37 Dumating na ang dakilang demonyo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng klase.

Walang kaganga-ganang bumalik ng hostel si Ye Wan Wan.

Matibay na ngayon ang relasyon namin ni Si Ye Han. Paano na 'to?

Nasa probasyon pa rin siya kaya hindi niya pwedeng tanggihan ang role niya. Ang tanging paraan lang na pwede niyang magawa ay pilitin si Si Xia na makiusap na palitan siya.

Hmm, bibigyan ko siya ng sorpresa bukas. Hindi pa naman natatanggal makeup sa dibdib ko!

Nagisip ng diskarte si Ye Wan Wan habang dala-dala ang damit niya sa banyo.

Pagkatapos niyang tanggalin ang makeup at maligo sa maligamgam na tubig, naramdaman niya nag malaking pagbabago sa sarili.

"Wow~ Sino 'tong maganda na nakikita ko? Repleksyon ko pala. Ano ba 'tong malamig na bagay na nakaikot sa leeg ko, 'yung gold necklace ko pala na nasa 2,000 dollars ang halaga. Salamat, Lord! Araw-araw puno ang puso ko ng pasasalamat sa inyo pagkagising pa lang sa umaga, hindi ko talaga mapigilan sarili ko. Oo, hindi ko kailangan ang sinuman~~~"

Kumanta si Ye Wan Wan, nagpatuyo ng buhok, at naginat ng mga braso para buksan ang pinto ng banyo.

"Ang kaakit-akit na babaeng katulad ko~ang cute na babaeng tulad ko~maraming lalaking nakapila para ligawan ako, tulad ng Milky Way na hindi na mabilang...Yeah…"

Nang itinulak na niya ng pinto para mabuksan, nanlamig bigla ang ekspresyon ng mukha ni Ye Wan Wan.

Mula sa luma ngunit bagong barnis na upuan, naroon ang isang lalaki na nakaupo malapit sa mesa.

Nakadantay ang lalaki na parang tinatamad na gumalaw sa gilid, nakahawak ang maputi at payat na daliri sa papel na nakuha niya ngayong araw. Makikita sa gilid ng leeg ang makinang na silver stripes na kwintas na suot-suot niya. At ang mga mata niya'y malalim na nakatitig na parang walang hanggang nakabaon ng mahabang panahon.

Tila nagbago ang paligid sa loob ng hostel ng ordinaryong babae. Naging parang 18-storey na impyerno kasama ang sandaang aparisyon na bumubulong at mula sa kinauupuan ng lalaki, nagiba ang hitsura ng upuan. Mula sa luma ngunit bagong barnis na upuan, na ngayo'y nag-anyong upuan ng hari ng dragon na may nakapalupot na isang malaki at maitim na sawa...

Si...Si Ye Han!!!

Bang--agad na nakalabog ni Ye Wan Wan ang pintuan ng banyo.

Naiba ata 'yung pagbukas ko ng pinto!

Paano ito nagmukhang impyerno ng saglit lang!

Isang segundo lumpipas...

Dalawang segundo...

Tatlong segundo na ang lumipas...

Bumilis bigla ang tibok ng puso ni Ye Wan Wan. Nag-iba bigla ang daloy ng dugo sa katawan niya at tuluyang nablangko ang utak.

Pagkatapos ng ilang minuto, napahinahon niya ang sarili at marahang binuksan ulit ang pinto.

Sa huli, lalo siyang nasindak sa unang talim ng tingin!

Hindi lang nanatili sa kinauupuan si Si Ye Han, maging ang ekspresyon niya'y lalong nakakatakot matapos niyang makitang pagsarhan siya ng malakas ng pinto. Nabalot ang buong hostel ng takot at titig ng matatalim na mga mata. Kita niya lalo ang kulay asul na nagliliyab smula sa ulo ng nakakasindak na demonyo.

Tulong--

Unang naging reaksyon pa lang ni Ye Wan Wan ay tumakbo na agad papunta sa pintuan!

Ngunit nang mahawakan na niya ang lock ng kandado ng pinto, nabalik siya sa kanyang ulirat matapos ang matinding takot na naramdaman--pero hindi siya makatabo!

Damn! Ano nang gagawin ko ngayon!

Tumulo ang pawis sa noo ni Ye Wan Wan at hindi na siya makapagisip ulit pa ng matino.

Mabilis niyang inikot ang kandado sa ibang direksyon at agad na kinandado ang pintuan.

Matapos na huminga ng malalim, pinigilan ni Ye Wan Wan ang takot sa kanyang mga mata. At saka lumingon at pumunta patungo kay Si Ye Han...

Sa ilalim ng matatalim na tingin na halos manginig ang kalamnan niya sa lamig, huminto sa harap niya si Ye Wan Wan. Kumandong sa kanya, inipinalupot ang mga braso sa leeg at hinalikan ang kasing lamig ng yelo na labi niya...

avataravatar
Next chapter