622 Dinala dito para panoorin ang ganitong bagay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos na hilahin ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan sa baba, tinulak niya ito sa loob ng kotse at sinara ang kotse.

"Ye Wan Wan, tumigil ka nga sa pagiging hindi makatwiran mo! Palabasin mo ako!" galit na sumigaw si Ye Mu Fan at napansin ang mamahaling kotseng inuupuan niya. "Paano mo nakuha ang ganitong kotse?"

Sa sahod ni Ye Wan Wan, paano siya nakabili ng ganitong kamahal na kotse?

Naghihinala na siya simula nang malaman tungkol sa bahay. Kailan pa siya nagkaroon ng kaibigan na Ye Bai? Bakit siya papautangin ng ganoong kalaking pera para makuha ang bahay?

Malamig ang tono ni Ye Wan Wan. "Manahimik ka."

Hindi na nagsiyasat pa si Ye Mu Fan, pero mabilis na bumaba ang temperatura sa kotse na bumahin pa siya at napilitang manahimik...

Maya-maya, dumating ang kotse sa isang mamahaling hotel sa bagtasan ng Imperial City at city C.

Tinantya ni Ye Wan Wan ang oras. Base sa kanyang pagmamaneho, mauuna sila dumating kaysa kay Shen Meng Qi.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang kanyang telepono at minensahe si Gao Fei: [Nakarating na ba sina Shen Meng Qi at He Jun Cheng sa kwarto nila?]

Mabilis na sumagot si Gao Fei: [Hindi pa. Papunta pa din sila, pero malapit na sila makarating.]

Ye Wan Wan: [Sige, kuha ko.]

Matapos na sumagot kay Gao Fei, hinawakan ni Ye Wan Wan ang kanyang telepono, binuksan ang pintuan ng kotse at mabilis na hinila si Ye Mu Fan sa hotel.

"Ye Wan Wan! Baliw ka na ba? Masyado kang palihim diyan - ano ba ang ginagawa mo?"

Kahit gaano pa ang pagsigaw ni Ye Mu Fan sa kanya, nanatiling tahimik si Ye Wan Wan at dumeretso sa taas gamit ang kopya na hotel card. Tagumpay siyang nakapasok sa tagpuan nila Shen Meng Qi at He Jun Cheng.

"Bakit mo ako dinala dito?"

Pinasadahan ng tingin ni Ye Wan Wan ang kwarto at huminto ang tingin niya sa balkonahe salungat sa kwarto. Mabilis siyang lumapit, at binuksan ang sasalaming pintuan at tinulak si Ye Mu Fan sa balkonahe.

Mula sa puwang ng puting kurtina, malinaw nilang nakikita ang sitwasyon sa kwarto.

"Ye Wan..."

Hindi na napigilan ni Ye Mu Fan. Marahas na sana siyang sisigaw, pero agad natakpan ang bunganga niya ni Ye Wan Wan. "TUMAHIMIK KA!"

Tama ang mga nalalaman ni Gao Fei.

Sa isang sandali, may "ding" at binuksan ng tao ang pinto at sunod ng katahimikan sa kwarto.

"En..."

Sa may pintuan, may malakas na tili mula sa isang babae kasunod ng hindi malinaw na mga tunog na alam ng mga nakakatanda kung ano ang nangyayari.

Matapos mapagtanto ni Ye Mu Fan kung anong ginagawa ng magkasintahan, nag-umpisa na siyang mamutla at tinignan ng masama ang kapatid niya.

Hindi naman sa malinis siya at mahiyain pero ang sarili niyang kapatid ay nandoon sa sandaling 'yon.

Inalis ni Ye Wan Wan ang kamay sa kanyang bibig at agad na bumulong si Ye Mu Fan, "Ye Wan Wan, may mali ba 'yan utak mo?! Bakit mo ako dinala dito para panoorin ang ganitong bagay?!"

Palakas ng palakas ang mga tunog pero walang bahala pa din ang itsura ni Ye Wan Wan. "Bakit masyado kang nag-aalala?"

"Ikaw…" gustong magsalita ni Ye Mu Fan pero biglang naging blangko ang mukha niya.

Bakit parang pamilyar ang babae?

"Ah... Jun Cheng..."

Jun Cheng? He Jun Cheng?

At parang… parang kaboses niya si...

Meng Qi?

He Jun Cheng at... Meng Qi…

Paa… paano 'to nangyari...

Baka mali lang ako ng dinig...

"Meng Qi, napakaganda mo…" Hinawakan ni He Jun Cheng ang katawan ni Shen Meng Qi at binuhat ito sa kanyang bewang.

Habang papalapit ang mga yapak, pumasok ang dalawa sa kwarto...

avataravatar
Next chapter