273 Diskarteng tulad nito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napilitan ng tapusin ang press conference dahil sa pabago-bagong emosyon ni Zhao Da Yong.

Hirap din makausad si Mr. and Mrs. Zhao dahi sa nagkukumpulan ang mga reporters sa entrance ng Imperial City Grand Hotel.

"Mr Zhao, dahil sa insidenteng ng panggagahasa sa sarili mong anak, meron ka bang nais sabihin?"

"Mrs. Zhao, alam mo ba ang tungkol dito?"

"Maliban sa iyong anak, ginawa mo din ba ito sa ibang mga bata?"

...

Ang nakakasilaw na mga ilaw na nakapaligid sa kanila at samahan pa ng mga baliw na reporters na nagtatanong ng lahat ng klase na nagsasakdal na mga tanong, samahan pa ng mga maraming tao na nag tutulakan na medyo ikinahilo ni Zhao Da Yong. Nasagi niya ang ilan sa mga camera.

Sinasabi lang ni Li Qiao Hong na wala siyang alam na kahit ano at wala siyang ideya.

Galit na galit si Zhao Da Yong sa na halos sasabog na ang kaniyang baga, nang marinig niya ang mga walang katotohanang mga tanong, "Kalokohan! mapanirang-puri! Ito ay paninira lang! Sinisiraan lang ako ng reporter na iyan! Hindi ako pedophile! At hindi ko gagawin ang ganong bagay sa aking anak! Nababaliw na ba kayong mga reporters? Paano ninyo pinaniniwalaan ang mga ganitong bagay!"

"Kung ganoon, paano mo maipapaliwanag ang mga pinost mong komento online? Hindi ba kayo ang nagsabi ng mga malalaswang bagay sa limang taong gulang na bata at binnataan mo na gahasain ang anak ng netizen?"

"Nag...Nagsalita lang ako ng hindi nag-iisip… hindi ko naman talaga ginawa iyon…"

"Ano naman ang tungkol sa pahayag ng iyong mga kapitbahay--paano mo ipapaliwanag ang mga iyon?"

"Ang lalaking iyon ay may galit sa akin at sinubukan niya akong pagbintangan! Maraming beses ko ng ipinaliwanag iyon! Ilang beses niyo pa bang gustong ipaliwanag ko ito?"

"Posible na magkaroon ka ng kagalit sa isa sa mga kapitbahay mo, ngunit ano naman ang tungkol sa iba mong kapitbahay? May mga hindi maikakailang ebidensya dito at patuloy mo pa din ikinakaila ito?"

"Tang*na!"

"Walang masabi, ha? Sinasabi mo ba na pinag-samantalahan ni Han Xian Yu ang iyong anak na nagkukunwari na siya ay mapagkawang-gawa ngunit ang totoo ay, binibenta mo mismo ang iyong anak sa kanya, tama?"

"Ibibenta ako ang iyong ama!"

"At pinagbibintangan mo si Han Xian Yu para sa kapakanan ng pera?"

...

Galit na galit na nag tatanong ang media kay Zhao Da Yong ng tila bigla nabaling ang atenyson nila sa ibang bagay; agad silang napatingin sa ibang direksyon.

Paalis ng hotel si Gao Feng.

"Reporter Gao, Pinagdududahan mo na ba si Zhao Da Yong sa simula pa lang?"

"Gumagawa lang naman ako ng makatwirang palagay sa impormasyong ipinakita sa akin."

"Kung gayon, Reporter Gao, Maari ko bang malaman ang iyong opinyon sa marahas na pagbabago ng pangyayari?"

Napatingin si Gao Feng kay Yan Zheng Yang, na panget ang itsura sa mga sandaling ito, at dahan dahang sumagot, "Tinagnan niyong maigi at ilantad niyo ang katotohanan sa publiko. Ginagawa ko lang ang dapat; naniniwala ako na laging mananaig ang katotohanan!"

Sa sandaling marinig ang pangungutya ni Gao Feng, Napadura ng dugo sa galit si Yan Zheng Yang.

Sa mga oras na ito, sinusubukan niyang ayusin ang hindi makatarungang ginawa ni Zhao Da Yong na kunwaring matapat na bayani, ngunit matapos ang ginawa ni Gao Feng, nawala na ang kaniyang reputasyon at naging kasabwat na kupkupin ang bastardo na si Zhao Da Yong.

Pinanuod ni Yan Zheng Yang na ilantad ang lahat at sinubukan na humanap ng pagkakataon para sumabat, upang magpaliwanag at baligtarin ang sitwasyon, para kontrahin ang walang katotohanan at hindi kanais-nais na ebidensya na binigay ni Gao Feng.

Gayon pa man, walang kahit isang tao ang may pakialam sa kanya.

Ang atensyon ng lahat ay nasa kumakalat na balita tungkol sa ama na pinag-samantalahan ang sarili niyang anak.

Matapos ang lahat, kumpara sa dating balita na pang gagahasa ni Han Xian Yu sa batang babae na ito, ang nakakagulat pa sa pangyayaring ito ay ang ama ng babae, na planong idemanda si Han Xian Yu, ay talagang isang pedophile na mas lalong nakakaagaw ng pansin.

Alam na alam ng media kung aling balita ang mas nakakaagaw ng pansin.

Kailan lang ay kontrolado niya ang sitwasyon, hindi niya inakalang magiging magulo ang lahat.

Nangyari ang lahat ng ito dahil sa Mars Weekly, hindi ba't pasara na ang media outlet na ito?

O… merong isang taong nagbibigay ng lahat ng ito ng patago?

Sino kaya itong taong napakamakapangyarihan na nakagawa ng diskarteng ito...

avataravatar
Next chapter