1182 Edukado talaga

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagreklamo si Ye Mu Fan, "Bakit hindi mo na lang siya… suyuin?"

Malumanay ang itsura ni Ye Wan Wan. "Importante sa edukasyon ng bata na gawin mo ang pinangako mo sa bata."

Kumibo si Ye Mu Fan. "Edukasyon ng bata… masyado mo na yatang pinangatawanan ang role mo bilang nanay...

Gayunpaman, sa IQ ni Gong Xu, walang problema kung gagamit siya ng edukasyong pang bata bilang stratehiya sa kanya.

Nag-alala si Ye Mu Fan nang tanungin niya si Ye Wan Wan, pagkatapos niyang asarin ito, "Wan Wan, ginagawa mo ba ito dahil sa mga tsismis na kumakalat sa internet?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi totoo ang mga tsismis na iyon at hindi ito masyadong makakasira sa atin. Kaya kong malutas ang problemang ito sa tulong ng public relations; medyo mahihirapan lang ako. Pero kahit wala ang mga tsismis na iyon, naghahanda na rin ako na makahanap ng oportunidad para ipakita ang tunay kong katauhan, kaya bakit hindi na lang ngayon!"

Walang problema si Si Ye Han kung mag cross dress siya o hindi, kaya ngayon na ang oras para ipakita niya ang kanyang kakayahan sa Ye family.

Nandoon na rin naman ang lahat ng tao kaya ngayon na rin niya ipapakilala ang sarili niya. Mas mainam na gawin niya ito ngayon.

Hindi maintindihan ni Ye Mu Fan kung bakit ito gagawin ni Ye Wan Wan, kaya bumulong siya. "Lokong Gong Xu, nakakuha siya ng parangal pero wala naman siyang ginawa…"

"Saan ang susi ng van? Ang mga damit at makeup ko ay nasa trunk."

"Nakay Dong Zai, sasamahan kita."

Sa loob ng lugar ng banquet:

Nilapit ni Gong Xu si Luo Chen sa kanya. "Mokong! Dali, halika dito! Tingnan mo ako!"

Sumimangot si Luo Chen. "Ano?"

"Tingnan mo ako ng maigi! Tingnan mo ng maigi! Anong nararamdaman mo?"

Nangamba muna si Luo Chen bago siya nagtanong, "Berde… berde ka na naman?"

Biglang dumilim ang mukha ni Gong Xu. "Blah! Tinatanong kita kung anong itsura ko! Bagay ba ang damit ko? Magulo ba ang buhok ko? Okay ba ang balat ko? May pimple ba ako sa baba?!"

"…"

Suminghal si Tang Xing Huo. "Gong Xu, anong screw na naman ang nahulog sa utak mo?"

Mukhang isang umiibig na babae si Gong Xu nang masaya niyang sinabi, "Makikita ko na ang… diyosa ko!"

Tumaas ang kilay ni Tang Xing Huo. "Diyosa mo? Sino ang diyosa mo?"

Inirapan siya ni Gong Xu. "Hindi mo alam kung sino ang diyosa ko?"

"Eh? Iyon ba ang hinahanap mo? Yung Little… Little…"

"Tama! Siya ang Little Candied Plum ko! Nangako sa akin si Brother Ye na ipapakita niya sa akin si Little Candied Plum kapag nanalo ako ng Best Actor! Sinabi niya rin sa akin na papunta na dito ang diyosa ko!"

Balisang tumingin si Gong Xu sa may pintuan, pagkatapos niyang sinabi iyon.

Lumiwanag rin ang mga mata ni Tang Xing Huo at tila naging interesado siya. "Pinamangha ka talaga niya kaya araw-araw mo siyang binabanggit at tumigil ka sa kaka-party ng isang buong taon. Gaano ba ka-ganda si Little Candies Plum?"

Iritable siyang tiningnan ni Gong Xu. "Maganda? Kalokohan! Nag-aral ka ba? Sa tingin mo ba ay 'maganda' lang ang Little Candied Plum ko?"

Mahabag na nanghingi ng kaalaman kay Gong Xu. "Paano ko pala siya ibabahagi?"

Seryosong nagmuni-muni si Gong Xu. "En… sobra… sobra, sobra, sobrang ganda!"

Kumibo ang labi ni Tang Xing Huo. "Mababaw at wala ka talagang pinag-aralan…"

Sa labas ng minibus, nagyoyosi si Ye Mu Fan habang naghihintay siya.

Mabilis na nagpalit si Ye Wan Wan sa loob ng 10 minuto.

Narinig na nagbukas ang pintuan sa likod ni Ye Mu Fan.

Agad na tinapakan ni Ye Mu Fan ang yosi na nanggaling sa kamay niya bago siya tumalikod.

avataravatar
Next chapter