823 First kiss sa telebisyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Galit na galit si Lucy Yang. Makikita ang galit sa mukha niya pero natatawa na lamang siya sa saloobin niya.

Anong inirereklamo niya? Kahit na ayaw niya, kailangan niya pa rin sumunod!

Natawa ang direktor. "Gong Xu, requirement ito ng show at kailangan ito ng show! Gustong-gusto ng mga manonood na matunghayan ang ganitong mga bagay! Sana maintindihan mo naman, okay?!"

Ngumisi si Luo Chen, "Nakasulat sa kontrata na bawal ang physical contact."

Hindi ito pinansin ng direktor at sinabi nito, "Oo, pero ang rule na ito ay para sa mga babae; matanda ka na at kung gusto kang yakapin ng babae, ikaw pa ang matutuwa doon, 'di ba?"

Tinikom muna ni Luo Chen ang kanyang labi bago siya magpatuloy, naiinip si Cai Yong Sheng nang naglakad siya papunta sa kanila.

"Bakit ang dami ng problema niyong dalawa? Hindi niyo ba alam kung paano maging propesyonal?! Ang kooperasyon ito?! Akala ko ba mahusay na gold medal manager si Ye Bai, pero walang kwenta pala siya! Inayos na niya ang mga artistang ito na may ganitong ugali?" Lalong lumalakas ang loob ni Cai Yong Sheng dahil mas marami na siyang kapangyarihan ngayon.

Nabigla si Luo Chen at nag-iba ang itsura sa mukha ni Gong Xu nang marinig nila ang masasamang komento ni Cai Yong Sheng kay Ye Bai. Sinugod siya ni Gong Xu at hinablot nito ang kwelyo ni Cai Yong Sheng. "ANONG SINABI MO?! SABIHIN MO ULIT SA AKIN YAN!"

Umalma si Cai Yong Sheng. "Aiyo! Ano, gusto mo akong bugbogin? Gong Xu, huwag mo akong sisisihin sa pagpapa-alala sayo, pero tandaan mo na kaya kitang patalsikin sa kumpanya gamit ang kaunting salita na sasambitin ko lamang. Kung wala ang Worldwide, ang artistang tulad mo na walang kahit ano ay kasing walang kwenta ng utot! Sino ka para gumawa ng eksena, huh?"

Mahigpit na sinara ni Gong Xu ang kanyang kamao. "IKAW…"

Hindi na makahinga ng maayos si Cai Yong Sheng kaya dali-dali niyang binalaan si Gong Xu, "Sige lang! Gumawa ka ng eksena! Kung ano man ang mangyari, si Ye Bai ang magiging responsable dito! Doon niyo malalaman kung kaya niya pa itong panghawakan o hindi! Pinaghirapan ng director Ye niyo ang status niya at kung mangugulo kayong dalawa, ikinalulungkot ko na hindi na siya makakapanatili sa post niya bilang vice-president, tsk tsk tsk…"

Nawala ang pagkakahigpit ng mga daliri ni Gong Xu - hindi importante ang nangyari sa kanya, natatakot lamang siya na baka madawit pa dito si Ye Bai.

Hindi siya katulad ni Ye Bai. Hindi niya tinatrato na laro ang entertainment industry at alam ni Gong Xu na pinahahalagahan ni Ye Bai ang trabaho niya...

Matagal na nanahimik si Luo Chen. Sa wakas ay huminga siya ng malalim. "Naintindihan ko, makikipagtulungan ako sa inyo."

Alas, lumuwang na ang mga daliri ni Gong Xu at pinakawalan na niya ito...

Natuwa naman si Cai Yong Sheng. Inayos niya ang kanyang kwelyo at sinabi niya. "Ayan ang tama! Basta't makikinig at susunod kayong dalawa, makakabuti na ito sa lahat!"

At kinausap niya ang direktor, "Magpatuloy na tayo, Director! Sinusumpong talaga ang mga bata; sana hindi ka naabala sa kanila!"

"Okay okay…" Pumunta ang direktor kay Cai Yong Sheng at sinindihan niya ang sigarilyo nito at bigla siyang bumulong, "Director Cai, ikaw lang nakakaalam ng gagawin! Masunurin sayo ang mga artistang hawak mo!"

Tumawa si Cai Yong Sheng. "Oo naman, lahat ng meron sila ngayon ay nanggaling sa Worldwide at kayang kunin ng Worldwide ang binigay nito sa kanila, malamang, hindi nila ako susuwayin."

Lumiwanag ang mga mata ni Cai Yong Sheng nang magsalita siya. Umalog ang taba sa kanyang mukha sa sobrang saya niya, "Saglit, saglit, nagkaroon ako ng inspirasyon - ipahalik natin si Lucy kay Luo Chen pagkatapos niyang yakapin si Luo Chen, ipapakita niya na hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman niya. Hindi ba't nakakasabik ito? Ano sa tingin mo, director?"

Sumangayon kaagad ang director nang marinig niya iyon. "Not bad, not bad! Napakahusay ng suggestion mo, Director Cai! Napakahusay!"

Ito ang first kiss ni Luo Chen sa telebisyon! Malamang ay dadami ang mga manonood!

avataravatar
Next chapter