428 Ebidensya - syempre meron ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na hindi nasiyahan ang matatanda sa sinabi ni Ye Wan Wan, totoo naman ang mga sinabi niya. Ngayon, walang laban ang mga Si sa Rosas ng Kamatayan.

Nangalit ang mga ngipin ni Si Ming Li sa malayo. Ang babaeng 'to...

"Edi, bobo ba si fourth great uncle… o may mga intensyon siya na nangangarap na masumpa habang buhay ang mga Si?"

"Sabi mo bobo ako… bastos ka ah!" punong-puno ng galit ang mga mata ni Si Ming Li.

"Kung may utak naman si fourth great uncle, ibig sabihin nito, sadya mong pinapahamak ang mga Si, 'di ba?" sabi ni Ye Wan Wan ng hindi nagbabago ang kanyang itsura.

"Ikaw…!" kumuyom ang mga ngipin ni Si Ming Li. "Hindi ako makikipagtalo sa 'yo dito. Sabi mo inosente si Xu Yi, kailangan mong magpakita ng ebidensya. Kung hindi, hindi na siya maliligtas maski ang master!"

"Ebidensya? Syempre may ebidensya ako." pinasadahan ng tingin ni Ye Wan Wan ang lahat at sabing, "Bago umalis sina Ah-Jiu at ang iba, alam ko na may gagawin ang Murderous Blood Gang sa mga Si."

Naghiyawan ang lahat sa sinabi ni Ye Wan Wan.

Alam niya tungkol dito?

Paano niya nalaman?

Kung hindi siya kasama ng kalaban, paano niya nalaman tungkol sa plano nila?

Baka ispya siya ng Murderous Blood Gang?

"Paano mo nalaman?" tanong ni Si Ming Li.

Tsk, kailangan ko makita kung paano magpapaliwanag ang batang 'to!

Talagang sisirain niya ang plano ko. Kailangan kong ligpitin 'ttong batang 'to na kala mo kung sinong nakatataas ngayon.

Tumugon si Ye Wan Wan sa harap ng lahat: "Syempre may nagsabi sa 'kin."

May nagsabi sa kanya?

Nagdududa ang lahat kay Ye Wan Wan at nagpatuloy: "Isang linggo bago umalis, may lumapit sa 'kin at sabi na papatayin si Ah-Jiu ng mga miyembro ng Murderous Blood Gang sa country B at gusto na pigilan ko si Ah-Jiu sa pag-alis. Sinabi din ng tao sa 'kin na kung hindi ko siya napigilan, kailangan kong magpanggap bilang rosas - isang organisasyong kinatatakutan ng Murderous Blood Gang."

"Binigay ng taong 'yon ang lahat ng nalalaman ko sa Murderous Blood Gang at Rosas ng Kamatayan."

Napatigil saglit si Ye Wan Wan. Sumulyap siya kay Xu Yi ay sabing, "Sa una, hindi ko kilala yung taong 'to hanggang sa binanggit niyo yung ebidensya niyo kay Xu Yi na may koneksyon sa Murderous Blood Gang. Napagtanto ko na yung taong nagbigay sa 'kin ng mga impormasyon ay yung ispya na nilagay ni housekeeper Xu sa Murderous Blood Gang. Hindi patay ang ispya at alam niya pa ang mga plano ng Murderous Blood Gang, kaya agad niyang sinabi sa 'kin 'to!"

Hindi makaimik ang mga matatanda habang nakikinig sa sinasabi ni Ye Wan Wan.

Nagbago bigla ang takbo ng mga bagay...

Yun ba talaga ang totoo?

Kahit na si Xu Yi ay gulat din.

Parang kailan lang sigurado si Xu Yi na matagal ng patay ang ispya.

Ginagawa lang 'to ni Ye Wan Wan para protektahan siya...

Sumigaw sa galit si Si Ming Li sa gitna ng katahimikan: "Kalokohan! Ang daming butas ng kwento mo!"

Kalmadong tumugon si Ye Wan Wan, " Hindi ako sigurado kung saang parte yung nasabe ko na may problema - pakitama na lang po, fourth great uncle."

Sumigaw si Si Ming Li, "Anong kalokohan 'yan! Kahit na gustong sabihin ng ispya ang ganitong klaseng impormasyon, bakit siya pupunta sa 'yo imbes na kay Xu Yi? Sino ka ba sa akala mo?"

Blanko tinignan ni Ye Wan Wan si Si Ming Li. May pagdudusta sa kanyang itsura habang tumugon, "Nagpanggap na patay na ang ispya at naglaho, syempre, dahil sa nalaman ng Murderous Blood Gang at maigi siyang sinusubaybayan, kaya paano siya makakalapit kay Xu Yi o kay Liu Ying? Ako ang mapagkakatiwalaan na tao sa tabi ng 9th master kaya natural, ako ang kinita niya."

avataravatar
Next chapter