473 Espadang dalawa ang talim

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang pagkikipagkita kay Gong Xu, naintindihan na ni Ye Wan Wan bakit masama ang reputasyon niya, puno ng mga eskandalo. Naintindihan niya din bakit madami siyang fans.

May itsura naman ang lalaking ito at nakakaawa umarte, masyado siyang nakakaakit, nagiging bunga nito ang pagpapatawad ng tao sa kanya at pumayag sa gusto niya.

Kung makikita siya ng mga fans niya, sigurado maririnig ang mga hangang langit na sigaw ng mga ito.

Subalit, hindi naniniwala si Ye Wan Wan sa mga binitawang salita ni Gong Xu. 

Tungkol naman sa mga "kabaitang ginawa" ni Gong Xu, alam niya ito.

Makikinig si Gong Xu sa kanyang manager? Ito na siguro ang pinaka malaking kasinungalingan sa buong taon sa industriya ng entertainment.

Matapos masabi ito ni Gong Xu lahat ng tingin ay napunta kay Ye Wan Wan, inaantay kung ano ang gagawin niya.

Tumitig si Zhou Wen Bin na parang susunugin niya ng buhay si Ye Wan Wan. "Gong Xu, may sinabi ba itong taong ito sa iyo? Masyadong siyang pilyo at masama - huwag kang magpaloko sa kanya!"

Takot na baka magalit si Mr. Ye sa kanya, para pahupain ang sitwasyon agad, agad siyang sumigaw , "Zhou Wen Bin! Bakit ka…"

Sa oras na iyon, isang malinaw na boses ng lalaki ang narinig, "Sige."

Kasunod ng "sige," ni Ye Wan Wan napuno ng katahimikan ang buong makeup room.

Walang masabi si Gong Xu. Tulala siya ng una parang hindi makapaniwala at biglang kuminang ang kanyang mga mata. Tuwang tuwa na humarap kay Ye Wan Wan. "Ye-ge! Ikaw… pumapayag ka? Pumapayag kang kunin ako?"

Bakit hindi?

Ang pakay ko ay protektahan ang pamilya Ye at ang Emperor Sky Entertainment. Base sa mga ginawa ko, malayo pa ako sa pakay ko.

Kahit na makilala siya dahil sa palabas na ito, aapihin pa din siya ni Zhou Wen Bin at kung gusto niyang lumakas pa, malayo pa ang kailangan niyang abutin.

Kung kukunin ko si Gong Xu, malaking tulong na ito.

Alam kong isang espadang may dalawang talim si Gong Xu, mahirap makontrol.

Pero, Ano ngayon?

Sa industriya ng entertainment, maraming mga sugal at pwedeng mangyari; walang rason para tanggihan ang isang opportunidad.

Kalmadong sinabi ni Ye Wan Wan "Si Luo Chen lang naman ang nasa pangangalaga ko at ngayon, nasa tamang landas siya, kung kaya walang problema kung kukuha pa ako ng isang artista, kaso nga lang…"

Matapos sabihin ni Ye Wan Wan ito, tumingin siya ng may ibig sabihin kay Zhou Wen Bin.

Pagkakita ni Gong Xu nito, nagsalita ito, "Ye-ge, kung papayag ka, walang magiging problema. Huwag mo na isipin yung mga ibang bagay - ako na ang bahala doon!"

Lumingon si Gong Xu patungo kay Zhou Wen Bin matapos siyang magsalita at madaling sinabi, "Bakit nakatayo ka lang dyan? Hindi mo ba nakita na pumayag na si Ye-ge? Kunin mo na yung kontrata ko ngayon na dalian mo!"

Hindi ito inaasahan ni Zhou Wen Bin; Binugbog na niya si Ye Wan Wan hangang sa punto na hindi na ito makakalaban pa ilang sandali lang ang nakalipas, ngunit ngayon na baliktad ang sitwasyon at hindi lang niya naibalik ang role kay Ye Wan Wan kundi aalis din si Gong Xu kasama nito!

Ang nakakabaliw pa dito ngayon, ay hindi pa din niya maintindihan kung ano ang nangyari at bakit biglaang nagbago ang inaasal ni Gong Xu.

Hindi pwede! Hindi ito totoo!

Sobrang pinaghirapan kong makuha itong money tree [1] na ito. Gong Xu - paano ko siya bastang bibitawan?!

Humagulgol at naglupasay si Zhou Wen Bin. "Gong Xu! Kasama kita ng tatlong taon at sinuportahan kita - kahit na hindi man ako gumawa ng magagandang bagay, nagsikap naman ako para sa iyo. Itatapon mo na lang ako ng basta basta para sa mapagpanggap na lalaking ito?"

Sa sandaling ito, padami ng padami ang mga nakakakita. Lahat ng nakakakita ay parte ng internal staff at kilala nila ang ugali ni Zhou Wen Bin. Habang pinapanuod ang pagarte ni Zhou Wen Bin, nasusuka ang mga ito sa kanilang nakikita.

avataravatar
Next chapter