765 Drastikong pag-angat?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ingatan mo 'yan - dahan-dahanin mo ang pagpunas mo!" sinabihan ni Hou Maofeng ang gemcutter.

Napakahalaga ng proseso ng pagbubukas ng mga bato - kapag hindi ito nagawa ng maayos, maaaring mawarak ang bato na may magandang kalidad.

Tumango ang gemcutter. Nagaalala pa rin siya kahit ekspertong gemcutter na siya.

Siyempre, nag-aalala siya dahil sobra siyang nasasabik; sisikat at magiging kilalang gemcutter siya kapag nakahiwa siya ng bato na mataas ang kalidad.

Tiningnan ng mga tao ang maliit na bintana ng bato at nakita nila ang magandang kulay green na nasa loob nito kaya nagsimula silang mag-komento.

"May quality glass-type jade ito. Ang ganda rin ng kulay nito!"

"Makikita naman at hindi na kailangang sabihin! Kailangan kulay berde ang jade at ang kulay nito ay kulay ng berdeng mansanas - pangalawa lamang ito sa nangungunang imperial jade!"

"Kapag mas magandang kulay na berde o emerald green ang kulay ng nilalaman nito, ang halaga ng maliit na piraso ay… tsk tsk…"

"Ang maliit na piraso? Kalokohan ang pinagsasabi mo! Ang presyo ng mataas na kalidad ng jade ay naaayon sa bigat nito; Noong pumunta ako ng Hong Kong noon, nakakita ako ng isang piraso ng maliit na singsing at binebenta ito sa auction sa halagang 20 million Hong Kong dollars! Ilang taon nang walang nakukuhang emerald green jade ang city H!"

Nakadepende sa kulay, uri at transparency ang kalidad ng jade.

Ang "uri" na sinasabi ay naaayon sa kayarian at komposisyon nito - mas translucent at bato kapag mas maganda ang kalidad nito. Ang mga terms na ginagamit sa market ay mala-glass, mala-yelo, mala-wax, parang bean at iba pa; ang pinakamaganda sa lahat ay ang mala-glass. Maliban pa doon, Ang mga bato ay kinukumpara sa "lumang" klase at "bagong" klase. Mas mataas ang presyo ng "lumang" klase kaysa sa "bagong" klase.

Para naman sa transparency, kahit na sinabi nila na mas mataas ang kalidad ng jade kapag mas transparent ito, madalas na naaapektuhan ng transparency ang looban ng jade. Ang ibig sabihin nito ay kahit na malinis o malabo ang labas, dito malalaman ng mga tao kung ano ang nilalaman nito. Kapag mas transparent, mas malaki ang presyo. Halimbawa, ang mala-glass na uri ng jade ay mas transparent.

May iba't ibang kulay ng jade, madalas na naaapektuhan ng iba't ibang kulay ang presyo ng halos tatlong patong. Ang berdeng jade ay nahahati sa iba't ibang klase tulad ng emerald green, apple green, greenish-blue at marami pa. Sa lahat ng ito, ang emerald green, na kilala sa tawag na imperial green, ang pinakamahal na uri.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit nasasabik ang mga tao kahit kulay palang ang nakikita nila.

Matapos nito, sinimulan nang hiwain ng gemcutter ng Hui Cui Workshop ang jade...

Sinundan ng gemcutter ang gilid at ang outer layer. Ang mga mata ng lahat ay nakatutok at hindi sila kumukurap, natatakot sila na baka may malaktawan sila sa pinapanood nila.

"Tubig!" sumigaw ang gemcutter.

Mabilis na kumuha ng tubig ang assistant para hugasan ng ibabaw ng bato at inilantad sa lahat ng tao ang parte na hiniwa...

Nadismaya ang mga tao nang makita nila ang nilalaman ng bato.

Tunay na mahirap na makakuha ng imperial jade.

Patuloy na hiniwa ng gemcutter ang bato at dahan-dahan niyang pinunasan ang ilang bahagi ng dambuhalang bato.

Sa huli, mas lalong nagiging sabik ang mga tao.

Kahit hindi ito imperial jade, ang ilang bahagi na pinunasan ang berde...

Anong ibig sabihin nito?

Ang ibig sabihin nito ay baka punong-puno ng jade ang dambuhalang bato!

"Okay na rin ito kahit hindi ito imperial jade. Gayunpaman, hindi naman madaling makakuha ng imperial jade."

"Tama! Ito ay dambuhalang bato. Magkano kaya ito kung punong-puno ito ng jade?"

"Pinatunayan na naman ng Hui Cui Workshop ang sarili nila - napakahusay nila!"

Ang mga mata ng mga manonood ay lumiliwanag.

Sa oras na ito, Tiningnan ng masa ni Xue Li si Ye Wan Wan at kinaskas niya ang kanyang mga ngipin sa sobrang galit. Punong-puno na ng galit ang saloobin niya. Kung hindi lang umentra ang babaeng ito, ang batong ito na may mataas na halaga ay nasa amin na sana!

"Kuntento ka na ba ngayon, Miss Ye? Paano magkakamali ang pinili at sinuring bato ni Director Qin?!"

Umiling ang ulo ng mga eksperto ng Si family dahil nagsisisi sila. "Ay, nakakaawa. Kung huhusgahan natin ang sitwasyon ngayon, tataas ang halaga ng materyal na ito ng halos sampung patong pa, at dahil maraming berdeng parte ang bato, baka isandaang patong pa ang magiging presyo nito…"

"Hahaha, Miss Ye, kailangan kitang pasalamatan sa lahat ng ito!" nginitian ng hanggang tenga ni Ye Wan Wan si Huang Shi Xin nang marinig niya ang mga komento sa paligid niya.

Nginitian rin siya ni Ye Wan Wan. "Mag-ingat ka, baka walang laman 'yan kapag hiniwa niyo 'yan!"

avataravatar
Next chapter