756 Dumating na ang taong hinihintay niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumigaw ang galit na shop assistant, "Leche! Naghahanap ng awayo kayong mga mokong, huh?"

Hindi napigilan na matawa si Huang Shi Xin nang mapanood niya ang mala-drama na nangyayari sa harapan niya. "Boss Hou, huwag mong sayangin ang oras mo sa mga baliw na 'yan. Pag-usapan na lang natin ang magagandang produkto mo!"

"Ibenta mo na lang sa akin ang mga ito? Tutal, ayaw naman na ito ng Si family. Alam ko naman na maraming nakapila para magandang mga produkto mong ito, pero boss Hou, kailangan mong malaman na seryoso ako at ibibigay ko ang presyo na ika-gagalak mo!"

Dahil ito na ang tamag panahon, inilantad na ni Huang Shi Xin ang tunay niyang mga intensyon kaya sinenyasan niya ang kanyang tauhan.

Lumapit ang mga lalaking nakasuot ng itim na nanggaling sa likuran niya. "Click click click." Binuksan nila ang ilang mga malalaking suitcases. Sa loob nito ay punong-puno ng American dollars.

Binibigay kaagad ang bayad sa kalakalan ng mamahaling mga bato - okay lang ang cheque o transfer of funds, pero marami sa mga business man ang mas gustong dinederetso ang cash kapag oras na ng bayaran.

Si Huang Shi Xin mismo ang naghanda ng pera - halata naman na handa siya para dito.

Walang magawa ang tatlong eksperto ng Si family. "Deputy director Xue, ano nang gagawin natin ngayon? Tawagan ba natin ang HQ?"

Lumaki ang mga mata ni Xue Li. "Hindi na. Wala tayong kinalaman sa desisyon ng babaeng ito…"

Nagtinginan silang tatlo at mukhang naintindihan nila ang gustong iparating ni Xue Li.

Desididong pinirmahan ni Huang Shi Xin ang bill dahil pinakita ni Xue Li na suko na siya.

Sa ngayon, si Huang Shi Xin na ang may ari ng mga magagandang produkto na ito at wala na silang magagawa na makapagbabago ng sitwasyon.

Nag-alala si Eleven dahil nakita niyang binibili na ni Huang Shi Xin ang mga magagandang produkto. "Miss Wan Wan, si Huang Shi Xin na ang may ari ng mga magagandang produkto, ano nang mangyayari sa misyon…?"

"Hindi tayo nagmamadali…" kalmado lamang si Ye Wan Wan at parang may hinihintay pa siya.

"Hoy, bakit wala pa rin kayong binibili dito?" Hindi na makapagtimpi ang shop assistant ng Hui Cui Workshop.

Wala nang tsansang makuha pa ni Huang Shi Xin ang mga magagandang produkto noong una, ngunit sa huli, nakuha niya ang gusto niya. Tuwang-tuwa siya at ngumiti siya sa shop assistant. "Haha, 'wag kang magalit. Hayaan mo silang manatili dito! Gusto kong makita nila kung paano ko nabili ang top-grade jadeite na nanggaling sa store ni boss Hou!"

Nagmayabang si Hou Maofeng, "Ah Cai, dalhin mo dito ang pinakamagandang gemcutter natin!"

Pwede maghanap ng gemcutter ang namimili, pero marami sa kanila ang nagpapahiwa ng mga bato sa gemcutter ng tindahan.

"Opo, boss!" Umakyat ng hagdan ang shop assistant.

May mga naki-tsismis na mga tao sa labas ng store dahil nagkaroon ng kaguluhan dito.

Nag-aalala sa isang gilid si Eleven habang masayang nag-uusap sila Huang Shi Xing at Hou Maofeng.

Biglang may pumasok na magly gulang na lalaki na nakasuot ng grey changsan. Naglakad siya papasok ng tindahan habang may batang assistant siyang nagtutulak ng trailer ng mga bato.

"Boss Huang! Dinala ko ang mga materyales na nagustuhan mo!" Nag-bow ang lalaking nakasuot ng kilay grey at nagpakumbaba siya nang pumasok siya sa store.

Bago pa makapagsalita si Huang Shi Xin, tumaas ang mga kilay ni Hou Mao Feng at nangasar siya, "Ah, ano ang tingin mo sa akin, huh? Hindi ba't ayan si Boss Wan, ang may ari ng Glittering Jewels Pavilion? Anong nangyari? Nagbebenta ka na pala ng bato sa Hui Cui Workshop ko, huh?"

Nag-iba ang itsura ng lalaking naka-kulay grey nang marinig niya ang pangangasar ni Hou Mao Feng at patuloy niyang kinausap si Huang Shi Xin, "Boss Huang, gusto mo bang inspeksyonin ang mga produkto?"

avataravatar
Next chapter