343 Dyamante ito!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang Rise of the Dragon ay dalawang taon nang ipinagmamalaki ni Master Ouyang bilang isang obra maestro. At talaga ngang siya'y..."

Lahat ng bisita ay nagulat. Ano nga ba ang regalo ni Ye Wan Wan at gustong ipagpalit ni Ouyang Yu ang kaniyang Rise of the Dragon para dito?

Kahit si Ye Hong Wei ay may kakaibang tingin sa kaniyang mukha, pati na rin ang mga bisita sa hall.

"Haha, Old Ye, hindi ba't nasabi mo na sakin noon pa man na nagustuhan mo ang aking 'Rise of the Dragon'…." Halika at makipag palitan tayo!" Si Ouyang Yu ay nakikipag usap kay Ye Hong Wei habang ang mga mata niya ay hindi na natitiniag sa kakatingin ng bone structure. Isa sa kanila ang may tinatagong galit sa kaniyang puso.

Si Ye Wan Wan naman na pilit na nag-iisip ng solusyon ay nalilitong napalingon kay Ouyang Yu.

Uh, Sino ako, nasaan ako, at ano ang nangyari…

Ang magaling na carving master na si Ouyang Yu ay gustong ipagpalit ang kanyang "Rise of the Dragon" para diyan sa binili kong gamit sa antique market para sa isang daang yuan, paano nangyari yun?

Old Ye, napagdesisyon na, maguutos ako ng tao para dalhin sayo ang 'Rise of the Dragon' dito bukas, kapalit ng regalo mong ito. Niyakap ni Ouyang Yu ang bone structure ng napaka-higpit at mukhang ayaw niya na itong pakawalan pa.

Bilang pinuno ng Ye family, matalas magsalita si Ye Hong Wei kaya bigla niyang sinabi, "Ibigay mo sa akin 'yan."

"Ah, hindi ka na ba makikipag-palitan? akala ko ba nakakaabala ang tingin mo dito?" Malungkot na sinabi ni Ouyang Yu.

"Hindi ko muna ipagpapalit ito," Walang emosyon na sinabi ni Ye Hong Wei.

"Ikaw…. Bakit napaka-kuripot mo? Hindi ba pwede na ang 'Rise of the Dragon' at 'Peacock Flies Southeast' ang ibigay ko sayo bilang kapalit?!" Kinaskas ni Ouyang Yu ang kanyang mga ngipin sa sobrang gigil.

"The Peacock Flies Southeast?!"

Umalingawngaw ang pagkagulat sa main table.

"Ang Peacock Flies Southeast" ay isa sa mga masigasig na ginawa ni Ouyang Yu. Hindi man ito kasing ganda ng 'Rise of The Dragon', pero kakaiba pa rin ang itsura nito.

"Old Ye, huwag mong ipagpalit ito sa kaniya. Ang matandang ito ay hindi pa nakakaranas ng pagkatalo kahit noon!" Si Professor Li Yue ay ang unang nakapansin kaya agad niya ring ipinaalala ang kaniyang kaibigan.

"Walang makikipag palitan", Matapang na pag sabi ni Ye Hong Wei

Nabigo at nawalan na ng gana si Ouyang Yu na maibalik ang bone structure kay Ye Hong Wei nang marinig niya ito. Makikita sa kanyang mga mata na ayaw niyang mahiwalay sa bone structure.

Sa pagsunod kay Ouyang Yu ng may pag antu-bili na naka ukol sa bone structure, pero naibalik niya parin ito kay Ye Hong Wei at mga matatanda sa main table at sinimulang suriin ang bone structure

Nakakaawa pero hindi pa rin nila masabi kung ano talaga iyon.

Kahit si Ye Hong Wei, na sanay at matalino, ay hindi pa rin siya makaisip ng rason kung bakit ito mahalaga.

"Old Ye, ang apo mo ay tapat… ang regalo na galing sa kanya ay isang obra maestra," Hindi maiwasang sabihin ito ni Ouyang Yu.

Sa oras na ito, nagdadalawang isip si Ye Wan Wan sa mga nangyayari-- hindi kaya namalikmata ang great carving master dahil malabo na ang kanyang mga mata, 'di ba…?

"Old Ouyang, ano nga ba ang binigay ni Wan Wan sa kaniya? Hindi ko rin masabi kung ano ang bagay na pinagtatalunan ninyo," nagtatakang sinuri ni Zhou Qing Gang.

Napatingin din sa kanila si Ye Hong Wei nang marinig niya iyon.

Sinindihan ni Ouyang Yu ang kaniyang sigarilyo at humithit siya ng matagal bago mag salita, "Mula sa pagkakagawa at ang propesyonalismo, maari kong masabi na maganda ang buto na ito. May kakaibang implikasyon ang buto, dahil na rin sa praktisadong paraan sa paggawa at ang klase ng buto na ito. Kakaiba talaga ang butong ito. Ito ay gawa ng isang napakahusay na craftsman noong sinaunang panahon sa Roma, ito ay inilalagay sa mansyon ng hari para dumaloy ang kaswertehan at maalis ang mga masasamang espiritu."

Nagaalangan rin si Ouyang Yu. "Hindi ko rin kasi masabi kung saan ito gawa, pero sa palagay ko hindi ito peke dahil sa paraan ng paglililok nito. Para sa akin, nakikita ko ito bilang isang napakagandang dyamante.

"Oh?"

Pagkatapos ni Ouyang Yu sabihin yun, sinuri muna nila ang buong buto, bago nagkaroon ng tsansa si Ye Hong Wei na makapagsalita.

Ang galit at ang pandidiri sa kaniyang mga mata ay tila nawala at napalitan ito ng katiting na gulat.

At habang sinusuri ito ni Ye Hong Wei, bigla niyang napansin na ang bone structure ay binabalot ng malakas na espiritu.

avataravatar
Next chapter