421 Ebidensya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napalingon ang lahat sa matandang sumabad sa old madam.

Napakunot ang kilay ni Ye Wan Wan, na nanonood lang sa gilid, nang nakitang nagsalita ang matandang nakasuot ng Tang suit.

"Ano 'yon?" pagsimangot ng old madam.

Banayad na tumingin ng malamig ang matandang nakasuot ng Tang suit kay Xu Yi bago sinabi kay old madam, "Hipag, nakatanggap ako ng impormasyon n'on, pero hindi ko pa tinitignan at napapatunayan ito, ayoko muna 'tong sabihin. Pero ngayon na naatake ang master natin, pinagsama ko ang dalawa at sa gulat ko, may hindi tama! Seryosong kaso ito at hindi ko kayang manghusga ng personal, kaya sana tignan ni hipag at ng lahat ang bagay na ito."

Nagbago ang itsura ni Ye Wan habang pinapanood niya ang eksena sa kanyang harap.

Parehas lang ito ng inaasahan niya - lumaladlad pa lang ang mga bagay tulad ng nangyari sa nakaraan.

Ang nagsasalita ay ang tunay na mastermind, Ang fourth great uncle ni Si Ye Han, si Si Ming Li!

May tatlong nakakabatang kapatid ang lolo ni Si Ye Han: ang matandang may puting balbas, si Si Ming Rong; si Si Ming Xiao na pumanaw na; at ang mastermind, si Si Ming Li.

May mataas na posisyon si Si Ming Li at makapangyarihan ito; maitutulad ang kanyang estado kay Si Ming Rong.

Sa mga abilidad ni Ye Wan Wan ngayon, kahit na alam niya na mangyayari ito, hindi niya ito napigilan...

Gayunpaman, mayroon makapangyarihan na katulong si Si Ming Li at hindi pa din alam ni Ye Wan Wan kung sino ito hanggang ngayon.

Sa nakaraan niyang buhay, hindi lang nalaman ng mga Si ang tungkol kay Si Ming Li, nalaman din nila na may kasamang misteryosong tao si Si Ming Li sa mga taon na ito.

Sayang lang dahil naghiwalay si Ye Wan Wan at Si Ye Han at umalis sa mga Si, at hindi nabunyag kung sinuman ang pinaka-mastermind nito.

Para mahuli ang salarin, nakasagupaan pa ng may sakit na old madam ang marahas na pagtataksil.

Habang pinapanood si Xu Yi, na walang alam sa kung anong mangyayari at taos-pusong umaasa na mahuli ang salarin para sa kanyang master, madiin napakuyom ng mga kamao si Ye Wan Wan nang maisip kung papaano mauuwe sa trahedya si Xu Yi sa nakaraan niyang buhay.

Maya-maya, isang kayumangging portpolyo ang nilabas ni Si Ming Li at inabot sa old madam at sa mga matatanda.

Matapos na tignan, nagdilim ang mukha ng lahat.

Nabalot ng kadiliman ang itsura ng may puting balbas na matanda, si Si Ming Rong. Matapos na inilapag ang makapal na mga dokumento, tinignan niya masama si Xu Yi na nakatayo sa gilid at pumalahaw, "Xu Yi!"

Nang mapansin ang kakaibang mga tingin ng matatanda, kumunot ang mga kilay ni Xu Yi at umabante. "Narito po!"

Kinalabog ng malakas ni Si Ming Rong ang lamesa. "Xu Yi! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka pinabayaan ng mga Si, pero tinraydor mo kami, nakikisama pa sa Murderous Blood Gang para ipapatay ang master!"

"Ano? Traydorin ang master… nakisama sa Murderous Blood Gang…" nagulat si Xu Yi sa sinabi. Maya-maya, dali-dali niyang sinabi, "Pakisiyasat po maigi ang mga sinasabi niyo, elder Rong. Bakit ko naman tatraydurin ang mga Si at ipapatay ang master! Imposible din na nagkaroon ako ng koneksyon sa Murderous Blood Gang!"

"Hmph, hindi ka susuko hangga't hindi mo nakikita ang libingan mo, huh?" hinagis ni Si Ming Rong ang mga dokumento sa mukha ni Xu Yi. "Sinabi mong wala kang koneksyon sa Murderous Blood Gang? Paano mo 'to ipapaliwanag!"

Sinundan ng tingin ni Ye Wan Wan ang mga tingin ng Xu Yi at totoo nga, may mga pira-pirasong ebidensya kay Xu Yi na pasikretong nakikisama sa mga miyembro ng Murderous Blood Gang - hindi masasagisag ang ebidensya.

Ang pinakamapaglinlang sa lahat ay hindi huwad ang mga ebidensya; totoo sila. Talagang nakisama si Xi Yu sa miyembro ng Murderous Blood Gang; hindi na ito matatanggi pa sa puntong ito...

avataravatar
Next chapter