715 Depende sa swerte natin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nasa mahirap na posisyon ngayon si He Jun Cheng. "Meng Qi, 'wag ka masyadong umasa. Itong bagong hirang na vice-chairperson ay may kakaibang personalidad - hindi siya nagpapabayad ng sentimo sa pag-iistilo ng mga artista sa Dazzling Media, pero ang mga tao sa labas ng Dazzling Media, pati ang mga galing sa Worldwide, ay nakadepende sa kanyang mood at pwede siyang magpabayad ng mataas na presyo!"

"Kahit na, may mahabang pila ng mga tao ang nakikiusap sa kanya; sobrang hirap niyang makuha. Alam ko si direktor Zheng ng Fashion Association, at baka pwede tayong manghingi ng tulong mula sa kanya, pero depende pa din sa swerte natin kung makukuha natin siya o hindi…"

Kumunot ang mga kilay ni Sheng Meng Qi. "Stylist lang naman siya - kailangan niya bang maging arogante…?"

Nang marinig siya ng isang stylist mula sa Assembly of Stars, mabilis nitong sinabi, "Big missy, hidni mo dapat minamaliit ang importansya ng isang stylist. Sa entertainment industry, ang pananaw ng isang artista at istilo ay buhay o kamatayan sa kanila. Mahirap makahanap ng magandang stylist sa industriya, pati na din si Felix na kayang pagandahin ang isang bulok bagay. Siya ang paborito ng lahat - maski ang mga superstar at mga A-lister ay nagpapakumbaba sa kanya!"

Sang-ayon na tumango si He Jun Cheng. "Oo, tama iyon…"

Sa sandali ito, may isang kaguluhan ang nangyayari sa malapit. Dumating na si direktor Zheng ng Fashion Association.

"Meng Qi, nandito na si direktor Zheng! Dali!"

Matagal na nag-antay si He Jun Cheng bago pa siya makasingit sa mga tao at dinala si Shen Meng Qi para batiin ang direktor.

"Direktor Zheng, hello, hello. Ako si He Jun Cheng mula sa Assembly of Stars Entertainment. Nagkakilala na tayo dati!"

Bahagyang tumango si direktor Zheng saka inangat ang hawak na baso. "Head stylist He. Hindi pa kita nababati sa pagiging nominado mo sa Hundred Flowers award ngayon! Maganda ang gawa mo! Maski ang chairperson mismo ay pinuri ang gawa mo!"

"Salamat, salamat, direktor Zheng. Ang bait niyo po!" ngumiti si He Jun Cheng at nakipagpalitan muna ng bati sa direktor bago dumeretso sa kanyang larangin. "Direktor Zheng, tanong ko lang… nandito na ba ang vice-chairperson? Tungkol sa bagay na tinanong ko sa 'yo noon - ano sa tingin mo? Matatanong mo ba siya para sa akin?"

Umiling si direktor Zheng. "Tanungin si Felix? Sa susunod na buwan na ang pagbubukas ng Fashion Week sa Lorraine at halos lahat ay hinahanap siya - kung artista 'yan mula sa Dazzling Media, madali lang siguro, pero kapag sa ibang kumpanya…"

Tinignan siya ni direktor Zheng na tila bang dapat lahat ay nakakaalam nito at tinapik ang mga balikat ni He Jun Cheng. "Maswerte ka na lang kung nakausap mo siya kahit saglit ngayong gabi. Bigyan mo lang ng oras!"

Agad na sinabi ni He Jun Cheng, "Sige, sige, sige, hindi naman kami nagmamadali. Sana po ay maganda kayong masabi para sa amin mamaya…"

Magsasalita pa lang sana si direktor Zheng nang biglang tumunog ang kanyang telepono, mabilis siyang gumilid para sagutin ang tawag, para bang magalang kung magsalita.

"Ay, hello vice-chairperson, nandito ka na ba? Ano? Paano 'yan nangyari? Malala ba? Ayos ka lang ba? Oh, buti naman, basta ayos ka lang. Hindi naman problema ang damit. Personal pa kita hahandaan no'n… Sige sige sige…"

Mabilis na lumingon si direktor Zheng kay He Jun Cheng at sa iba matapos ang tawag, "Lahat kayo, may kailangan akong gawin ngayon. Ipagpaumanhin ko muna ang aking sarili!"

"Sige, sige, gawin mo lang ang gagawin mo!" agad siyang pinaraan ng lahat.

Matapos maka-alis ni direktor Zheng, naggupo grupo na ang lahat at nag-umpisa na ang tsismis.

"Yung vice-chairperson ba 'yung kausap ni direktor Zheng sa telepono ngayon lang? May nangyari ba?"

"Mukha may nakasalubong siyang gulo papunta rito…"

"Oo nga pala, saan ba galing ang Felix na ito? Tutal sobrang galing niya, bakit hindi siya sumama sa mas malaking kumpanya? Bakit mas gugustuhin niyang manatili sa maliit na kumpanya tulad ng Dazzling?"

"Hindi ako sigurado. Alam ko lang ay kinuha siya ng direktor ng talent management ng Dazzling… saka, maayos na din ang lagay ng Dazzling ngayon 'di ba? Kung titignan mo ang mga bagay, mukhang magaling talaga sila!"

avataravatar
Next chapter