi ako masaya, may problema kasi akong hindi ko masolusyonan…"

"Anong problema?" tinanggal ni Si Ye Han ang butones ng kanyang kwelyo sabay umupo sa sofa.

Inisip ni Ye Wan Wan kung paano niya ito sasabihin kay Si Ye Han bago siya lumapit sa kanya, "Ganito kasi 'yon baby, may kasunduan tayo na ginawa mo noon, ang sinasabi nito ay bawal akong makaakit ng ibang lalaki. Hindi makatwiran ang rule na ito.

Tiningnan siya ni Si Ye Han, "Hindi makatwiran?"

Tumango si Ye Wan Wan, "Tama, tama! Isipin mo kasi kung gaano kaganda ang girlfriend mo, ano sa tingin mo? Sa itsura kong ito, paanong hindi ako makakaakit ng mga manliligaw? Hindi ako magiging ligtas kung magtatrabaho ako sa likod ng mga camera at kahit pa ayaw kong maging artista! Kaya pwede bang tanggalin mo ang rule na ito? At saka, hindi ko gustong maakit sa akin ang mga lalaki kundi ang mukha ko ang gumagawa nito.

Patagilid na tumingin si Si Ye Han nang marinig niya ang mayabang na proklamasyon ni Ye Wan Wan na "Isipin mo kung gaano kaganda ang girlfriend mo" at dahil dito, sumagot si Si Ye Han, "Hindi ko sinabi na makatwiran ito."

Nang marinig niya ang tonong "hindi-kailangang-maging-makatwiran-ang-rules-ng-Hari", wala nang sinabi si Ye Wan Wan at umalis na lamang siya.

Oo, oo na, oo na… maghahanap na ng ibang paraan ang yaya mo, ha?

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo sa kanyang pagkabigo, "Hindi ko pwedeng lagyan ng makapal na makeup ang mukha ko kasi makakasira ito sa pagpasok ko sa industriya. Kaya, ano ang pinakamagandang solusyon para hindi ako makaakit ng mga lalaki? Ilang beses ko itong pinag-isipan… pero naniniwala akong isa lang ang natitirang solusyon…"

Interesado si Si Ye Han sa sagot kaya napatingin siya.

Kaya napahinto si Ye Wan Wan at tumingin sa kumikinang na mata ni Si Ye Han, "Ito ang solusyon… magdadamit lalaki ako…"

Edi wala akong maaakit na manliligaw!

Ang talino ko talaga!

avataravatar
Next chapter