238 Exams ng girlfriend ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi lang si Si Xia ang nagulat; kundi si Xu Yi rin na nakatayo lamang sa gilid ang nabigla rin. Sa loob ng dalawang taon, kahit na malala ang tantrums ni Ye Wan Wan ay hindi siya binibigyan ng kalayaang gawin ang gusto niya. Sa wakas, bumigay na si master, kahit pa may kabayaran ang kalayaan ni Ye Wan Wan.

Ang batang babae na tulad niyang hindi pa tapos sa high school, ang may magulong mga relasyon sa pamilya, ang lahat ng pagkain at damit ay binibigay lang sa kanya sa loob ng dalawang taon, ang babaeng may napakadaming bodyguards at alalay--- paano siya mabubuhay sa sarili niyang kalakasan lamang?

Iniba kaya ni master ang kanyang pamamaraan at hinayaan niyang harapin ni Ye Wan Wan ang paghihirap sa mundo para boluntaryong babalik si Ye Wan Wan sa kanya?

Napatayo si Si Xia, "Ye Wan Wan, kinain ba ng mga baboy ang utak mo? Bakit ka pumapayag sa hindi makatarungang kasunduan na iaalipin ka?"

Natakot si Ye Wan Wan na baka sirain ni Si Xia ang planong pinaghirapan niyang ayusin, kaya napatingin siya sa binata, "Gusto ko lang talagang ibenta ang sarili ko sa aking baby, bakit ba?"

Mokong na Si Xia! Naghahanap talaga siya ng bugbog, napaka-epal na naghahanap pa siya ng gulo!

Tiningnan siya ni Si Ye Han, "Sinong baby mo?"

Mabilis na naglambing si Ye Wan Wan, "Obvious naman na ikaw ang baby ko, palayaw ito ng mga magjowa~"

"..." Nandiri ang binata sa narinig niya kaya sinimulan niyang kwestyonin ang halaga niya sa buhay.

Ano kayang pakiramdam nila ng masira na nga ang plano kong manggulo at tumulong pa ako sa atake niya?!

Kinaskas ni Si Xia ang ngipin niya sa sobrang gigil at umentra sa magjowa, "Tapos na ko sa application, pwede na ba akong umalis?"

"Sige." Good mood na si Si Ye Han kaya pinaalis na siya.

Ilang hakbang palabas na si Si Xia nang may lalaking nakasuot ng makukulay na damit ang humarang sa kanya papasok sa bahay, "Ah Xia Xia, andito ka rin pala! Anong nangyari sa iyo iho? Bakit ganyan ang itsura mo?"

Pamilyar sa akin ang ekspresyon niya...

Wala sa mood si Si Xia na makipag-usap, kaya umalis siya nang nandidilim ang kanyang mukha.

Kakaiba ang aesthetic taste niya-- nakita ni Ye Wan Wan ang makulay na pananamit ni Lin Que.

Mabubulag ang mga tao sa kanyang damit kung hindi lang sa maganda niyang itsura. Sinubukan niyang landiin si Ye Wan Wan, kahit pa kakaiba ang kanyang getup.

"Walong daan beses na kitang niyaya 9th brother at ni-isang beses hindi mo man lang ako pinansin; hindi mo na ako nire-respeto!"

Mukhan hindi gumana ang pagyaya ni Lin Que kay Si Ye Han, kaya personal niyang pinuntahan siya para tanungin.

Galit na nagreklamo si Lin Que, "Kalimutan mo na ang maraming beses na pagyaya ko sayo noon! Kahit ngayong araw hindi ka pa rin pumunta! Espesyal ang araw na ito dahil ipapakilala ko na ang girlfriend ko sainyo! Bakit hindi mo man lang ako binigyan ng halaga--ayoko nang maging kapatid mo! Tapusin na natin ito!"

Ipinahinga ni Si Ye Han ang kanyang ulo sa mga kamay niya at napatingin sa lalaki, "Sige."

Sa oras na iyon, may malamig na hangin ang nakapasok sa looban...

Lin Que: "..."

Kahit si Ye Wan Wan naawa kay Lin Que.

Pero importante nga ba ang pagpapakilala sa girlfriend niya? Parang nagpapalit siya ng damit kung magpalit siya ng girlfriend..

Biglang lumungkot at naiyak si Lin Que, "Wala kang puso Si Ye Han! At wala kang hiya! Bakit mo ako tinatrato ng ganito?! Iniwan mo akong mag-isa ng isang buwan! Bakit napaka-busy mo na lang lagi?"

Hindi inangat ni Si Ye Han ang kanyang ulo para kausapin siya, patuloy siyang nagmarka gamit ang kanyang pulang ballpen para sa practice booklet ni Ye Wan Wan, "Malapit na ang major exams ng girlfriend ko kaya wala akong pupuntahang kahit anong okasyon sa ngayon."

Nagulat si Lin Que nang makita niya ang hawak ni Si Ye Han. Meron siyang math practice booklet at may mga pulang check at komento na sulat kamay ni Si Ye Han.

Matagal na nakatulala si Lin Que bago siya magmura, "...punyeta!"

Alam niya na kung bakit pamilyar ang ganitong itsura ni Si Ye Han--ito ang itsura ng inabusong aso!

Matagal bago siya magkaroon muli ng girlfriend, para sa kanya napakatumal kapag mayroon siyang girlfriend. Ngayon, nakahanap siya ng girlfriend para maghiganti dahil inabuso siya noon at gusto niyang ipainggit ito kay Si Ye Han.

Kahit na may maipagmamalaki na akong girlfriend, inaabuso pa rin ako…

avataravatar
Next chapter