939 Eksperto sa paghuhukay ng baho

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Liang Mei Xuan. "Papa, ito… paano mo ito nagawa?!"

Kaswal na sinabi ni Ye Wan Wan, "Patas lagi si lolo. Tita, pinagdududahan mo ba ang panghuhusga ni lolo, huh? O tingin mo masusuway mo ang desisyon ni lolo sa pamilyang ito?"

Masyadong takot si Liang Mei Xuan para tignan ang galit na itsura ni Ye Hong Wei. "Ye Wan Wan, 'wag ka nga gumawa ng kalokohan. Kailan ko pa sinabi ang bagay na iyon? Ang ibig kong sabihin ay…"

Ayaw pakawalan nila Liang Mei Xuan at Ye Shao An ito at gustong makipagtalo, pero sayang, dahil nilinaw na nila ang mga patakaran nang sinubukan nilang gumawa ng gulo kay Ye Mu Fan. Kung babaguhin nila ang sinabi nila ngayon na sila na ang target, para bang sinampal nila ang sarrili nilang mukha.

"Desidido na. Wala nang mag-uusap tungkol dito muli." wala sa mood si Ye Hong Wei na makinig sa bangayan sa pagitan ng mas batang henerasyon. Nagdilim ang kanyang mukha habang umalis sa banquet hall kasama si Tan yi Lan.

Umalis na din ang mga bisita ang media sa. Nang maayos na ang lahat, umalis na din sila Ye Wan Wan at Ye Mu Fan.

Nang nakarating sila sa pasukan, napansin ni Ye Wan Wan na patuloy na yumuyuko si Ye Mu Fan at mukhang bumubulong.

"Ge, anong ginagawa mo?"

Inangat ni Ye Mu Fan at sabi, "Huwag mo akong istorbohin, may sinusubukan akong ispin… ilang mga hukay ang hinukay mo para kay Ye Shao An at sa iba ngayon…"

Nakuha nila ang tiwala at pabor ng lolo at lola, nagkaroon ng libreng panayam, nakakuha ng publisidad ang top-notch nilang pelikula at nakatipid ng malaking pera para sa marketing. Nalinis nila ang pangalan nila, nakuha ang hustisya para kay Xu Lin at nasuspinde si Ye Yiyi sa kanyang trabaho...

Nawala na siya sa bilang...

Nakapaghukay si Wan Wan para sa lahat ng gusto niyang guluhin...

Nag-uusap ang magkapatid ng may narinig silang pamilyar na boses ng lalake mula sa likod nila.

"Young master Ye, matagal na din simula noong nagkita tayo."

Kumitid ang mga mata ni Ye Wan Wan nang tinignan niya kung sino ang nagsalita. Si Gu Yue Ze...

Nang makita ni Ye Mu Fan na si Gu Yue Ze ito, pinalawaig niya ang kanyang braso at tinulak si Ye Wan Wan sa likod niya, na tila bang pinoprotektahan niya ito mula sa tingin ni Gu Yue Ze.

Malamig ang mga mata ni Ye Mu fan. "Oh, tama nga ang naisip ko; ang scumbag na ito, huh? Anong gusto mo?"

Tumawa si Gu Yue Ze at sabi, "Wala naman, medyo nagulat lang ako. Magaling ang paglaro mo sa parte mo ngayong gabi, young master Ye. Tingin ko minaliit kita."

Matapos niyang magsalita, biglang nagbago ang tono ni Gu Yue Ze at napalitan ng pagdusta ang ngiti sa kanyang mga mata. "Sayang dahil walang anumang magbabago mula rito…"

Kinuyom ni Ye Mu Fan ang mga kamay niya. "Tsk, ganoon ba? Antayin at tignan na lang natin!"

Hindi na nagsalita pa si Gu Yue Ze at umalis ng may ngiti sa kanyang labi.

Bago siya umali, halata ang pagsalakay sa kanyang mga mata nang sinulyapan niya si Ye Wan Wan ng walang anumang sinasabi.

Mula sa pananaw ng isang lalaki, talagang kahali-halina si Ye Wan Wan matapos ang kanyang makeover. Pero sa kasamaang-palad, isa lang siyang saro ng bulaklak na maganda sa labas at hindi walang pakinabang kay Gu Yue Ze.

Kung gusto niyang makipaglaro sa ganitong klaseng babae, madami sila sa industriya at makukuha niya kung sinuman ang gusto niya. Hindi din mabilang ang mga lumilitaw sa kanyang pintuan...

Alam ni Ye Mu Fan kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin ni Gu Yue Ze kay Ye Wan Wan. Sa sobrang galit niya halos mabugbog niya na si Gu Yue Ze.

Nagawa niya na lang pigilan ang sarili dahil inaalala niya ang kanyang kapatid.

Tinignan ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan at marahan niya itong inaliw, "Wan Wan, 'wag kang mabahala sa g*gong iyon. Paniguradong makukuha ni ge ang Ye! Tapos pwede mo nang pakasalan kung sinuman ang nais mo!"

Ye Wan Wan: "Huwag lang mag-alala, tulad ng sabi ko dati - wala akong nararamdaman para kay Gu Yue Ze."

avataravatar
Next chapter