1162 Dinaanan lang ang 100 million yuan!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napunta ang atensyon ni Hou Chong Liang sa phone ng kanyang junior assistant nang makita niya na seryoso na ito.

Makikita sa livestream na inimbitahan ng host si Gong Xu at Luo Chen sa entablado para tanggapin ang parangal...

Napakalakas ng kapangyarihan ng kasikatan nila Luo Chen at Gong Xu, at makikita ito kahit sa screen. Nakatayo sila sa mga magagandang ilaw at sinasabi nila ang kanilang acceptance speech...

Napanalunan nila ang Best Actor!

Napanalunan nilang dalawa ang Best Actor!

Tulirong nagsalita si Hou Chong Liang, "Pwedeng mapanalunan ng dalawang aktor ang Best Actor ng Golden Orchid Awards?"

Emosyonal na sumagot ang junior assistant, "Hindi pa nangyayari ito noon! Ito ang unang beses na nanagyari ito sa history! Lalo na si Gong Xu! Galing siya sa pinakapangit na aktor sa entertainment industry hanggang sa nanalo siya ng Best Actor. Lubha siyang naging mahusay, sinabayan pa ng Weibo post niya na kakain siya ng tae kapag hindi niya nakuha ang Best Actor– sobra silang sumisikat ngayon!"

Tinitigan ni Hou Chong Liang ang phone screen at muntikan nang lumuwa ang kanyang mga mata. "Paano… paano nangyari ito…"

Sumagot ang junior assistant, "Hindi rin ako makapaniwala. Napatalon ako sa sobrang takot noong narinig ko ang pangalan ng dalawang ito. Masyadong mahusay yung manager Ye Bai nila! At tsaka, lahat ng newspaper at balita bukas ay paniguradong sasabog dahil dito…"

Hindi kayang gumawa ng malaking usapan sa industriya sila Cui Ming Qian at Pei Heng kumpara sa dalawang ito!

Lalong nagalit si Hou Chong Liang sa pagkakataon na ito. Tinanggal niya ang script nila Gong Xu at Luo Chen para masilbihan niya ang Emperor Sky Entertainment at si Ling Shao Zhe. Sa huli, dinelete niya pa kamo ang recorded na eksena ng dalawa...

"Punyeta! Paano nangyari ito?!" Muntikan nang magalit si Hou Chong Liang sa sobrang pagsisisi.

Malungkot na bumulong ang junior assistant, "Kung sinunod lang natin ang orihinal na plano, susunod ang episode ng linggong ito sa kasikatan ng Golden Orchid Awards. Mangunguna sana tayo sa ibang mga media outlets… tataas ang ratings ng ating episode… sayang talaga…"

"Manahimik ka! Ngayon ka nagsasalita kung kailan tapos na! Kung, kung, kung ka ng kung, walang kung!" Umangat ang pagsisisi sa buong katawan ni Hou Chong Liang; mas lalo sitang nalungkot noong naisio niya na dinaanan niya lamang ang 100 milyon na yuan.

Magandang oportunidad sana ito!

Ngunit hindi na nila ito mababalik kahit na gumastos pa sila ng 10 hanggang 100 beses!

"Oo nga pala, yung 10 minuto! hindi ba't may 10 minuto tayo na ni-record na eksena nila?" Mabilis na tinanong ni Hou Chong Liang.

Sumagot ang junior assistant, "Eh, Director Hoy, deleted ang 10 minuto na iyon dahil sinabi mo…"

Umungol si Hou Chong Liang, "Kung deletes na ang mga ito, hindi ba natin pwedeng ma-recover ito? Wala bang kopya nito? Sampung minuto! Hindi pwedeng mawala ang kahit isang minuto nito! Ibalik niyo ito sa akin! At tsaka, dalian mo at tawagan mo si Ye Bai para ma-boom sila sa susunod na episode! Gusto ko na pumunta doon sila Gong Xu at Luo Chen!"

Unti-unting lumaki ang ulo ng junior assistant noong narinig niya ito.

Nagkakandarapa siguro ang iba't-ibang mga tao para ma-contact ang Age of Immortals para makipag kompitensya sa kanilang unang pagkakataon na sila ay sumabog sa kasikatan! Nasira sila sa Age of Immortals; paano nila ma-bu-book ang Age of Immortals...

Hindi lang sila ang nag-iisa. May mga tao rin na gustong mamatay na mas malala pa kay Hou Chong Liang.

Iyon ang direktor ng reality show na Hot-blooded Adventure, si Feng Ke...

"Punyeta! Walang kwenta na ang lahat!!!" Sinira ni Feng Ke ang TV noong narinig niya ito sa sobrang galit.

Sinubukan siyang i-comfort ng direktor na nasa tabi niya. "Ah, Old Feng! Kumalma ka! Kumalma ka!"

Hinawakan ni Feng Ke ang kanyang dibdib. Nahilo siya sa sobrang galit at naramdaman niya na parang uubo siya ng dugo. "P*ta! Tinanggihan ko ang dalawang Best Actors! Paano ako kakalma doon???"

Alam ng lahat na sisikat ang dalawang Best Actor. Halos lahat ay pinaglalabanan ang magandang oportunidad na ito at gusto nilang makasama sa agos ng kanilang kasikatan.

avataravatar
Next chapter